Chapter Forty

170K 3.7K 463
                                    

Hindi ito pwede. Pumunta ako rito para humingi ng mga sagot sa tanong ko, at hindi para pakinggan ang puso kong siya pa rin ang tinitibok. Marami na ang nagbago. Ni hindi ko alam kung pareho pa kami ng nararamdaman. I have no idea kung ano ang mga nangyari sa kan'ya sa loob ng maraming taon. Paano kung may iba na siya? Paano kung ako na lang pala ang hindi pa makapag-move on?

Sinubukan kong itago ang nararamdaman ko. Nanginig ang kamay ko. Nanuyo ang lalamunan ko. Lahat ng inensayo kong mga sasabihin para sa oras na ito ay nawala, and now wala akong magawa kundi titigan na lang siya. Titigan at pagmasdan kung ano ang nawala sa akin.

"H-Hi..." Kinakabahan kong sambit. Ilang beses pa akong lumunok para kahit papaano ay maibsan ang panunuyo ng lalamunan ko.

"Oh God," Mabilis niya akong niyakap. Napapikit ako ng mariin. I missed this scent. My Tyrone. I tried to hug him back pero naninigas ang buong katawan ko, shocked about his reaction. This is not what I was expecting.

Mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin like I was the only one left for him. Pero pakiramdam ko may malaking butas sa puso ko. I feel hurt inside dahil sa pagyakap niya sa akin at hindi ko alam kung bakit.

Nagulat ako nang bigla na lang akong umangat mula sa sahig. Ni hindi ko na alam na buhat buhat na pala niya ako papasok sa kan'yang unit. Isinara niya ang pinto gamit ang kan'yang paa at mabilis akong ibinaba nang tuluyan na kaming makapasok. Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya.

God, he's handsome.

Nilapitan niya ako at muling nangatog ang binti ko. Yumuko siya at hinawi ang iilang hibla ng buhok na nagtatakip sa mukha ko. Pabalik-balik ang tingin niya sa magkabilang mga mata ko. I can see the longing in his eyes. Napakalapit niya na halos hindi na ako makahinga. Naglaho na parang bula lahat ng prinsipyo na pinaglalaban ko kanina.

"God, I've been looking for you. " Bulong niya "Slap me, baby."

Nanlaki ang mga mata ko. What does he mean?

"C'mon, sampalin mo ako, suntukin, kahit ano. Please."

"A-anong sinasabi mo?"

"I know hurting me physically is not enough for all the things I've done to you, pero kahit 'yun lang, Yvette. Do it. Sinaktan kita, I was a jerk, and I can't move on."

Muli kong pinagmasdan ang mga mata niya, he's dead serious.

"I left you for no reason, pinagpalit kita kay Xena, so please, sampalin mo ako."

Bumilis ang tibok ng puso ko. Sa simpleng pagpapaalala niya sa akin ng mga nangyari ay bumabalik lahat ng sakit sa akin. All the pain I thought I've buried came back rushing through my veins, nakaramdam ako ng galit, ang isang pakiramdam na matagal ko nang hindi nararamdaman. Visions of the past came to me, kung paano siya hinalikan ni Xena, kung paano niya hawakan ang kamay nito. He was the one I held on to when everybody else gave up on me, pero siya mismo ang bumitaw. Lahat ng sakit na akala ko ay naibaon ko na kasama ang mga alaala ay bumabalik sa akin ng gan'on gan'on lang at lahat ng pinaghirapan ko para kalimutan iyon ay naipaalala niya sa akin sa loob ng isang segundo.

Lumipad ang palad ko sa kan'yang pisngi.

"Isa pa." Bulong niya.

And within a split second, sinampal ko siya sa kabila. Binuhos ko lahat ng sama ng loob, lahat ng sakit.

"Yvette..." Tinitigan niya ako at lumapit sa akin,  may namumuong luha mula sa kan'yang mga mata. Umatras ako ng bahagya.

"Anong nangyari? Pwede ko na bang malaman ang totoo?" Hindi ko pinansin ang nagraragasang emosyon sa sistema ko. I kept myself calm dahil sa kabila ng ilang taong lumipas, handa akong makinig. Handang handa ako.

IntoxicatedWhere stories live. Discover now