Chapter Eighteen

183K 3.1K 105
                                    

Napagdeisyunan kong 'wag nang pumasok kinabukasan. Hiyang hiya ako sa mga nasabi ko, I don't even know how it came out of my mouth. Minsan talaga napakataklesa ko.

Opening program lang naman sa umaga at launching of booth. Hapon pa ang pageant kaya may panahon pa kong manlumo sa sariling kahihiyan.

"Bye ate!" Hinalikan ako ni Viviene sa pisngi nang inabot ko sa kan'ya ang baon niyang niluto ko.

"Magpaalam ka kay mama ha." Pagpapaalala ko sa kan'ya.

Tumango siya at dumiretso na. Natulog lang ako pagkatapos. Buong umaga yata akong tulog at pagkagising ko ay mataas na ang sikat ng araw.

Nang lumabas ako sa kwarto, amoy na amoy ko ang nakakatakam na amoy ng porkchop. Bigla ako nakaramdam ng gutom.

Nagtataka man ay dumirediretso ako sa kusina. Doon ay nakita ko si mama na muling suot ang green na apron. It feels weird seeing her in that apron dahil napakatagal nang panahon nung huli kong makitang suot niya iyon. Noon pang buhay si papa.

"Yvette," aniya nang makita ako "kumain ka na. May kanin na d'yan."

Saglit kong tinitigan ang nakahandang lamesa bago siya muling binalingan ng tingin.

"Sige na, anak." Ngumiti siya at bumalik sa pagluluto.

Nakalimutan ko lahat ng iniisip ko kanina. Lahat ng mga naramdaman ko kagabi. Ang alam ko lang ngayon ay gustong gustong gusto kong kumain.

It has been so long na naramdaman kong may magulang pa ako. I've been wishing na sana ay kapag uuwi ako, sana may nakahanda nang pagkain. Sana may gigising sa akin tuwing umaga. Sana may nagpaplantsa ng uniform ko, may nagluluto para sa baon ko, at higit sa lahat may hahalik sa pisngi ko bago ako umalis papunta sa school at sasabihing mag-ingat ako. Gusto kong maging tulad ng mga kaklase ko na normal ang buhay.

Well kung para sa kanila, normal ang ganoon, sa akin hindi. I've been praying every night na muli kong maexperience ang mga maliliit na bagay na iyon. Small kinds of gesture pero iyon na yata ang bubuo ng mundo ko.

Kaya't napakaswerte ng ibang mga bata d'yan. May mga magulang sila at ramdam nila ang presensya nila. Nakakainggit.

Nagtataka man ay pinili ko na lang umupo sa mesa. Nagsandok ako ng kanin at kumuha ng isang porkchop.

"Ma, kain po." Pagaaya ko.

"Sige lang, tapusin ko lang ito."

Kinamay ko ang porkchop. Eating that piece of meat brought me back to the past. Natatandaan ko ang masasayang araw ng pamilya namin, yung puro halakhak, puro pagmamahal.

Ganon pa rin kasarap ang luto ni mama. Ninanamnam ko ang bawat subo ko. Funny how a single piece of meat can give me so much emotions.

Sinabayan ako ni mama pagkatapos. I stared at her for a moment. Kamukha niya si Viviene, malaki ang magagandang mata at maliit ang ilong. Viviene is her little version, ako kasi kay papa ako nagmana.

Her hair is tied in a messy bun. Dumadami na ang puting buhok ni mama, halos buong ulo niya ay nasasakop na nito. Marami na rin siyang wrinkles. Lumalim na rin ang mata at halata ang stress sa mukha. Her lovely face has changed. She's getting older at nasasaktan ako sa katotohanang iyon, dahil maraming panahon ang nasasayang, pero alam ko namang wala akong magagawa.

She's thinner. Halos lumabas na ang cheekbone niya sa balat niya.

"Kamusta pagaaral mo Yvette? Hindi ka ba pumasok ngayon?" Nagsandok siya ng sariling kanin at nilagay sa plato.

"Opo. Intrams lang naman. Mabuti naman po."

Tumango siya at hindi na nagsalita pa. Gusto ko sana sabihin sa kan'yang may pageant ako mamaya at gusto kong manuod siya so I can somehow make her proud and happy. Kaso minabuti kong wag na lang. Nahihiya akong magsalita.

IntoxicatedWhere stories live. Discover now