Chapter Twenty

188K 3.8K 645
                                    

Nangatog ang mga binti ko. Halos matumba na ako sa kinatatayuan ko. Nanlalamig ang mga palad ko habang piagmamasdan ang seryosong mukha ni Tyrone. Pakiramdam ko nag-HD ang itsura niya. Lahat ay nakikita ko ng klaro, ang makinis niyang mukha, mapupungay at light brown na mata, ang kan'yang matangos na ilong at pink na labi.

Halos mabingi ako sa hiyawan ng mga estudyante. Maraming nagsipag-Oh-my-God at marami ring hindi makapaniwala. Hindi ko sila masisisi dahil kahit ako hindi makapaniwala!

Lumingon ako sa mga judges. Nakatuon ang atensyon nila sa akin at kahit sila ay naghihintay ng sasabihin ko. Paano niya ito nagawa? Well, of course! He's a Feledrico! He has his connections!

Napalunok ako. Nanginginig ang kamay kong nakakapit ng mahigpit sa microphone. Muli kong binalingan ng tingin si Tyrone. He's looking at me intently. Shit. No? Yes? Please repeat the question?

May biglang sumigaw sa audience. Agad nagkagulo at nabaling ang tingin ko doon. May mga teachers na nagkumpulan at nakita kong may medical team na rin na dumating. Nagulat ako nang makita si Desiree na nahimatay mula sa audience. Nilalagay siya sa stretcher at mukhang hinang hina.

Nilingon ko si Tyrone. Kahit siya ay nakatingin kay Desiree. Nakakunot ang kan'yang noo at nakaigting ang panga. Doon na ako nakakuha ng pagkakataon. I turned to my heels at tumakbo ako pabalik sa backstage. Napakalakas ng pintig ng puso ko lalo na nang sinigaw ni Tyrone ang pangalan ko.

Shit shit! Panaginip lang ba ito? Kung oo, then please this has to stop! Hindi na maganda ang nararamdaman ko para dito! Sobrang saya, sobrang kilig, at nakakatakot ang sobra. Natatakot akong maniwala sa mga sinasabi niya. Crush ko lang siya diba? Bakit gusto na din niya ako pabalik? Yun ba ang rason kung bakit niya ako hinalikan?

Bakit biglaan? Kailangan ba ng sagot ngayon? Hindi ba ako pwedeng mag-isip? Oh my God!

"Yvette, teka..." Hinawakan ni Tyrone ang braso ko nang makarating kami pareho sa backstage at halos mapaso ako.

Tinitigan ko siya at napakagat ako sa labi ko nang makita ang bigo niyang mukha. "Is it a no?" Lalong lumambot ang ekspresyon sa mga mata niya.

Nagsipagbalikan na ang mga kandidata dito sa backstage. Lahat sila ay tumitingin sa aming dalawa.

"Okay... Konting commercial lang 'yon!" Humalakhak ang MC sa labas "To heat things up, let's welcome the dance troupe for an intermission number!"

Walang pumalakpak. Kahit sila ay nagugulat sa nangyari. Katulad ko.

"Wala talagang question and answer?" Tanong ko nang unti kong nabuo ang puzzle na binigay ni Tyrone.

Ngumuso siya at umiling-iling.

"Palabas lang 'yon? Para sa akin?"

Namula ang mukha niya saka tumango.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Kung dapat ba akong matuwa dahil sa ginawa niya, o dapat mainis. He's using pressure against me! Ginawa niya iyon sa harap ng maraming tao para wala akong kawala! Dapat matutuwa ako pero naiinis ako. Pakiramdam ko tinanggalan niya ako ng karapatan para mag-isip ng sariling desisyon.

Napansin niya siguro ang disappointment sa mukha ko kaya mabilis niyang kinuha ang kamay ko. "Hey. Hindi 'yun ganon. I just... I just want everyone to know how I feel." Nakatitig lang siya sa akin habang sinasambit ang mga ito.

"Kung hindi pa pwede, then it's alright. I'll wait..." Hinaplos niya ang palad ko at muling may kumiliti sa tyan ko nang halikan niya ang likod ng mga palad ko. Those lips on my skin. Those lips again.

Huminga ako ng malalim. Saglit akong nag-isip. Gusto ko si Tyrone. Napakatagal na, at ngayong sinabi niyang gusto niya rin ako, hindi ko alam kung paano magrereact. Kahit kailan hindi pumasok sa isip ko na magugustuhan niya rin ako. Sapat na ba yun? Am I ready to be his girlfriend? Hindi kaya masyado pa akong bata para dito?

IntoxicatedWhere stories live. Discover now