Chapter Forty-one

176K 3.7K 315
                                    

 

"Marry me." He said in between our kisses.

Natauhan ako at saka lang nakinig ang katawan ko sa utak ko. Dinilat ko ang mga mata ko at pilit ko siyang itinulak palayo. This is too fast. This is happening way too fast. Matapos ng ilang taon ay ngayon lang kami nagkita, tapos heto't nakikipaghalikan na naman ako sa kan'ya. Ni wala akong ideya kung ano ang nangyari sa kan'ya sa loob ng mga taong hindi kami nagkita. And now... Now... Did he just propose to me?

He eyed me suspiciously, unaware of my emotions. Hindi. Ayokong basta basta na lang gumawa ng desisyon. Ayokong magpadala dahil lang gusto ko pa rin siya. Ni hindi ako sigurado kung ano ang mangyayari pagkatapos nito. Walang kasiguraduhan ang lahat. I need to think this through.

Gusto kong malaman niya na hindi ako isang laruan na pwede lang niyang bitiwan at muling pulutin kapag gusto na niya muli. Nasaktan ako. Sobra sobra. I just can't let it all pass. I need assurance, na hindi na nga iyon mangyayari, na handa na niya akong ipaglaban, na magiging malakas na siya para sa aming dalawa.

Nakakatakot masaktan.

"Kailangan ko nang umalis." Inayos ko ang buhok kong nagkagulo-gulo na pala. Nagulat ako nang makitang halos nakababa na ang strap ng dress ko at iniluluwa na rin nito ang dibdib ko. Agad ko itong inayos at mabilis na tumayo.

Naramdaman ko rin ang kan'yang pagtayo at ang paghatak niya sa braso ko para paharapin ako sa kan'ya. Dahil sa nanghihina na rin ako ay wala na akong nagawa kundi ang balingan siya. His light brown eyes again pierced through my soul. Nakataas ng bahagya ang kan'yang puting damit at sumisilip doon ang V-Line niyang napakaperpekto.

"May nasabi ba akong mali?" Matigas ang pagkakasabi niya nito na para bang alam niya sa sarili niyang tama ang ginagawa niya.

Bumuntong hininga ako at yumuko dahil hindi ko kayang makipagkompetensya sa bigat ng tingin na ibinabato niya sa akin. "Marami nang nagbago, Tyrone. 9 years na rin ang nakalipas. Sa loob ng mga taong iyon, you changed, I changed. Nagbago na 'ko ng favorite colors, favorite food. Hindi na ako 'yong Yvette na kilala mo, at hindi na ikaw ang Tyrone na kilala ko. What if those changes don't complement each other? Mahihirapan tayo. Sa loob ng mga taong iyon, natuto akong mabuhay nang wala ka. Tapos biglang and'yan ka ulit. I... I don't know how to cope up with this anymore."

Suminghap siya at binitawan ang braso ko, na para bang may nakakapaso roon. Ilang beses pa siyang nagmura and I know he's already frustrated. Hindi nag-work-out noon. Sigurado akong hindi pa rin magwowork-out ngayon.

"Kung noon, naghiwalay tayo dahil hindi tayo compatible sa isa't isa, sigurado akong ngayon gan'on pa rin ang kahahantungan ng relasyon na 'to. Papaasahin lang natin ang sarili natin. Nakakapagod.." Pabulong kong sambit

"Take the risk with me again, Yvette. And I'll show you."

Umiling pa rin ako. I'm not going to regret this decision. Pumunta ako rito para sa closure, sa explanation, para sa ikatatahimik ng sistema ko, at hindi para muling tahakin ang magulong mundo. Masyadong mabilis ang mga pangyayari at natuto na ako. What happened was traumatic to me, at ayoko nang muling mag-desisyon nang hindi nag-iisip muna.

"What do I have to do to make you believe that I'm not gonna hurt you anymore?" His voice soft, almost pleading, halos lumambot na rin ang puso ko sa tono pa lang ng boses niya, pero tuwing naaalala ko ang sakit na naranasan ko sa kan'ya, mas lalo kong gustong panindigan ang desisyon ko.

"Masyadong mabilis. Patunayan muna natin na pwede na tayo sa isa't isa, then maybe I can reconsider." Bumuntong hininga ako at saka lang nag-angat ng tingin sa kan'ya. No. I am not going to change my mind. Mistakes are meant to be learned from, at ang mali ko noon ay nagpadalos-dalos ako sa sinisigaw ng puso ko. This time, I want everything to settled first para hindi na masakit. Para hindi na mahirap.

IntoxicatedWhere stories live. Discover now