Chapter Fifty-three

167K 3.6K 809
                                    

Nagbigay ako ng resignation letter sa cake shop tulad ng sinabi ni Tyrone. I moved in to his condo dahil alam kong hindi ko kakayaning mag-isa, at hindi naman niya ako pwedeng samahan because his work is miles away. Wala akong choice.

Hindi niya ako pinabayaan sa mga oras na kailangan ko siya. Halos hindi na siya pumasok sa kan'yang trabaho para lang mabantayan ako. He's there to listen, to console, and to comfort. Dumadalas ang pagiging emosyonal ko. Tuwing wala akong ginagawa ay titigil na lang ako at iiyak. This is the most heartbreaking part. I can endure all pain but not this one. Not when my sister is involved. She has been my life at hindi ko alam kung ano ang ginawa ko to deserve this kind of pain.

Binasa ko ang text message na pinadala ni Ate Heidi n'ong araw na nag-away kami ni Viviene.

Yvette, babalik na kami sa probinsya ni Gido. Kung may kailangan ka, magtext ka lang.

Kating kati akong tanungin kung may alam ba siya. . . Kung umuuwi pa ba si Viviene doon. Pero mukhang hindi niya ako masasagot dahil itong message na ito ay noong eksaktong araw din na nalaman ni Viviene ang tungkol sa amin ni Tyrone. Bakit gan'on? Kung kailan kailangan ko ng kapatid, ng pamilya, saka sila wala? Saka nila ako ginaganito? Pero n'ong mga oras na sila ang nangailangan sa'kin, ginawa ko ang makakaya ko para sa kanila, at kailanman hindi ko sinumbat iyon.

Maybe that's how it is. The more you get attached to a person, the more pain it will bring you once they fail your expectations. Umasa akong kaya nila akong mahalin tulad ng pagmamahal ko sa kanila, pero ngayon ako ang sawi. Ako ang lugmo. Ako na ang nagbigay, ako pa ang nalugi.

"Umiiyak ka na naman," nagulat ako sa boses ni Tyrone. Namamaos ang kan'yang boses dahil mukhang naistorbo ko pa siya sa tulog. Magaalas tres pa lang ng umaga at eto't binabagabag na naman ako ng utak ko.

Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko na hindi ko namalayang tumulo na pala. He hugged me tight and started planting soft kisses on my cheeks.

"I hope I can take your pain away, girlfriend," he said as he rested his head against my ears "Rest. You need it." 

Napangiti ako sa mainit na halik ni Tyrone sa tenga ko. Niyakap ko siya pabalik at sinubukang bumalik sa tulog sa kabila ng magulo kong pag-iisip.

Nang dinilat ko ang mata ko kinabukasan ay napangisi ako nang makitang wala pang araw. Nilingon ko ang alarm clock ni Tyrone sa tabi ko. 5:08AM. Maaga pa. Nilingon ko si Tyrone at umasa sa kakaunting ilaw na binibigay ng lamp sa kan'yang gilid. Pikit pa rin ang mga mata niya at tulog na tulog pa. Maingat kong tinanggal ang kamay niya sa tyan ko at bumangon mula sa kama. Sinigurado kong hindi siya nagising nang lumabas ako sa kan'yang kwarto.

Agad kong tinignan ang laman ng kan'yang ref. Bacon and egg will do for the morning. Gusto kong kahit papaano ay mapagsilbihan si Tyrone at gumanti sa kabutihan niya sa simpleng mga bagay. Sa totoo lang, napakalaki na ng utang na loob ko sa kan'ya. He's the one who never gave up on me when the world did.

Biniyak ko iyong itlog at nilagay sa mainit na mantika. Nilalagyan ko na ito ng asin nang maramdaman ko ang yakap niya mula sa aking likuran. His mere scent already completed my day.

"Good morning," he said.

"Morning." Ngumiti ako at naramdaman ang mabilis niyang paghalik sa aking ulo. " Ang aga mo. Upo ka na doon. Ihanda ko lang breakfast mo."

"Hmm. Bango," paglalambing niya sa likod ko.

"Ang clingy mo naman," halakhak ko "Sige na, Tyrone. Malelate ka na."

Muli niya akong hinalikan sa pisngi bago siya kumalas sa kan'yang pagkakayakap sa akin. Inayos ko iyong niluluto ko at nilagay sa plato. Nang nilingon ko siya ay nakaupo na siya sa dining at naghihintay sa akin. Naka-topless siya at tanging boxer shorts ang suot.

IntoxicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon