Chapter Twenty-three

181K 3.2K 106
                                    

Pinagtitinginan kami ng mga estudyante sabay tingin sa kamay ni Tyrone na nakaakbay sa akin. Tapos na ang Intramurals at balik na sa normal ang schedule pati na ang klase, pero itong puso ko, pakiramdam ko hindi na babalik pa sa normal.

Hindi ko mawari kung ano ang mayroon sa titigan ng mga estudyante. Hindi ko ito mabasa, pero wala akong pakialam. Ang importante sa akin ay kasama ko si Tyrone. Nakaakbay siya sa akin na para bang pinagsisigawan niya sa buong mundo na sa kan'ya ako, at akin siya.

Nakakakilig lang.

Sa tuwing naaalala ko ang nangyari over the weekend, hindi ko maiwasang ngumiti. Iyong pag-beblend in ni Tyrone sa buhay ko na parang walang malaking pagitan sa aming dalawa? It feels perfect. Para bang hindi makatotohanan ang 'langit ka at lupa ako'. Parang bagay na bagay kami.

"Ang laki ng ngiti mo," pansin ni Princess isang araw habang sinasalapid ang buhok niya "Anyare?" at ipinalobo ang bubblegum sa bibig niya.

"In love." Muntik na akong mapahagikhik sa sarili kong sinabi. Para akong tanga na kinikilig sa sarili. Ganito pala ang pakiramdam na gusto ka ng taong gusto mo? Wala nang pero pero, walang komplikasyon. Wala nang anumang tanong, basta't gusto niyo ang isa't isa. Period.

Tinitigan ko ang sariling repleksyon sa salamin habang sinusuklayan ang sarili. Napakabilis ng panahon. Malapit na kami mag-isang buwan. At sa loob ng isang buwan na iyon, lalo ko siyang nakilala. Lalo akong nahulog para sa kan'ya. He never failed to make me feel special, kaya naman sa loob ng isang buwan na iyon, hindi na natanggal ang ngiti sa labi ko.

Gabing gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. I was humming a joyful tune nang magvibrate ang phone ko. Mabilis kong binitiwan ang suklay at kinuha ito.

From: Tyrone (boyfriend)

I miss you :(

Kinagat ko ang labi ko at nagtype ng reply.

Nagkita pa lang tayo kanina ah?

Gusto kong pagsasampalin ang sarili ko dahil pakiramdam ko panaginip lang ang lahat ng ito. This happiness is dangerous, so dangerous na pakiramdam ko hindi ko ito deserve. Pakiramdam ko kapag lumagapak man ako ay sobrang sakit. This is so dangerous pero pigilan ko man ang maging sobrang saya, hindi ko magawa. Paano ba kasi? He's always the reason behind this stupid smile.

Pwede ka bang lumabas saglit?

Inulit kong basahin ang text niya. Napalunok ako. Is this for me? Halos mag-aalas dose na ng gabi! Andito siya?

Hindi ko pa man napipindot ang reply ay halos mabitawan ko na ang cellphone ko nang magvibrate ito nang sunod-sunod. Naka-lagay ang pangalan ni Tyrone at ayon sa cellphone ko ay tumatawag siya. Mabilis kong ini-slide ang screen.

"Hello?" Halos nanginginig ang boses ko nang sagutin ko ang tawag niya. Kahit mag-iisang buwan na kami, andon pa rin yung kakayanan niyang pakabahin ako everytime he'd call me, kahit na lagi niya naman akong tinatawagan.

Narinig ko ang hininga niya sa kabilang linya. "Girlfriend..." Halos namamaos niyang tugon "Can I see you?"

"May problema ba?" Napatayo ako sa kinauupuan at sinilip si Viviene na mahimbing na natutulog sa kama naming dalawa.

"Malaki."

Bumilis ang tibok ng puso ko sa namamaos niyang boses. Higit sa lahat, bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. May malaking problema.

"Ano?" I held my breath habang hinihintay ang sasabihin niya, pakiramdam ko kahit ang puso ko ay tumigil sa pagtibok, lalo na nang humugot siya ng malalim na hininga.

IntoxicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon