Chapter Fifty-two

168K 3K 914
                                    

SPG: Lenggwahe

"Shit." Umiling siya at agad tinanggal ang sarili niya sa loob ko. Binaba ni Tyrone ang suot kong sando at mabilis akong binihisan ng bagong underwear at shorts. Pinanuod ko lang siya habang natataranta na suotin ang kan'yang t-shirt at boxer shorts dahil palakas na ng palakas ang katok sa pinto. Napakagulo ng kan'yang buhok at halata sa kan'yang itsura na naiirita na siya.

Napailing na lang ako. Malamang sina Trina na naman iyon. Sigurado akong maraming itatanong ang mga iyon sa akin. Umupo ako sa sariling kama at pinagmasdan ang paglapit ni Tyrone sa pinto. Hinayaan ko na lang siya tutal kinakarir naman na niya ang paninirahan dito.

Nang buksan niya ang pinto ay nanlaki ang mga mata ko ng makita ang malaking ngiti ni Viviene. May dala siyang mga plastik ng tingin ko ay grocery pero agad niya itong nabitawan ng makita si Tyrone sa kan'yang harapan. Natigilan ako. For a moment gusto kong tumigil ang pag-ikot ng mundo.

Oo, gusto ko nang sabihin sa kan'ya pero hindi sa ganitong pagkakataon. Hindi ngayong naka-puting sando ako, walang bra, at si Tyrone ay magulo ang buhok, naka-itim na t-shirt at naka-boxer shorts.

Hindi ngayong kakatapos lang namin.

"A-Ate?!" Nabasag ang kan'yang boses. Nabitawan niya ang mga pinamili at bahagya siyang napaatras habang pabalik-balik ang kan'yang tingin sa amin ni Tyrone. Lumipad ang kanyang palad sa kanyang laglag na panga at muli niya akong tinitigan. Gulat na gulat siya, at maging ako ay hindi alam kung paano kikilos.

Tumayo ako mula sa kama. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Nilingon ako ni Tyrone at alam kong maski siya ay hindi alam ang gagawin.

"V-Viviene..." Lumapit ako sa kan'ya at hinawakan ang braso niya "Let me explain."

Tinitigan ako ni Viviene mula ulo hanggang paa at doon pa lang ay ramdam ko na ang sakit na nadarama niya. Triple ang sakit na naidulot nito sa akin. Ang bagay na pinakakinatatakutan kong gawin--ang masaktan ang kapatid ko--ay ako mismo ang naging dahilan. Sunod sunod na tumulo ang luha sa kan'yang mga mata.

And there I felt it. I felt guilty all of a sudden. Sinaktan ko siya. Sinaktan ko ang prinsesa ko and I'll forever loathe myself for that. Wala akong nagawa kundi ang yumuko at bumuntong hininga dahil alam kong kahit ano pa ang sabihin ko sa kan'ya ngayon, she will not understand. Not on her situation. Not when the wound is still fresh.

Nagulat ako nang makaramdam ng isang malakas na sampal sa kanang pinsgi ko. Doon tumulo ang luha ko. Doon ko naramdaman ang galit ng kapatid ko. And I understand. Naiintindihan ko kung kamuhian man niya ako ngayon.

Nakita ko ang pagigting ng panga ni Tyrone habang nakatitig kay Viviene. Hinawakan ko ang kamao niyang nakakuyom. He looked at me. Tumango lang ako sa kan'ya to tell him that I'm okay.

Muli kong nilingon si Viviene. Patuloy lang ang pagbagsak ng kan'yang luha pero wala na ang mata niyang puno ng sakit. Napalitan na ito ng galit at hinanakit. Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko kayang makita ang kapatid ko na ganito--galit na galit sa akin.

"How dare you, ate!" Pumiyok siya pero nanatili ang nanlilisik niyang mga mata "How dare you do this to me!" Sumigaw siya at nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang sumugod sa akin. Hinablot niya ang buhok ko at kahit na nasasaktan ako ay hinayaan ko siyang gawin ito sa akin.

"Viviene!" Matigas na banta ni Tyrone pero hindi siya pinakinggan. Ramdam ko ang sakit sa anit ko na para bang anytime ay malalagas na lang ang mga buhok ko sa pagsasabunot. Pinikit ko ang mga mata ko, at hinayaan ko siya.

"Damn it, Viviene!"

Natigilan lang siya nang iawat siya ni Tyrone. Nang buksan ko ang mga mata ko ay nakita ko si Viviene sa kamay ni Tyrone, pilit siyang hinihila ni Tyrone palayo sa akin. At hindi ko alam kung ano pa ba ang masakit--ang makita siyang galit na galit sa akin o ang makita si Tyrone na hinahawakan ang ibang babae, ang kapatid ko.

IntoxicatedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant