Chapter Forty-seven

139K 3.1K 843
                                    

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Kahit paglunok ay hindi ko na magawa. Pinagmasdan ko lang kung paano titigan ni Viviene si Tyrone. Pulang pula ang kan'yang pisngi at kumikinang ang kan'yang mga mata. He's looking at him as if he's the most gorgeous man on Earth. Naninikip ang dibdib ko pero pinilit kong magsalita.

"H-Hindi mo ba siya nakikilala, Viviene?" Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Nilingon niya ako. Kumunot ng kaunti ang kan'yang noo pero nanatili ang ngiti sa kan'yang labi. "Kilala ko siya, ate. Siya 'yung boss ko at 'yung nag-speech nong graduation ko. Bakit po? Paano kayo nagkakilala?"

Napapikit ako ng mariin. Hindi niya natatandaan si Tyrone. Kung sabagay, isang beses pa lang naman sila nagkita at masyado pa siyang bata noon. Hindi niya talaga ito makikilala. Suminghap ako at binuksan ang mga mata ko. Nakita ko si Tyrone na papalapit sa amin at dumoble ang tibok ng puso ko.

"Sir Tyrone," binitiwan ni Viviene ang kamay ko at naglakad ng kaunti para salubungin si Tyrone. Natigilan si Tyrone nang makita si Viviene, pero muli itong naglakad papalapit sa akin.

"Magkaibigan po pala kayo ni ate. Mabuti po't nakapunta ka." Kinagat ni Viviene ang labi niya at tumabi sa akin. Binigyan ko ng makahulugang titig si Tyrone. Namutla si Tyrone at bumuntong hininga.

"Yeah. She's my—"

"—friend." Agad kong pinutol ang sasabihin niya. "High school friend."

Ngumiwi si Tyrone pero hindi ko na ito pinansin pa. I never expected any of these, pero sa ngayon, kailangan ko munang mag-isip. Pag-iisipan ko ang magiging desisyon ko. Hindi magandang ideya kung agad naming sasabihin kay Viviene ang estado namin. Magpapaliwanag ako, pero hindi ngayon. Hindi sa kaarawan ko. Hindi kung kalian narito lahat ng mga taong importante sa buhay ko.

Tumango si Viviene sa akin at muling binalik ang tingin kay Tyrone na hanggang ngayon ay namumutla pa rin. Nakakunot ang kan'yang noon a para bang iritadong iritado siya.

At wala akong magawa kundi ang bumuntong hininga.

"Ate, tara. Magboblow ka pa ng candle sa cake."

Tumango ako at sinabayan sila papunta sa mesa kung saan nakatayo ang mga bisita at naghihintay sa amin. Hindi ko sila magawang ngitian isa-isa. Kahit na maraming pagkain ay wala akong ganang kumain. Kinantahan nila ako at kahit na nahipan ko na ang mga kandila sa cake ay hindi ko magawang matuwa.

Iniiwasan ko rin si Ate Heidi. Alam kong marami kaming dapat pag-usapan pero hindi na muna sa ngayon. Masyado akong maraming iniisip at ayoko nang dagdagan pa. Ang daming tanong sa isip ko, kaya naman nang makita kong matapos si Viviene sa kan'yang pagkain ay nilapitan ko siya. Naabutan ko siyang nakatingin kay Tyrone na nasa isang sulok lang din.

"Oh, ate. Kumain ka na ba?" Ngumiti siya sa akin.

Pinagmasdan ko ang kapatid ko. Maiksi ang kan'yang buhok at mature na ang itsura, ibang iba na sa noon. Natatakpan na rin ng make-up ang kan'yang magandang mukha. Sa magkakapatid, kami ang magkamukha. Pareho kami ng labi at ng mga mata, at ngayo'y magkasing tangkad na rin kami.

Tumango ako sa kan'ya at pinilit ngumiti. "Crush mo talaga siya, 'no?" Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib dahil sa nasabi ko.

"Hindi lang crush. Tingin ko..." Ibinaling niya ang kan'yang atensyon sa akin "Mahal ko na siya, ate."

Naramdaman ko ang pag-iinit ng dulo ng mga mata ko. Ang sakit marinig iyon galing sa kan'ya. "Paano mo naman nasabi?"

Nagkibit-balikat siya at muling binalik ang tingin kay Tyrone. "Siya ang hinahanap ko sa office lagi, napaka-dedicated niya kasi sa trabaho niya, eh. Para bang mayroon siyang purpose at motivation para magtrabaho ng maayos? Hindi ko alam, ate, pero pakiramdam ko magiging maganda ang buhay ko sa kan'ya. Everything he does, he does it with passion. Kapag siya ang kasama mo, hindi ka mawawalan ng lakas ng loob. Kapag siya ang kasama mo, alam mong okay ka. Siya kasi 'yung tipo ng tao na planado na ang lahat. He likes everything organized. Meron siyang patutunguhan. Meron siyang goal,"Nakangiti siya habang tinitignan si Tyrone sa malayo, then she looked at me. "Mahal ko na nga talaga siya, ate. At ramdam kong mahal niya rin ako. In denial lang siya. Kapag nagkikita kami sa building, nginingitian niya ako samantalang napakasungit niya sa ibang empleyado. Hindi ko nga alam kung bakit natigil. Pero basta! One of these days, aamin din siya sa nararamdaman niya, at ikaw ang unang makakaalam."

IntoxicatedWhere stories live. Discover now