Chapter Five: Suicide or Murder (Part IV)

852 47 2
                                    

Chapter Five: Suicide or Murder(Part IV)

Kumabog bigla ng sobrang lakas ang puso ko nang marinig ang codename na 'yon. Bumalik muli ang mga pansamantalang nakalimutan kong memorya sa senaryong iyon.

Akward akong napatawa at kinakabahang nag-iwas ng tingin sa kanya. "H-Ha? Mayroon bang numero dito at nasabi mo 'yon?"

"Huwag ka ng mag-maang-maangan, Mavis Sherlia Throver. Kasama ka sa eksperimentong iyon," aniya.

Napahinto ako ng tawa at mas lalong nadagdagan ang kaba ko. "H-Ha? Anong eksperimento?"

"You know what I mean," sagot niya. "You're a victim."

Napabuntong-hininga ako at winagayway ang kamay ko sa harap ng mukha ko. "I don't know what you're talking about." Mas mabuti ng 'di niya malaman na ako ang isa sa mga successful na experiments. "I am investigating a case right now. May kilala kang Alejandro Quinto?"

Nanlaki bigla ang kanyang mga mata. "ABM-11 Section B," turo niya habang nakakunot ang noo. "Same corridor as your section but in second floor. Why?"

Marahas akong napabuntong-hininga at binigyan na lang siya ng tipid na ngiti bago tumakbo uli para pumunta sa talaang gagawin ko.

Kahit na nakalagpas na ako sa kanya, nararamdaman ko pa ring tumitibok ng malakas ang puso ko. Hindi ko makalimutan ang codename na binanggit niya at ang phrase na "you're a victim".

Paano niya nalaman ang codename na 'yon? Bakit alam niya na isa ako sa mga biktima? Ano ang koneksyon niya sa organisasyon na 'yon?

Huminto ako sa paglalakad at tinaas ang aking tingin sa sign na nasa ibabaw ng pintuan. ABM 11-B. Huminga muna ako ng malalim bago nag-knock ng tatlong beses sa pintuan saka binuksan ito.

"Excuse me po. Nandito po ba si Alejandro Quinto?" kaagad kong tanong sa klase.

Nakatingin lahat sa akin pero napukaw ang tingin ko sa isang lalaking nagtanggal ng kanyang headset at tinaas ang kanyang kamay habang nakakunot ang noo.

"Ako si Alejandro Quint. Bakit?" tanong niya at lumapit sa akin.

"May kailangan akong itanong sa'yo. Pwede bang lumabas ka kasama ko? Saglit lang."

Nagtataka siya pero hindi na siya nagtanong at lumabas ng classroom. Pumunta kami sa gilid kung saan siguradong walang makakakita sa aming nag-uusap.

"Miss, ano ang tatanungin mo? Baka magbigay ka ng love letter sa akin katulad ng isa kong kaklase. Pasensya na pero—"

"Hindi 'yon ang pinunta ko dito," pagpigil ko. "Kilala mo naman siguro kung sino si Nathan 'no?"

Nanlaki ang mga mata niya. "Teka. 'Yong Nathan ba na sinasabi mo..." Tumango ako. He sighed and slapped his face. "That idiot... Kakasabi ko lang sa kanya na 'wag siyang sumunod sa 'di niya kilala eh."

"May alam ka kung sino ang kasama niya bago siya mamatay?"

Napabuntong-hininga siya. Parang hindi man lang siya nagpanic na namatay ang kaibigan niya. "Oo. Alam ko. Magkaklase kami eh. Ako ang pinakamatalik na kaibigan ni Nathan. Kinausap ako no'n. Sumama daw ako sa kanya. Kasi raw, may kakausapin daw siya roon. Trini ang pangalan."

Tinuloy pa niya. Akala raw niya ay ang girlfriend ng kaibigan niya ang pupuntahan nito kaya pinagbawalan siya pero sinabi nito na hindi raw si Trini na girlfriend kung hindi ibang Trini.

"Nasaan ka na mga bandang 11:30 at 12:00?"

"Kakapasok ko pa lang ng classroom no'n kasi nga pinabalik lahat ng students sa classroom dahil may kaso 'di ba? Nakita ko na si Nathan ang biktima. Buong oras na 'yon nasa classroom ako, nakikinig ng music."

Knotted Conundrum (Project:Mystery #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon