Chapter Thirty-Four: The "Maiden"

448 13 0
                                    

Chapter Thirty-Four: The "Maiden"

Mavis' POV
"Madaya naman kayo!"

Napaigtad ako sa lakas ng kanyang boses. Naramdaman ko na may humawak sa kamay ko. Nagtaas ako ng tingin at nakita kong si Flare iyon. Tipid akong ngumiti sa kanya bago binalik ang tingin kay Friar, na nakasimangot at masamang nakatingin sa aming dalawa.

"Kayo ah..." Tinuro niya kaming dalawa. "Di ninyo agad ako ini-inform," sabi niya. Tumingin siya kay Flare. "Lalo ka na, Flare."

Napakamot sa batok si Flare. "Sorry, Fri."

"Hmph!" Pasalampak na sumandal si Friar sa kinauupuan niyang upuan. "Bakit ngayon lang ninyo sinabi sa akin na naging kayo na? Nasabi niyo na ba 'to kay Daddy?"

"Yep." -Mavis

"Yeah." -Flare

We said in unison.

Napabuntong-hininga naman si Friar. "Alam ninyo? Ako ang ate at kaibigan niyo pero ako pa ang nahuhuli sa balita. Alam na ba 'to ng ibang reapers?"

Nagkatinginan kami sa isa't isa at umiling. Napabuntong-hininga ulit ito at biglang tumingin siya sa akin ng seryoso.

"Be careful, Mavis."

Napakunot-noo ako sa kanyang sinabi. "Why do I need to be careful, Fri?"

Her eyes is in unusual cold gaze. As if she wanted to warn me about something. Something that will put me into a tight spot. That gaze says it all. That unusual gaze of her do... 

But then, she shook her head and clapped her hand twice, grinning brightly as if the gaze from earlier disappeared in thin air. "Nothing," sabi niya kapagkuwan ay tumayo. Nagsimula na itong maglakad papalayo sa amin.

"Where are you going?" asked Flare.

Bigla itong napahinto sa paglalakad at lumingon kay Flare. Tipid itong ngumiti rito bago lumingon sa akin. Nawala ang kanyang tipid na ngiti. Napalitan iyon ng malamig na ngiti bago muli tumalikod at umalis.

Napatitig ako sa likod ni Friar at sinusundan siya ng tingin. Paulit-ulit sa isipan ko ang sinabi niya.

'Be careful, Mavis.'

"Hey." Napaigtad ako at napatingin kay Flare kung saan nakatingin sa akin na may bahid ng pag-aalala sa mata. "Are you okay? You look spaced out."

"A-Ah... A-Ayos lang ako," sabi ko.

"Really?"

"Yep." I leaned into his shoulders. "Just thinking of something."

He kissed my forehead and stood up. Somehow, I slowly learned to cope with his soft gestures to me. HIndi man ako sanay dito dahil "first time" ang lahat ng ipinaparamdam, ipinararanas niya sa akin, tinatanggap ko at sinusubukan kong mag-adjust para sa kanya at para na rin sa sarili ko. 

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako patayo saka hinila ako papunta sa kusina. Nang makarating kami doon, as usual, naroon ang Protectors, Tyrone and Light.

"Uy! Hyung! (Brother)" sigaw bigla ni Void habang nakataas ang kamay. Hinampas siya ni Yna sa braso dahilan para maibaba niya ang kamay niya at mapaigtad. "Wae yo? (Why?)" nagtatampong sabi ni Void.

Sumimangot si Yna at hinampas siya muli sa braso. "Tumigil-tigil ka nga sa pagko-korean mo. 'Di ka naman Koreano o KPOP."

"Pero kamukha ako nung isa do'n. Sino ba 'yon? Ahh~ Si Jungkook. 'Yong nasa BTS?" Humalakhak siya ng tawa.

"Tigil-tigilan mo nga ako, Void. Wala kang kamukha ni isang katiting sa kanya maliban na lang sa pagkaputi mo. Mas pogi pa 'yon kaysa sa'yo. Hmph!"

"Ouch, babe. That hurts." Nilagay niya ang kamay niya sa dibdib at umaktong parang nasasaktan.

Knotted Conundrum (Project:Mystery #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon