Chapter Twenty-Eight: Disturbance

435 14 0
                                    

Chapter Twenty-Eight: Disturbance

Mavis' POV
"Then, alis muna ako."

Nagpaalam ako kay Flare, dumiretso sa girl's locker room, at ni-lock ang sarili sa banyo. Once I make sure na walang nakakakita o nakakarinig man sa akin, I dropped my smirk and calmness.

Napasandal ako sa pintuan at unti-unting bumaba ang katawan ko hanggang sa nakaupo na ako sa sahig; yakap-yakap ang tuhod ko at napapaisip.

Am I too harsh? Did I just snap out of jealousy?

No. 

Hindi pwedeng magkagusto ako kay Flare. It's impossible.

Do I love Flare? Or is it just action on protecting him?

"Sh*t..." Ginulo ko ang aking buhok. "Mahal ko na ba si Flare... May nagugustuhan na ba ako sa kanya..."

Nanlaki ang mga mata ko at umiling-iling. Hindi pwedeng isipin ko na may gusto ako sa kanya! Hindi pwede...

"Ano ba ang nangyayari sa akin?" I clenched my other hand into a fist. 

Bakit ako umatake kay Trixie nang makita kong humahaplos na ang kamay niya kay Flare? Nagselos ba ako sa kanya?

Oo, nagselos ka. 

That's what my intuition tells me. Sa t'wing naiisip ko na mayroong babaeng hahawak kay Flare nang gano'ng kalagkit, hindi ko mapigilang mainis. But I don't want to admit that thought.

Maybe it's a misunderstanding.

Right... It's only a misunderstanding on my part... Wala akong gusto kay Flare... That's not jealousy.

Are you really not jealous, Mavis?

Nagulat ako sa tinanong ng isip ko sa akin.

Niyakap ko ang sarili ko at napapikit. "Hindi ko alam... Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko..."

Pagmamahal ba 'to o obsession? O isang malaking kaguluhang pakiramdam na naglalayong sirain lang ako?

Suddenly, I flinched as I heard someone knocking on the door. Napatayo agad ako, pinunasan ang luha ko at tinanong kung sino ang kumatok.

"It's me. Are you crying?"

Hindi ako sumagot at tumitig sa dingding ng banyo. Kitang-kita ang reflection ko doon. 'Di man malinaw pero halatang malungkot ang ekspresyon ko at matalim ang mga mata.

I guess the thought of being jealous and mad about Trixie's touch take a huge impact on my feelings.

Narinig kong bumuntong-hininga si Ruxinaire. "Lia, there's no one here. You could talk to me."

Even if you say that I couldn't be so sure that you'll keep my feelings as a secret, Rux. 

Napabuntong-hininga ako. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko bago ko binuksan ang pintuan ng banyo at lumabas doon.

I saw Ruxinaire looking at me; worry is visible in his eyes. Napaiwas ako ng tingin sa kanya at napayuko.

"Sorry, I made you wo--"

"Miss Lia, what happened to your hand?!" 

Hindi ko naproseso agad ang kanyang biglang ginawa--Hinila niya ang kamay ko pataas sa kanya at tinitigan niya iyon.

"There are moon wounds here. We should treat it right away," nag-aalala niyang sambit saka niya ako hinatak papunta sa emergency aid kit sa gilid ng pinaka-room.

Saka ko lang nakita ang ma-ala-crescent na mga sugat sa palad ko habang hatak-hatak niya ako. Saka ko lang din naramdaman ang hapdi niyon.

Must be from when I clenched my hand firmly into a fist as I mourned for my idiocy.

Knotted Conundrum (Project:Mystery #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon