Chapter Thirty-Two: The Surprise (Visitors)

376 9 1
                                    

A/N: This is from the original version with a (not) little bit of revision. I hope you could see another version of Mavis here :)

Chapter Thirty-Two: The Surprise (Visitors)

Mavis' POV
"Argh!" Binato ni Flare ang hawak na rubik's cube sa aking kama at tumingin sa akin ng masama. "You win... again."

Binaba ko nang maayos ang nabuo konng rubik's cube at sumandal sa headboard ng kama ko at naghalukipkip habang nakatingin sa kanya at ngumisi.

Sumimangot siya. "Stop looking at me like that."

"Why not?" nakangisi kong tanong sa kanya at mas pinalapad pa ang aking ngisi. "You lose so I will party whatever I want."

"Your win is just a luck," aniya at umupo sa tabi ko. "When did you know how to f*cking finish a rubik's cube?"

"Since Grade Three," sabi ko habang nilaro uli ang rubik's cube at madali iyong nabuo uli ng ilang segundo lang. "See?"

"What?! So that's why you are good at it," sabi niya at kumikislap ang kanyang mga mata na tila namamangha. "Never thought you beat me on that one."

Natawa ako at saka niyakap ko siya sa beywang. "I could teach you how to be fast if you want."

"Really?"

I nodded at saka umayos ng upo. "But my fingers are tired," sabi ko at ginalaw-galaw ko ang daliri ko. "Rubik's is really hard."

"It sure is."

Hinilig ko ang aking ulo sa kanyang balikat at ipinikit ang aking mata. Naramdaman ko na may humawak sa aking kamay kaya napamulat ako ng aking mga mata. Nagtaas ako ng tingin at ngumiti sa akin si Flare saka hinalikan ako sa noo.

"Rest for a while. I'm sure you are really tired," sabi niya. Tipid akong ngumiti sa kanya bago ko ipinikit ang aking mata.

~***~

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at nanlaki ang mga mata ko nang madatnan kong bakante na ang kinauupuan ni Flare kanina.

Nilukob ako ng takot at kaba at kaagad akong tumakbo palabas ng aking kuwarto na wala man lang pakialam sa sarili. Nang maisip ko kung anong ginagawa ko, napailing ako at sinubukang tanggalin ang kabang nararamdaman ko.

Bakit ka ba nag-aalala sa lalaking 'yon? Malaki na ang yelong 'yon para alalahanin mo pa ng sobrang lala.

Bumaba ako sa unang palapag ng bahay at tumakbo papunta ng kusina. Saktong nadatnan ko roon si Manang Flor na nagluluto kasama ang iba pang mga kasambahay.

"Manang Flor," tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya at kunot-noong nakatingin sa akin.

"Bakit ka nandito, hija?"

"Manang, nakita mo ba si Flare?" tanong ko sa kanya.

"Sinong Flare, hija? Wala akong kilalang Flare na pinakilala mo sa akin pagkadating mo," aniya.

Napabuntong-hininga ako at napa-face palm sa aking utak. Oo nga pala. 'Di ko napakilala kay Manang Flor. " 'Di bale, Manang Flor. May nakita ka bang lalaking ganito katangkad..." Pinakita ko sa ere kung gaano katangkad si Flare. "...at may kaputian at parang-" Sorry, Flare. "-yelo 'yong titig niya kapag tiningnan niya kayo?"

Napabuntong-hininga si Manang Flor. "Hija, kung niloloko mo na naman ako sa kasintahan mong hangin, huwag mo na akong loko--"

"Ma'am, ang tinutukoy niyo ho ba 'yong poging mama na maputi doon sa ikalawang palapag?"

Knotted Conundrum (Project:Mystery #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon