Chapter Five: Suicide or Murder? (Part II)

1K 43 5
                                    

Chapter Five: Suicide or Murder? (PartII)

"Mr. Flare Furrer, buti nakapunta ka na agad dito," bati ng isang teacher na kanina lang ay nasa gilid kasama ng ibang students sa gilid.

Malapit na kami sa bangkay. The victim is a boy. As I previously observed, his corpse has broken bones, especially his leg and arms. Blood was pooled on his head and his eyes has no soul left.

Napatingin ako sa teacher na kausap ni Flare. Medjo napaurong ako ng onti nang makitang nakatitig na pala siya sa akin.

"Miss Mavis, the transferee, right?" tanong niya sa akin.

I nodded. She is one of the teachers in our classroom. Pero dahil nga baguhan pa lang ako sa eskuwela na 'to, sometimes they tend to forgot my face in a short amount of time.

Hinila niya ako bigla papunta sa tabi niya. "You shouldn't be interrupting Mr. Flare's investigation. Sumama ka sa 'kin."

Aba naman—With all due respect naman ha! Hindi ba niya akong nakitang kasa-kasama ni Flare ever since we got here?

Nagsimula na siyang maglakad at hinila na ako. Bago pa man niya ako mahila ng tuluyan, hinatak naman ni Flare ang isa kong braso. 'Ba naman 'yan! Tug of war ba ako para hilahin ng todo?

"Excuse me, Miss, but she's with me," sabi ni Flare at tuluyan na akong hinatak sa likuran niya.

"Ah, sorry, Mr. Flare. Hindi kasi pwede ibang students na mag-imbestiga hangga't hindi sila napapayagan. You and the others only have the special requirements to continue further." Nanginginig ang kanyang mga mata habang sinasabi ang bawat salitang binibitawan niya.

I understood it. Only the people who had high and special authority could enter investigatory issues—in short, ang mafia. Expect mo nang kasama ang mga pulis sa imbestigasyon but the point of the teacher is far from the definition for the police.

"Put the students back in their designated rooms, miss. A longer time would cause long-term trauma for the students who witnessed this case. Please, back off," sabi niya.

Tumango ang teacher at saka sinabihan ang mga estudyante na umalis na sa eksena. Paunti-unting nawawala ang mga students sa harapan ng school. Tinulungan na rin sila ng mga guards galling sa gate para iwas-takas din sa labas ang mga students.

Habang umoonti-onti ay kanina ko pa nararamdaman na parang may nakatitig sa likod ko. Sino na naman kayang mga masasamang tingin ang makikita ko?

Napatingin ako sa likod ko at iyon nga, mayroon ngang mga nakatitig sa akin. Mga babaeng nagbubulungan.

"Tingnan niyo siya oh. Ang land-landi niya. Kung makalapit kay Flare, wagas," ani ng babae na may mahabang buhok.

Akala mo hindi ko sila naririnig. Parang sinasadya nila ring mapakinggan ko ang kanilang bulong na hindi naman talaga bulong kase rinig na rinig ko.

"Oo nga. Kung makasunod sa mahal ko, wagas," ani naman ng babaeng nasa gitna.

Napairap ako. Waw. Mahal ko? Kailan pa naging mahal niya si Flare?

"Oo nga. She looks like a b*tch."

And that's when I snapped.

Lumapit ako sa tatlong babae at huminto sa harapan nila. Para silang mga spy na nahuli. Agad silang naghiwa-hiwalay kasi ng makita nila akong tinitignan sila isa-isa.

"Anong pinag-uusapan niyo?" tanong ko sa kanila. Pilit ang ngiting iginawad ko para mas ramdam nila galit ko.

Unang sumagot ang unang chismosa. "Bakit ka sumasabat dito? Friend ka namin? Hindi ka ang pinag-uusapan namin."

Knotted Conundrum (Project:Mystery #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon