Chapter Thirty-Two: The Surprise (The Surprise)

392 9 0
                                    

Chapter Thirty-Two: The Surprise (The Surprise)

Mavis' POV
"Seryoso kang ito ang lokasyon natin, Flare? Baka nagkakamali ka."

"No. I am really sure that this is the place. Let's go?"

Napanganga ako habang nakatingin sa bahay na nasa harapan ko ngayon.

"Welcome home, Mavis," bulong ko sa sarili ko at sumunod na rin kay Flare.

Ang malamig na hangin ay dumadampi sa aking buong katawan. Nasa akin ngayon ang jacket ni Flare at siya naman ay parang 'di nilalamig habang naka-shirt na puti at cargo shorts lang.

Total naman kasi, parehas lang naman silang cold. Napangiti ako sa naisip ako at tumawa nang mahina.

"You are looking like an idiot," rinig kong sabi ni Flare dahilan kaya ako napatigil sa pagtawa.

"Anong sabi mo?"

"I said you look like an idiot, laughing without something to laugh at, dummy," sabi niya at tumalikod sa akin.

Napatulala lang ako sa kanya at unti-unting nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto ko ang sinabi niya.

"Sh*t..." Napamura ako habang paulit-ulit sa isip ko ang kanyang tinawag sa akin. "Oh my gosh, y*wa, sh*t, sh*t, sh*t! OMG! Wh*t the f?!"

"Hey! Why are you cussing over and over again? Is there something wrong with you? and are you aware you kind of like a broken record right now?"

"You called me dummy," sabi ko sa kanya habang nakatulala sa kanya at napamura ulit.

He frowned. "Song thrush, don't cuss."

Napasimangot ako. "Says who always cussed whenever he had angry issues."

Napairap siya sa akin. "Whatever."

"Pero, seriously. Ang tagal na bago mo ulit akong tinawag na 'dummy'," sabi ko sa kanya. "Bakit mo ulit ginamit 'yon?"

Napatigil siya sa kanyang gagawin sana. "Because I just wanted to," sabi niya at biglang kumatok sa pinto.

Napalunok ako. It's been a long time since I got here again. Napabuntong-hininga ako at tumingin sa pintuan, na laking gulat ko'y nakabukas na. Napatakbo ako sa tabi ni Flare nang makita kong nakataas ang dalawang kamay sa ere at tumingin sa taong may hawak na baril. Napabuntong-hininga ako at dismayadong nakatingin sa taong iyon bago ako lumapit sa kanya at ibababa na sana ang baril na hawak nito nang itapat nito sa akin iyon.

Nagulat ako at kaagad itinaas ang aking dalawang kamay sa ere. Tumitig ako sa taong may hawak na baril at ngumisi sa kanya. "Hello there, 'insan. Kamusta na ang pag-eensayo sa militar?" tanong ko sa kanya.

Unti-unting bumahid ang gulat sa kanyang milha at kaagad na binaba ang baril na hawak niya. Takbo ito palapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit. "Mavis! Ikaw ba talaga 'yan? Sis, my god, gurl! Na-miss kita!"

Natawa ako. "Ako rin, Marco," sabi ko sa kanya. Nakita ko na kumunot ang noo ni Flare kaya naman pinaharap ko ang aking pinsan sa kanya. "Marco, siya si Flare," pagpapakilala ko. "Flare, si Marco; pinsan ko."

"Kasintahan mo?" tanong niya. "Kung hindi, sa 'kin na lang," tumataas-babang kilay na sabi niya.

"I don't like gays," nakangiwing sabi ni Flare at tumingin sa akin na tila nanghihingi ng tulong.

Knotted Conundrum (Project:Mystery #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon