Chapter Twenty-One: swallowed the pawn

533 25 2
                                    

Chapter Twenty-One: swallowed the pawn

Mavis' POV
I groaned as I tried to open my eyes in the light blinding my eyes coming from the broken ceiling.

"Well, well, look who's awake now." 

Napalingon agad ako sa isang madilim na sulok at lumabas doon ang babaeng nagdala sa akin dito-- si Felicity. I ignored her and looked around. Wala na kami sa lugar kung saan ko siya kinausap. By the rotten blackboard and abandoned broken chairs, sa tingin ko nasa isa akong old classroom.

I pulled my hands and tried to stand up, but all my limbs are tied with a thick rope--my hands at my back and one rope at each of my ankles.

Tumawa ako at tumingin sa kanya. "Sa tingin mo, kaya ako ng mga tali na 'to?" tanong ko sa kanya.

"Hindi, but I would trust that you won't try to escape dahil sa naging agreement natin," sabi ni Felicity at ngumisi. "And well, you fell for it. You just made yourself as the bait."

I tilted my head as I watched her walking back and forth while trying to piss me. "Ah, talaga? Eh baka naman nagkakamali ka lang ng intindi sa agreement natin?"

Nawala ang ngisi niya at lumapit sa akin. "Hindi totoo na nakipag-usap ka kay boss namin. I just received a message saying there's no agreement between you and my boss."

I shrugged my shoulders. "But you still fall for it despite of the lies." I laughed again. "At hindi ka na rin nakatakas dahil bago pa ikaw naka-receive ng message, you agree to have an agreement with me."

"You're crazy."

I laughed again. "Yeah, yeah. I get that comment a whole lot."

And then in a sudden, my head turned sideways, and I felt a sting on my cheek. "Huwag kang magmayabang dito, baliw!" Napaigik ako sa sakit nang maramdaman ko ang sakit ng pagsabunot niya sa akin. Her face is close to mine and her eyes is shooting daggers to me. "I pity you, Mavis. Nagtiwala ka pero sa huli, pinagtaksilan ka pa rin."

I just smiled at her and never uttered a word. Magsaya ka lang, Felicity. Magsaya lang kayong lahat na kalaban ko. Binitawan na niya ang buhok ko at tumawa uli ako. Nagtataka siyang napatingin ulit sa akin.

"Si Joker ka ba? Lagi kang tumatawa? Siguro baliw ka 'no?"

Napailing-iling ako at ngumiti sa kanya. "You know what? I feel the same for you too. I. Pity. You."

Tumawa siya n a parang loka-loka. "Oh, dear Mavis. Don't pity me at all. Pity yourself. Kawawang-kawawa ka ngayon."

Humahakbang siya sa akin habang tinatanggal ang pagkakaipit ng kanyang buhok; ako naman ay nanghuhusgang nakatingin sa kanya. Nang bumaba na ang kanyang buhok ay kita ang pagbabago ng kanyang mukha. Wala na ang mahiyain na Felicity na kanina naming nakilala. Para siyang ibang tao na nagbalat-kayo para lang malinlang kami.

"Surprise! Are you shocked na ganito talaga ang itsura ko? Nagagandahan ka ba sa akin?"

Bumuntong-hininga ako. "Oo, maganda ka."

"Oh, thank you. Maganda pala ang taste mo sa mga babae, Mavis." Nag-pose pa siya na parang isang model sa harapan ko at nasisilaw ako sa nakikita ko ngayon. 

"Oo, maganda ka, hindi katulad ng ugali mo, mas masahol pa sa isda," dagdag ko at napatigil siya sa pagmomodel niya. 

"Anong sinabi mo?" 

"You have all the looks pero panget ugali mo. Hindi bagay sa mukha mo. Dapat diyan panget din para parehas na ang ugaling panloob mo at ang itsura mo sa labas."

Knotted Conundrum (Project:Mystery #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon