Chapter One

3.7K 68 16
                                    

Hay nako yang dalawa talaga minsan akala mo kung sino mapapaaway sa kanto madalas eh. Pero syempre kami sanay na. Well oo nga pala ang ganda ng school namin kasi nakahiwalay ang boys and girls na mga classrooms so mabilis makahanap ng mga magiging kaibigan dito. Isinabay ko na si Rose at Jisoo papasok sa building ng mga girls dahil naririndi na rin ako sa pag-aaway ng dalawang isip bata na mga lalaki na iyon. Nagbabye naman ako kay Kuya bago umalis kasi duh nakasanayan ko na at ganon ako ka-sweet sa Kuya ko kahit ganito ugali ko. Tinatawag kasi akong Ice Queen dito sa campus namin simula noong namatay ang parents namin ni Kuya kaya hindi ko na mapigilan na maging cold sa mga tao dito except sa isang tao na pina-crush ko. Si Jennie Kim. Anak ng pinakamayaman at sikat na bussinessman at dahil nga doon lahat ng bagay ay nakukuha nito. Napaka-swerte din ng boyfriend nito dahil mahal na mahal siya ni Jennie pero ito namang kupal na Kai niloloko padin girlfriend niya. What a dick. Kung ako nalang kasi sana eh. 

"Hoy, babaita ano nanaman yang pinagsasabi mo na ikaw nalang sana nagdadaydream ka nanaman ano?" Gulat naman ako sa sinabi ni Jisoo dahil nasabi ko pala ng malakas iyon.

"Uyy ang Baby Lisa namin iniisip nanaman ang crush niya na si Jenn-" Tinakpan ko kaagad ang bibig ni Rose bago niya pa matapos ang pinagsasabi niya dahil pansin ko din na nagtititnginan ang iba pang mga babae sa building dahil sa lakas ng pagkabanggit nito.  

"Shut up." Pinanlakihan ko ito ng mata at tumawa naman ang dalawa. 

Dumeretso kami sa locker namin at as expected nasa likoran ko lang ang  dalagitang hinahanap-hanap ko. Hindi ko mapigilang hindi tumingin sa kanya. Pano ba naman nasa likoran ko lang ang locker niya. Ito namang dalawang kupal kinikiliti nanaman ako dahil nasa likod ko si Jennie the famous pero niloloko namanan ng boyfriend. Bitter ko wag kayong ano. Dapat kasi sa akin si Jennie eh, che. 

Hinampas hampas ko iyong dalawang kumag na nasa kaliwat kanan ko pero aba hindi parin tigil ang tawa. Matatag itong mga to ah. 

"Oops, mga minions. 4 o'clock." 

Tumingin naman ako sa sinabi ni Jisoo at  napansin kong paparating na ang mga minions-slash-body guard na pineperahan lang ang bebe ko. Oops hindi ko pala siya bebe pero duh hindi naman masamang mang-angkin ng patago hindi naman nila alam eh. 

Ito namang minion na ito alam na alam ng campus na pineperahan nila si Jennie kaya inis na inis kami dito pero pinipilit naming lahat intindihin dahil nga kaibigan siya ni Jennie kaya hindi na kami umiimik at ito naman prinsesa parang walang kaalam alam sa mga nangayari sa paligid niya kahit panay libre ang mga kupal na minions. Laging nakasulpot akala mo naman wallet nila nag bebe ko, che! Ang hahanash! 

Isa pa sa ikinaganda nitong school na ito dahil hiwalay ang boys at girls kasi nakakasilay ako sa baby ko plus nasa likuran ko lang ang locker niya. Duh. Siya kaya ang pinaka-cute na nilalang sa mundo na nakilala ko. 

"Hoy! Miss Lisa! Nananaginip ka nanaman ng gising diyan hindi ka na natuto hay nako kulang nalang isalpak namin iyang bunganga namin sa tainga mo kaka daydream diyan kay-" Tinakpan ko muli ang bibig ni Rose na mukhang isisigaw pa ata ang pangalan ng dalaga na nasa likuran ko pero nagkamali padin ako.

"Jennie!" Sigaw ni Jisoo at halatang pulag-pula ang mga mukha ko sa hiya. Tumalikod ako ng mabilis at kunwaring inaayos ang mga libro sa locker ko.

Mga kupal talaga itong mga kaibigan ko. Hindi na natuto. Mas malala pa ata sila sa mga boys. Hay nako, Kuya! Ilabas mo ko dito at tulungan mo ko.

Medyo humalang ako para makita ko kung nakatingin pa ang bebe ko sa amin at duh nakatingin parin ito.

"Hi, Jennie!" Sabi ni Jisoo at ramdam ko na naglakad papunta kay Jisoo ito. Shit! Nasa likoran ko lang siya! Keep your stance Lisa. Ice Queen ka hindi ka magpapamelt sa kanya ng ganon ganon lang kahit sobrang hot niya! 

Glitch (Jenlisa Fanfiction/Tagalog) ✔Where stories live. Discover now