Chapter Thirteen

1.8K 38 4
                                    

I woke up with a really bad headache and i can still quite remember kung ano ang inakto at pinagsasabi ko kay Jennie kagabi. Hay nako, still. I am glad na nagiging close ako sa kanya pero ayoko naman maging too much close because after i found out na wala siyang gusto sa akin.

"Luh? Ano bang pinagsasabi mo? Eh wala naman akong sinabi na may tama or gusto ako sayo?"

Patuloy na paulit-ulit na tumutunog sa utak ko ang sinabi ni Jennie. Okay mga madla na broken heart ako don ha? Hindi lo inexpect na sabihin niya sa akin ng deretsyahan sa akin iyon. Ganon pala kasakit ano? Yung feeling na gumuho ang mundo mo dahil lang sa kaunting salita na iyon. So that makes sense na she didn't kiss me on purpose noong nasa rooftop kami with her former boyfriend, Kai. Hay nako. Umasa ka nanaman Lisa. Ayan kasi, wag masyado asumming. Walang gusto sa iyp si Jennie at lalong lalo na hindi ka niya mahal okay! Period.

Hanash ko kasi ayan tuloy nasaktan ako. Napabuntong hininga nalang ako. Maybe alcohol lang ang katapat ko para makausap ulit ng ganon si Jennie. I can be honest sometimes kapag nakakainom ako kasi hindi ko na kayang pigilan minsan. Gusto ko nang ilabas ganon.

"Arghhh." I silently groaned against my pillows.

I saw Jennie sleeping peacefully beside me and i just stared at her for a couple of minutes. Gosh, she is really alluring. The definition of perfect, it is. Hay nako, Jennie Kim!!! Bakit kasi wala kang gusto sa akin! Nakakafrustrate na oh. Gusto kitang iispoil lagi kaso baka sabihin mo maniac at weird ako na tao. Ang hirap ng ganto ha. Ang tagal ko na nagtatago ng feelings sa kanya. I just can't help it. I stared at her again, and suddenly smiled without knowing for a good seconds.

Ngayon na alam ko na wala akong pag-asa or in short wala talaga siyang gusto sa akin hindi ko na siya kukulitin. I'll just the weekend with her and then kalimutan lahat ng parang bula kasi para din namang useless kung aalalahin ko pa ang good memories namin kung ganon na hindi kami magakakatuluyan-HINDING HINDI TALAGA. Kasasabi niya lang kagabi okay? Wag ng masyadong napaparanoid alam na ang katotohanan.  At tsaka mas mabuti na rin iyon para mapalayo na siya sa gulo. Ilang oras lang hindi ko alam kung kailan dadating ang mga humahabol sa amin ni Kuya. Hay nako, nevermind i enjoy nalang ang weekend with her then poof! Kalimutan ang lahat.

I got up and grab my cigar para sindihan ito. Napansin ko na bukas ang sliding door habang nag sway ang mga kurtina nito. I love the sight of it. And i wonder kung she also find it aesthetically beautiful kaso naalala ko nga pala hindi lahat ng tao magakakaparehas ng gusto pati siya hindi ako gusto. Eme!

Bago ako pumunta sa balcony ay narinig kong nagvivibrate ang phone ko sa desk malapit sa sliding door. Pinuntahan ko ito at kinuha.

Si Jisoo? Tumatawag? Aba at gusto ata ng impormasyon nito hindi ata makapaghintay na makauwi kami ni Jennie. I chuckled at my thoughts. Hindi kasi halata sa mukha niya na mahilig sa chika kasi masyadong maamo at ang mukhang katulad niya ay nararapat sa tahimik at mahiyain  naugali pero deep inside sa kanya nako-opposite talaga. No choice pinanganak siya ni Tito ng ganon eh. Hakhak.

I answered the call and halos mabingi ako sa sigaw na bungad ng pinsan kong mahanash.

"Pinsan!!!"

"Jisoo namaaaan." Ang aga aga pinakukunot nito ang noo ko. "Ang sakit  sa tainga ang aga-aga naninigaw ka."

"Sorry." She chuckled in the other line. "Alam mo kasi miss na kita!!!"

Nilayo ko muli ang phone sa tenga ko dahil kaaga-aga ay niririndi ako nitong pinsan ko. Hutaness.

"Shhhh! Medyo hinaan mo naman jusmiyo. Wala pang sikat ng araw nagwawala ka nanaman."

"Sus, ang sabihin mo ayaw  mo lang magising iyang prinsesa mo na mahimbing na natutulog!"

"Ha?! Ano ka ba? Hindi ko prinsesa si Jennie ano!"

Glitch (Jenlisa Fanfiction/Tagalog) ✔Where stories live. Discover now