Chapter Fourteen

1.6K 50 2
                                    

Mamaya-maya ay uuwi na kami ni Jennie at may kanya kanya nanaman kaming mga buhay. I will ignore her again starting tomorrow na makauwi ako sa bahay. Namimiss ko na agad si Rose at Jisoo, pati ang mga boys. Lalong lalo na si Kuya. I miss him so much. Oo, hindi ak showy minsan pero kahit parang aso at pusa kami niyan at mahal ko yan kasi kapatid ko siya kaya. Siya lang ang kinakapitan ko.

After namin kausapin si Jisoo at Rose kanina ay nagpahinga si Jennie para matulog kasi sabi niya nga sa akin kanina ay lazy day is a great day. Daming alam ng veve ko hays. Oops, hindi naman ako bebe. Assuming talaga hay nako kaya nasasaktan eh. Ito naman ako nagbababad sa jacuzzi sa first floor habang nagpapatugtog ng mga kantang nakakarelax sa cellphone ko.

My eyes are closed and i am leaning against the wall of the small jacuzzi pool, wearing only my bikini. Super realxing. Para akong nasa hot spring dahil sa tamang init din ng tubig nito. I sighed. Thanks, Jennie for making me agree to her na sumama sa kanya. I really need to relax. Pero i know ilang linggo ay babalik na kami sa training ni Kuya. Or worse mas maaga pa.

After a minute of quiet relaxation ay narinig kong nagvibrate ang cellphone ko at tumigil ang pinapatugtog ko. I looked at my cellphone confused. An unknown number is calling me? Hay nako. Dapat siguro magpalit na ako ng sim card kung sino sino na din kasi ang tumatawag sa number ko. Mamaya threat pala sila. Who know?

I grabbed my towel beside me at ipinunas ko ang kamay ko doon sabay sinagot ang tumatawag sa akin.

"Miss Manoban?"  I can't quite familiarize the girl's tone pero parang kilala ko siya. Hindi ko lang talaga matandaan.

"Uhm... Hello? Who is this?"

"Seriously? Kinalimutan mo na agad ako?"

"Sino ka ba kasi? Do i know you?"

"OMG, Lisa. Seryoso ka? Parang hindi tayo magkasama noong nakarang two months. Gosh, mag memo plus gold ka nga. Tumatanda ka na ata eh." The girl huffed in the other line.

Sino ba kasi to? Epal  naman eh nagrerelax ako. Pero pamilyar talaga ang boses. I'm so intrigued.

"Hindi ako manghuhula nuh!"

"Hay nako. Ewan ko sayo."

Wala naman akong ibang kasama sa training noon kung hindi si Kuya tsaka ang isa pa naming trainee na kasama. Ano ba ulit pangalan niya? Shocks. Nan-ano? Naira? Nash? Huta!

"It's Nancy you weirdo."

"Oh! Yes! Naalala ko na. Pasensya na hindi ko masyado matandaan pangalan  mo lutang  nanaman ako. Sorry!" I apologized immediately.

"Whatever. Kamusta ka na nga pala?"

I immediately smiled from ear to ear. Pero bakit napaaga naman at ang tawag niya? Maaga ba kami babalik  ni Kuya sa Agency? Hindi pa naman tapos ang school year at nagmamadali ang mga ito. Ano kaya nangyare?

"Okay naman. By the way, bakit napaaga tawag mo? Akala ko next month pa kami ipapatawag eh."

"Oh, about that. I'm planning to visit there tomorrow," Agad-agad? "At sabi ni Sir at diyan muna ako mag stay for one week kasi may naghack ng facility dito sa Agency two days ago. Tinatrack pa nila and it is better to stay with you, Guys. And also keep you two unharmed and protected."

Ang bilis naman ng pangyayari? Hindi pa kami umaakto ay may nangwawasak   na ng plano? Si Nancy nga pala. Isa siya sa mga taong kasabwat namin ni Kuya para i track ang pumatay  sa mga magulang namin. The Agency owes us a lot dahil si Mom at Dad ang dahilan kung bakit successful ito. They are the best agents they had pero too bad napatay  sila kaagad  ng notorious serial killer na nagtatago sa alias na Crow.

Glitch (Jenlisa Fanfiction/Tagalog) ✔Where stories live. Discover now