Chapter Two

2.8K 51 2
                                    

Pagkatapos pa ng ilang klase ay nagsimula ng magring nag bell at nakahinga din ako ng maluwag. Finally at nakawal din ako sa hawla ni Jennie Kim. Bakit kasi nasa tabi ko si Crush? Halos hindi ako makapagparticipate ng maayos sa klase kapag nasa tabi ko siya hay nako. I can even impress her. Epal kasi yung dalawa eh ayan tuloy masyado akong natatameme kanina at hindi ko man lang magawang tumingin sa direksyon niya. Kahit tinatawag ako nito hindi ko nalang pinapansin dahil may nakasalpak na headset sa tainga ko at kunwari tumutunog. Masyadong awkward sa akin noh! At tsaka isa pa, baka mamaya tingin niya palang kiligin ako. May inner sense of kilig kasi ako at katulad ng nangyari sa banyo kanina halos magwala na ako sa pigil ng kilig.

Parang mga engot kasi si Jisoo at Rose, alam naman nila na super crush ko iyong prinsesa na iyon tapos aasarin pa nila ako. Besides, bakit kasi doon umupo sa tabi ko si Jennie eh wala namang nakaupo sa usual na upuan niya. Isa pang kaswertihan ko ay hindi namin kaklase ang minions niya kung hindi laging may rambulan dito sa room. Solid naman ang klase namin eh lalo na sa kopyahan huwag lang magpaplastikan.

Hay nako-

"Aray!" Napakapit ako sa ulo ko noong ramdam koa ng sakit ng hampas. Sino ba iyong humampas sa akin?! "Anak ng piste naman ako sino ba iyon!" Humarap ako sa kung sino iyon at naka pamewang pa ang dalawa sa akin at pinagtataasan ako ng kilay. "Masakit ha! Kanina pa kayo, babanatan ko na talaga kayo."

"Pano ka hindi hahampasin eh kanina ka pa namin tinatawag ni Jisoo tapos ikaw hindi nanaman tumitigil yang kaka-daydream sa prinsesa Jennie mo." Inirapan naman ako nito.

Ganon na ba talaga kalala ang pagda-daydream ko? Mukhang kailangan ko ng magpacheck-up sa doctor baka mamaya unting-unti nakong nalulusaw kay Jennie. Hay nako ano ba naman iyan! Bati pa naman sa ganitong sitwasyon si Jennie Kim padin ang iniisip ko. Maygash ano nangyayari sa Earth. Mukhang super head over heels na ako sa babae na iyon. Kailan-

"Hoyyyy!" I snapped out of my thoughts. "Enebe yen. Umeyes ke nemen bespren."

"Hay nako kailangan na taaga nating ipacheck-up itong bestfriend natin sa doctor dahil simula nung naging sila Jennie at Kai lagi na yang ganyan. Mukhang kailangan niyong dalawa ng couples therapy."

"Ha! Ano? Eh ni hindi ko naman asawa si Jennie bakit may pa couple-couple ka pa diyang nalalaman, Jisoo." Inirapan ko ito at nag-pout sa harap niya. Si Roses naman ay amused sa panonood sa aming dalawa ni Jisoo.

"Sus besprend. Masyado kang advanced magisip. Asawa na agad? Wala man lang manliligaw or girl friend?" Inirapan ko muli ito. Oo nga naman, Manoban. Bakit naging asawa agad? Porket couple asawa agad? Sumosobra na itong paga-assume ko eh. Ito talaga epekto ng pagtatago ng feelings sa crush mo hay nako. Hindi ko na talaga alam. Bakit kas inapaka-torpe ko. Besides hindi niya na din kailangan malaman dahil baka maya maya mapahamak lang siya. Kailan ba kasi mawawala siya sa isip-

"Stop daydreaming, Bespren." Hinaltak na ako patayo ni Rose at ngayon ko lang napansin na kami nalang pala ang tao dito sa classroom. At syempre wala akong paielam kung umalis na ang bebe ko o hindi dahil duh may boyfriend na mas mag-aalala sa kanya or let's just say pineperahan siya. Perks of pagiging mayaman.

Lumabas na kami ng classroom at pumunta sa locker ko para magsalpak ng mga libro na kagagamit ko lang. Wala doon sa locker si Jennie at nadismaya agad ako. Gusto ko pa naman siya makita one last time bago ako umuwi. Ako pa mawawalan ng pakielam sa kanya? Duh sinong niloko ko? Sarili ko? Obviously may pakielam ak osa kanya i just act like i don't kasi nga i am the Ice Queen at siya lang ang makakapagpamelt sa akin. Alam na alam ng mga boys iyon at ng mga kual kong dalawang bestfriend.

"Tara na at baka hinihintay na tayo ng boys sa labas."

Lumabas kami kaagad at sumalubong sa amin ang boys na naghhiintay sa labas ng building namin habang si Kuya pinipigilan si Jimin sa kakahabol sa pusa na gumagala sa school namin. Well, Berto ang tawag namin sa pusa na iyon at siyempre ang hilig ni Jimin sa pusa kaya ayan. Halatang madumi si Berto kaya pinipigilan siya ni Kuya. Napaka-childish talaga ng mga boys pero sa kapahamakan maasahan sila.

Glitch (Jenlisa Fanfiction/Tagalog) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon