Chapter Twenty-Five

1.4K 31 4
                                    

Paano? Bakit nandito siya sa harapan ko na parang walang nagyari? Masaya ba ako? Oo masaya ako ngunit may tampo, galit at lungkot akong nararamdaman.

Why?

"B-bakit? Paano?" Tanong ko sa kanya at sa sarili ko.

Pumunta siya sa harapan ko at lumuhod para hawakan ang mga nalalamig kong kamay. Buhay siya at mainit ang mga kamay niya. Biglang natuwa ang diwa ko, hindi ko man lang siya magawang saktan palagi nalang  may pumipigil  sa akin. Gustohin ko man alam kong hindi ko kaya.

"I'm sorry."

Hindi ako makapagsalita. Parang pinulupot ang mga dila ko sa lalamunan ko. Hindi ko nga din alam kung ano ang iaaksyon ko pero gulat na gulat ako. Hindi ko ineexpect ito.

"Kailan pa?" Salitang biglang binigkas ng labi ko.

Napatungo siya at humigpit ang kapit sa kamay ko. Alam ko, hindi din siya makapagsalita. Alam na alam ko. Apektafo din siya pero bakit ngayon lang siya nagpakita? Ilang taon ako naghirap para kalimutan siya pero dadating lang siya ng walang nangyari?

"Pagkabalik ng ala-ala ko ikaw ang unang hinanap ko." Sambit niya. Gusto kong hawiin ang buhok na nakaharang sa maganda niyang mukha pero hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko.

So nagkaroon siya ng amnesia? Bakit hindi ko ito alam?

"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo, pero bago pa ako magkaalala sabi nila noon nagwawala ako, binabanggit ko daw ang pangalan mo." Ramdam ko nang tumulo ang luha niya sa likod ng kamay ko. Gusto ko siyang halikan pero hindi pa sapat ang mga nalalaman ko. Gusto kong malaman ang lahat ng kailangan niyang sabihin.

"Pagkatapos ng isang taon bumalik lahat. Sinubukan kitang hanapin, sinubukan kong tumakas pero paulit ulit nilang sinasabi sa akin na kinalimutan mo na daw ako pero hindi ako naniniwala at alam ko ang ginagawa ko. Pinapainom nila ako ng gamot, kung ano ano ang ginagawa nila pero alam ko sa sarili ko na ikaw ang hahanap hanapin ko."

Lalong hindi na ako nakapagsalita pero ramdam ko ang dahan dahang pagtulo ng luha ko pababa sa pisngi ko.

"A-alam ko hindi ka makapaniwala pero- totoo ako. Nandito ako sa harapan mo. Sinubukan kong tumakas pero hindi ako nagtagumpay hanggang sa umabot na nagsawa na sila at pinakawalan ako.

Nagsikap ako hanggang sa pinagawa ko lahat ng mga pangarap natin noon. Hinding hindi ko iyon makakalimutan. Kahit na mawala ang memorya ko ikaw padin ang babalikan ko." Umangat ang ulo niya at pinunasan niya ang luha ko.

Pakiramdam ko ay may mainit na kumapit sa puso ko nakakarelax parang wala nang papantay pa. The same feeling na matagal ko nang hinahanap noon pa. Nandito na siya.

Napatingin ako sa mata niya at pakiramdam ko na parang hinugutan ako ng hininga ng isang segundo. Maganda  pa din siya. Kitang kita ko ang galos sa kanyang noo na tinamaan noon ng bala.

"You're still beautiful." Sabi niya. Tumulo nanaman ang luha ko.

"I missed you." Sabi ko at nagkaroon ako ng lakas para yakapin siya. Humihikbi ako sa balikat niya at hinihimas niya ang likoran ko. I miss this. Antagal kong hinintay ito dahil akala ko hindi ko na ito mararamdaman ulit.

"I'm sorry. It took too long para makasama kita ulit," Sabi niya,"Ang mahalaga nakasama  na ulit kita."

"Hindi mo ba alam kung ano ang dinanas ko noong akala kong patay ka na?" Giit ko nang may kaunting galit. "Para akong asong ulol at wala man lang makakontrol sa akin."

"I'm sorry."

"Hindi mo alam, Jennie." Pag-iyak ko habang yakap niya ako. Lalo niya pang hinigpitan ana parang natatakot na kumalas ako.

Glitch (Jenlisa Fanfiction/Tagalog) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon