Chapter Twenty

1.4K 29 0
                                    

"Babe, wake up." Umiling uling naman ako sa babaeng pinakamamahal ko at alam kong hindi niya ako titigilan na gisingin ako. Tsaka saan ba kami pupunta? Hay nako, ang aga ba naman kasi eh.

"Noooo."

"No ka diyan!"

"Please?? Babe, Nini. Later nalang?" I groaned against the pillow at ramdam na ramdam ko ang pagkairita ng boses niya.

Kahit kailan talaga ang baba ng temper. Hmmp! Buti nalang mahal ko itong babae na ito kung hindi kanina ko pa ito tinapon sa bintana. Charowt baka magalit!

"Anong later ka diyan! Ako Lalisa ha huwag mo kong ginaganyan. May nagiintay sa iyo sa baba at nagprepare na ako ng pagkain kanina."

At sino naman nagiintay sa akin ng ganitong kaaga aber?! Still, i don't bulge sa pagkahiga ko. Nakasubsob padin ang mukha ko sa unan. Stubborn much?

"It's already twelve in the afternoon at hindi ka naman sloth para mag babad kakadantay diyan sa kama ano?"

I felt the bed dip at binatukan naman ako ni Jennie na napa aray ako ng malakas. Hindi mo kasi aakalain na sa liit at lambot ng kamay niya may tinataglay pala siyang powers. Akala mo volleyball player sa bigat ng katawan eh! One time bumakat yung hampas niya sa likod ko for almost three days! Grabe, pati hampas niya tumatagal eh.

"Hindi ka tatayo diyan o hahampasin kita ulit?!"

At napatayo ako kaagad dahil sa pananakot niya. Bigla namang may nagsalita sa may pinto.

"Grabe naman pala. Ganyan ka ka-under! Sa susunod kay Jennie ako magsasabi para sumusunod ka agad."

Inirapan ko naman si Chaeng at si Jisoo naman na nasa tabi niya na tumatawa dahil nga sa pagiging "under" ko kay Jennie. So what? Eh mahal ko yung tao! Yieee kiligin ako.

"Ayon naman pala tatayo din ang mahal na reyna." Pagiirap niya sa akin at madali naman akong nagnakaw ng halik sa labi niyang malambot.

"Good morning."

"Good morning ka diyan! Late ka na nga nagising eh!"

I pouted at madali niyang binawi ang sinabi niya. Minsan talaga napacute ko at hindi niya ito ma-resist. Hihi, charmer.

"Joke lang, Babe. Love you."

Hmmm speaking of under Jennie Kim. Sino kaya ang mas under sa atin. Kung alam lang nila! Pasalamat ka mahal kita.

"Ano? Aba at binabantaan mo ako ha!" Hampas niya muli sa braso ko at napangiwi naman ang mukha ko sa init ng hampas niya.

Lintek, ano may plantsa din kamay niya! Aba hindi ata taga Earth itong babae na ito.

"Ah joke lang naman! Hindi ko kasi sinasadyang masabi ng malakas." Napapout naman ako muli and this time seryoso na. Totoo  naman kasing masakit eh.

"Hay nako, mag-ayos ka na ha? Hintayin kita sa baba iniintay ka ng bisita mo."

Tumango ako. Pero wait sino naman  iyon?

"Love?" Tumigil  naman siya sa paglalakad papuntang pinto at hinarap ako ng nakangiti.

Hay nako, ang cute talaga! Nakakagigil  na siya ha. Maswerte ako dahil akin ang babaeng napakaganda na nasa harapan  ko ngayon. Anghel talaga siya. Habang tumatagal naiinlove ako lalo.

"Yes po?" Ano ba Jennie pinapakilig mo naman ako eh!

"Sino yung bisita ko?"

"Ah, si  Nancy tsaka yung lalaking ano-argh-nakalimutan ko yung pangalan, kainis." I chuckled at her.

Glitch (Jenlisa Fanfiction/Tagalog) ✔Where stories live. Discover now