CHAPTER 2

550 13 1
                                    


ALY'S POV

"Bakit ganyan kayo makatingin sa akin?" Patay malisya kong tanong kina ate gretch.

"Magkwento ka na dude." Sabi ni vic.

"Tsk, mga dudes wala namang bago eh, gaya pa rin ng dati itong lecheng pag-ibig ko para sa bestfriend kong manhid." Napangiti ako ng mapait.

"Ano na naman ba ang ginawa ng babaeng yun sayo?" Biglang singit ni marge, hindi namin namalayan ang pagpasok niya dito sa vip room ng bar niya.

"Nandyan ka na pala, saan ka naman ba nagsususuot?" Biglang tanong sa kanya ni kim.

"Hay, nahirapan akong umeskapo doon kina jirah eh." Sabi niya habang kakamit kamot sa ulo niya.

"So balik tayo sa aly, ano na naman ba ang ginawa niya sayo?" Seryosong tanong ni ate gretch sa akin.

"Third wheel ulit ano pa nga ba, kahit date nila yun ng unggoy niyang boyfriend pinilit niya pa rin akong sumama sa kanila. Kahit sinasabi kong maylakad ako, nagagalit siya kapag di ako sumama, hay. Hindi ko alam kung manhid ba siya o bulag." Sabi ko.

"Pareho aly. Manhid siya sapagkat di niya nararamdaman yung pagmamahal mo para sa kanya. Bulag dahil di niya nakikita ang halaga mo at di niya nakikita kung gaano ka nasasaktan nang dahil sa kanila." Seryosong sabi ni ate A.

"Anong dapat kong gawin?" Yun nalang ang nasabi ko at inubos ang laman ng bote ng beer na hawak ko.

"Either magtapat ka na sa kanya o iwasan mo siya pansamantala kung may balak kang kalimutan siya. Matagal na yang nararamdaman mo para sa kanya ilang taon na nga ba yun?" Tanong ni ate gretch.

"Sa pagkakaalam ko 4 years na." Maikling sagot ko.

"Sobrang tagal na pala eh di nalanta na yan." Sabi niya.

"Sana ganoon na nga lang yung nangyari ate pero hindi eh." Sabi ko.

"Take it or leave it aly, magtatapat ka or iiwasan mo siya. Alam kong mahirap pareho kaya pagisipan mong mabuti ang gagawin mong desisyon. Para rin sayo to dude." Seryosong sabi ni marge.

Malas man ako sa pagibig, swerte naman ako dahil may mga kaibigan akong handang damayan ako sa mga problema ko.

Tinanguan ko lang sila.

"Oh siya tama na itong seryosong usapan natin. Let's enjoy our night para saan pa't nagaya kayo." Sabi ni ate gretch.

"CHEERS!" sabay sabay naming sabi.



>>>



Ugh! Nagising ako dahil sa ingay ng cellphone ko.

Ang sakit ng ulo ko!! Naparami yung ininom ko kagabi. Hindi ko na matandaan kung paano ako nakauwi sa condo ko ang importante nakauwi ako ng ligtas.

Sino ba itong tawag nang tawag istorbo talaga kahit kailan.

Dali dali kong kinuha ang cellphone ko at sinagot ito na hindi tinitignan kung sino ang tumatawag.

"Hello?!" Galit na sabi ko sa kausap ko.

"Hoy wag mo kong sigawan valdez!" Sigaw niya rin sa kabilang linya.

Doon ako natauhan at tinignan kung sino ang tumatawag, shit si mika pala.

"Hello bes, sorry kakagising ko lang kasi." Mahinahong sabi ko sa kanya.

"Halata naman, at halatang nagenjoy kayo kagabi ah, ni hindi mo man lang sinasagot ang tawag ko." Seryosong sabi niya.

"Sorry na bes, napasarap lang yung kwentuhan namin nila ate gretch. Matagal na rin noong huli kaming nagkita eh." Sabi ko nalang.

"Yung kwentuhan ba talaga o magdamagan na naman kayong naginuman?" Tanong niya.

"Pwede both?" Alanganing sagot ko sa kanya.

"Hay, ano bang problema bes? Sabi ko naman sayo kung may pinagdadaanan ka wag mong idaan sa inuman." Panenermon niya.

"Oo na oo na, sa susunod nalang tayo magusap bes. Matutulog na muna ako." Sabi ko sa kanya at binabaan ko siya.

Mahaba haba na namang sermon ang aabutin ko sa babaeng yun at hindi yun makakatulong sa hangover ko.

Napagisip isip ko na rin kasi na iwasan na muna siya para kahit papaano di na ako malunod sa pagmamahal ko sa kanya.

Mahirap man para sa aking iwasan siya pero kailangan ko tong gawin para na rin sa sarili ko.

At ngayon ko na sisimulan yun, pero bago yan matutulog na muna ako guys. Bye!



>>>



Nagising ulit ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Tiningnan ko yung orasan kung anong oras na ba.

Alas dose na pala at di man lang ako nakakain ng agahan kanina, tsk.

Hindi na rin masyadong masakit yung ulo ko. Bumangon na ako at nagshower na ang baho ko na.

Hindi na ako nakapagpalit ng damit ko kagabi dahil sa kalasingan.

Pagkatapos kong maligo nagbihis na ako dahil magluluto ako ng pagkain dahil nagwawala na yung alaga ko sa tyan.

Lumabas na ako sa kwarto ko pero laking gulat ko nang maabutan ko ang isang taong di ko inaasahang makita ngayon dito sa condo ko.

"Mika?! Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko sa kanya, busyng busy naman siyang nagluluto ng ulam.

"Gising ka na pala bes. Bakit ganyan ka? Bawal na ba akong pumunta dito?" Nagtatampong sabi niya.

"Di naman sa ganoon pero baka hanapin ka ng boyfriend mo. At isa pa kaya ko naman ang sarili ko dito." Sabi ko.

"Sus, nagtatampo ka pa rin bes? Wag ka nang magtampo babawi ako sayo ngayon. Date tayo, tayong dalawa lang walang kiefer." Nangingiting sabi niya sa akin.

Seryoso ba siya? Kaya di ako nakaimik agad dahil sa sinabi niya.

"Pero bago yan, kumain na muna tayo bes. Alam kong di ka na naman kumain ng agahan kanina dahil sa hangover. Kaya umupo ka na dito at samahan akong kumain." Sabi niya kaya ayun sinunod ko naman siya.

False hopes na naman ba ito? Mukhang mapupurnada na naman ang pagiwas ko sa kanya. Hays, bahala na nga lang.




-J

TAKEN... For Granted (MikaSa FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon