CHAPTER 8

431 11 0
                                    

DEN'S POV

"Denden?!" Sabay sabay sabi nila ate fille, pati sila ate gretch ay napatingin sa akin at nagulat.

"Yes it's me, the one and only." Sabi ko sabay taas kilay.

"Kailan ka pa dumating?" Si ate fille. Q&A na mga chong.

"Ahm..bago niyo siya gisahin maupo na muna kaya tayo?" Sabi ni aly.

"Tara." Sabi naman ni jirah at hinila na ako patungo sa couch.

"Hoy aly, hindi mo man lang ba kami ipapakilala sa chick mo?" Sabi nung morena.

"Hoy kimmang kung ganyan ang inaasta mo hinding hindi talaga kita ipapakilala sa kanya." Masungit na sagot naman sa kanya ni aly, nakita kong napasimangot ito.

"Hoy, tigilan mo ngayon nagmumukha kang pato." Sita sa kanya nung kulot.

"Tara na nga, oo nga pala den si kim fajardo at victonara galang, yung sinasabi ko kanina sayong pinakilala sa akin nila ate gretch." Sabi ni alyssa.

Nakipagkamay naman ako sa dalawa at nginitian lang sila.

"Vic, kim si denisse lazaro nga pala.." sabi ni aly, halatang may sasabihin pa pero di niya tinuloy, haha.

"Oh tapos?" Naghihintay pa ang dalawa sa kung ano ang sasabihin niya.

"Yun na yun siya si denisse lazaro, haha." Tawang alanganin ni ly.

"Pinsan mo? Kapatid? Kerida?" Si kim,  sinamaan ko siya ng tingin at yun mukhang natakot naman. Tawa naman nang tawa sila ate gretch.

"Baliw ka talaga fajardo, hindi no. Siya yung perslab ko na sinasabi ko sa inyo dati. Isa siyang OB-gyne sa isang sikat na ospital dito. " seryosong sabi niya at halata namang nahihiya siya.

"Ayun, nasabi rin." Tukso naman ni marge.

"So balik tayo sayo lazaro kailan ka pa nakabalik ng bansa?" Tanong ni ate dzi.

"3 weeks ago ate." Tipid na sabi ko.

"Wow, nakakatampo ka ah di mo man lang kami binisita." Malungkot na sabi ni ate fille

"Pasensya na talaga ate, may ipinaasikaso kasi si dad sa akin eh medyo nabusy lang din." Sabi ko.

"At bakit kayo magkasama ni aly? Muling ibalik na ba?" Tukso naman ni ate gretch.

Nilingon ko naman si aly, hinayaan ko nalang na siya yung magkwento sa kanila.

Kaya ayun nagsimula na siyang magkwento kung paano kami nagkita nang makauwi ako dito.

"So nakapagusap na pala kayo ate? Anong status niyo?" Tanong ni ji.

"Friends.. may mga bagay na imposible nang maibalik. Isa pa malakas ang tama ni aly kay ano eh " natatawa kong sabi.

Kahit mahal ko pa si aly, hindi naman ako gaanong nasasaktan nang malaman kong may mahal na siyang iba. Masaya ako para sa kanya pero malungkot din kasi gaya ko one-sided lang, tsk. Hay buhay!

Susulitin ko na ang oras na makasama siya dahil kapag sasabihan na ako ni dad na umuwi na, wala na akong maggagagawa dun.

Kaya heto ako ngayon, nagsasaya kasama ang mga kaibigang iniwan ko noon at pati na yung kaisa isang taong minahal ko sa buong buhay ko.

"Nga pala nasaan na yung mga baby niyo ate?" Tanong ko kina ate fille.

"Nandoon sa taas, lahat tulog." Sagot ni ate dzi.

Kwentuhan, asaran at kainan. Yun lang ang ginawa naming buong araw. Ang saya saya para kaming walang dinadalang problema. Sana ganito nalang palagi.


ALY'S POV

Kami nalang nila marge ang naiwan dito. Umalis na ang dalawang kolokoy dahil hinahanap na yung isa ng finacé niya.

Si vic? Baka susuyuin na naman yung girlfriend o baka gusto lang talaga niyang magpahinga na.

Pinagmamasdan ko si den mula dito sa kinauupuan ko. Napapansin ko na parang may kakaiba sa kanya. Ngumingiti naman siya pero sa nakikita ko sa kanyang mga mata malungkot siya.

Dahil ba sa akin? O baka may mabigat pa itong dahilan? Gusto kong malaman pero natatakot ako. Heto na naman tong lecheng takot nato, tsk.

Hindi na rin nagtagal nagpaalam na kami ni den sa kanila. Maggagabi na rin kasi. Inaya pa nga nila kami na doon nalang magdinner pero di na kami pumayag baka mas lalo kaming matagalan.

Nakatulog na sa sasakyan ko si denden habang bumabyahe kami. Halata sa mukha niya yung saya at the same time ang pagod.

Kadarating lang namin sa tapat ng condominium na tinutuluyan niya. Ginising ko na agad siya.

"Den, gising na nandito na tayo sa condo mo." Paggising ko habang niyuyugyug siya.

"Hmm. 5 minutes." Sabi pa niya, aba! Kahit kailan talaga mantika talaga to matulog.

"Wala ng 5 minutes nasa harap na tayo ng condo mo " sabi ko ulit at tinapik siya ng mahina.

Unti unti naman niyang dinilat ang mga mata niya

"Hala pasensya ka na ly, tinulugan pa kita. Sorry talaga." Sabi niya.

"Okay lang den, alam ko namang pagod ka." Sabi ko.

"Sige ly, thanks for today nagenjoy talaga ako. Mauuna na ako ah? Salamat sa paghatid." Sabi niya at kiniss niya ako sa pisnge ko na nagpatigil sa akin.

"S-sige den, walang ano man yun. Ingat ka " sabi ko at ngumiti

"Sige, ikaw ang dapat magingat. Dahan dahan lang sa pagmamaneho." Sabi niya at lumabas na ng kotse ko.

Nang makapasok na siya sa may lobby, umalis na agad ako baka maabutan na naman ako ng traffic.

Pagkadating ko sa condong tinutuluyan ko, pinark ko lang yung kotse ko at pumasok na sa loob.

Gusto ko nang matulooog, ay di pala ako kumakain ng hapunan, busog pa naman ako, tsk bahala na nga lang. hay.

Pagkaakyat ko sa 9th floor, natanaw ko na agad na may taong nakasandal sa saradong pinto.

She's wearing a pair of vans shoes, a white tank top and black short shorts. May suot din siyang cap sa ulo. Cute as fuck as usual, mika aereen reyes.

Mukhang kanina pa ito naghihintay dito, hay.

"Mika.." tawag ko, lumingon naman ito nakita kong lumiwanag ang mukha niya nang makita ako.

Hay, yeye bakit mas pinapahirapan mo akong kalimutan ka?


Nahirapan akong isulat yung kay denden, huhu. Ayokong patayin yung karakter niya dito. Kahit dito mahirap rin pumatay ng karakter, Tsk.


-J

TAKEN... For Granted (MikaSa FanFic)Where stories live. Discover now