CHAPTER 7

431 9 0
                                    

ALY'S POV

Dumating na yung inorder naming food. Pinagmamasdan ko si den habang kumakain, sarap na sarap siya habang nilalantakan iyon.

"Wow, di halatang gutom ka ah? Matagal ka bang di nakakain dito?" Puna ko.

"Yep, hindi ako kumakain dito kapag hindi kita kasama." Seryosong sabi niya, natigilan ako kaya napaiwas ako ng tingin.

"Seryoso ka?" Paninigurado ko.

"Yup." Sabi niya, kaya nanahimik nalang ako habang kinakain yung pizza sa plato ko.

"Natahimik ka na dyan? Magkwento ka naman aly." Pagbasag niya sa katahimikang namalagi sa aming dalawa.

"Ano namang ikwekwento ko den? Ano bang gusto mong malaman?" Tanong ko.

"Hmm? Gusto kong malaman kung paano ka nainlove sa babaeng minamahal mo ngayon, paano mo siya nakilala?" Seryosong tanong niya.

"Sigurado ka ba? Iba nalang den, kahit pa sabihin mong okay lang alam kong masasaktan kita, ayokong mangyari yun. Kaya please iba nalang." Sabi ko.

"Okay lang talaga aly, kwento mo na please?" Nagpuppy eyes pa talaga, tsk.

"Oh siya sige na, sige na." Pagsuko ko.

"Dalawang taon ang lumipas noong umalis ka. Masyado akong nasaktan dahil iniwan mo ako ng walang sapat na dahilan. Ang resulta naging mailap ako sa mga tao nun, hindi ako nakikihalubilo sa ibang kaibigan ko noon kahit na sa pamilya ko. Kinimkim ko lahat ng sakit. Nagbago lang yun nang makilala ko si vic at kim. Pinakilala sila sa akin nila marge kaya ayun nagclick at unti unting nabalik ang sigla ko." Saglit akong tumigil sa pagsasalita.

"Naging masayahin na ulit ako, nakikipagkulitan asaran at tuksuhan sa barkada. Tandang tanda ko pa birthday party yun ni vic at celebration rin nila sa anniversary nila ni bang. Doon ko nakilala si mika, magbestfriends sila ni shiela or bang yung girlfriend ni vic. Unang kita ko pa lang sa kanya para akong nasiraan ng bait, tulala. Binalewala ko yun dahil sabi ko sa sarili ko hindi pa ako nakakamove on sayo. Pero yun ang akala ko, nang gabing din yun nagkakilanlan kami kaya dun na nagsimula ang friendship namin." Sabi ko.

"Kailan mo naman nalaman na mahal mo na siya higit pa sa isnag kaibigan?" Tanong ni den sa akin.

"Hmm? Noong panahong nililigawan siya ng ex niyang si Jerome. Nakakaramdam ako ng selos noon lalo na kapag nawawalan na siya ng time sa akin. Indenial pa nga ako noon kasi nga yung nangyari sa atin pero dumating rin sa point na tinanggap ko na. Tinanggap ko nang mahal ko na pala ang bestfriend ko." Seryosong sagot ko.

"Maswerte siya sayo ly, kitang kita ko sa mga mata mo kung gaano siya kamahal. Bakit di mo sabihin sa kanya?" Si den.

"Hindi ko alam den, hindi ko alam kung handa na ako, natatakot kasi akong masira yung pagkakaibigan naming dalawa." Sagot ko.

"At natatakot na mareject."  Dagdag niya kaya napatango ako.

"Sa totoo lang den, magiisang buwan ko na siyang iniiwasan. Mahirap pero kinakaya naman." Sabi ko.

"Baliw, bakit?" Di makapaniwalang sabi niya

"Para maisalba ang pagkakaibigan namin, baka sa paraang ito makalimutan ko yung nararamdaman ko para sa kanya." Sagot ko.

"Hay, ewan ko sayo aly, ang hirap mo pa rin talagang basahin. At isa pa, fyi hindi ganun kadali yun no? Ako nga anim na taon na pero di pa rin nakakalimot." Sabi niya.

"Oo na oo na, tama na nga tong usapang mika hati nalang tayo sa bill. Tara na bisitahin natin sila ate gretch, nandoon daw sila sa bahay nila kasama sila vic. Ipapakilala na rin kita sa kanila." Pagaya ko, di naman siya tumanggi.

Kaya ayun iniwan nalang namin ang bayad sa lamesa at umalis na kami doon sa shakeys.

Mabuti nalang talaga iisang sasakyan lang ang gamit namin at yun ang kotse ko.

Nilisan na namin ang lugar na yun at bumyahe na patingong pasay. Sa pasay kasi nakatira sila ate gretch.


>>>


DEN'S POV

Nandito na kami sa harapan ng bahay nila ate gretch. Pinark lang ni aly nang maayos yung sasakyan niya bago kami pumasok.

Dati sa condo niya lang kami nagkikitakita ngayon may sarili na silang bahay ni ate fille, buhay may pamilya.

Hinawakan bigla ni aly yung kamay ko, sa gulat ko ay hindi ako nakagalaw agad kaya hinila nalang niya ako.

Nasa pintuan palang kami, dinig na dinig na namin ang ingay sa loob nagaasaran na naman si ate A at ate gretch.

"Teka di ba pupunta si aly ngayon?" Sa pagkakakilala ko sa boses ay si marge yun.

"Ewan, tinext ko naman siya kaso hindi nagrereply." Hindi familiar sa akin baka ito yung sinasabi ni aly kanina na vic or kim na kaibigan niya.

*Tok! Tok! Tok!*

"What's the password?" Tanong ng kung sinong baliw sa loob.

"Gago ka kim fajardo!" Sabi ni aly, kaya kinurot ko nga sya sa tagiliran napangiwi tuloy siya sa sakit.

"Words valdez!" Sita ko at pinandilatan siya ng mata

"Sorry." Nasabi niya at nagpeace sign lang.

"Mas gago ka aly!" Sagot ng tao sa kabila at binuksan naman niya yung pinto.

"Speaking of, nandito na si baldoo." Sigaw nung babaeng morena na nagbukas ng pinto. Pumasok naman kaagad kami sa loob.

"Guys, nandito na sila aly." Sigaw ulit nong morena.

"Aly!!" Sabay sabay na sigaw nila marge.

"Wow naman, hindi niyo talaga ako namiss sa higpit ng pagkakayakap niyo." Sarkastikong sabi ni aly.

"Aba may kasama palang chicks si aly." Sabi naman nung isang babaeng kulot ang buhok.

"Hoy galang isusumbong kita sa fiancé mo wag mo siyang pagtripan."  Sagot ni aly.

"Isumbong mo lang, wala naman yung pake sa akin eh " Sabi ulit ni kulot, naawa ako sa kanya mukhang may problema silang dalawa.

"Hindi pa rin kayo nagkakaayos? Tsk. Wag niyo nang patagalin ang away niyong yan." Seryosong sabi ni aly.

"Sinusuyo ko naman eh kaso ang tigas niya. Hahayaan ko na muna baka kailangan lang talaga niya ng space." Sabi niya kay aly at nagkibit balikat naman si aly.

Nabaling ang aming atensyon dahil may biglang sumigaw.

"Denden?!" Sabay sabay sabi nila ate fille, pati sila ate gretch ay napatingin sa akin at nagulat.


-J

TAKEN... For Granted (MikaSa FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon