CHAPTER 16

352 9 0
                                    

ALY'S POV

Pagkatapos naming magusap ni mika, hinatid ko na siya sa condo niya. Maggagabi na nang makarating kami sa harap ng condominium na tinutuluyan nita. Hindi pa siya lumalabas ng kotse ko kaya nagsalita na ako.

"Bes, pwede humingi ng favor?" Sabi ko sa kanya.

"Uhm.. sure ano yun bes?" Sabi niya.

Kaya nilakasan ko na ang loob kong ayain siya, baka huling pagkikita na namin ito.

"Pwede ba kitang idate bago ka umalis?" Sabi ko.

"Date? You mean, friendly date?" Takang tanong niya.

"No, I mean Yes, ugh. Parang ganun pero hindi ganun." Sabi ko, nalilito na ako sa sinasabi ko sa kanya.

"Ano bes? Di kita maintindihan, haha." Natatawa niyang sabi.

"Pwede ba idate kita sa araw na yun bes? Kalimutan mo na sana kahit sa araw na yun na magbestfriend tayo. Sana kahit sa araw na yun maranasan kong makadate ka not the usual date na ginagawa natin before . Pwede ba yun bes?" Sana pumayag siya, huhu.

"Bes--" sasagot na sana siya nang biglang nag ring ang cellphone niya.

"Hello mom?" Sagot niya, mommy pala niya.

Hindi ko alam kung ano ying sinabi ng mommy niya pero nakita ko sa mukha niya ang pagkabigla.

"Okay mom." Malungkot niyang sabi at binaba na niya ang cellohone niya.

"Bes, tungkol sa sinabi mo kanina, payag na ako." Sabi niya na ikinatuwa ko.

"Maraming salamat bes." Sabi ko at niyakap siya.

"Walang anuman bes basta para sayo." Sabi niya at ngumiti. Yung ngiti na dahilan na nahulog ako sa kanya.

"Sige na bes, umakyat ka na alam kong pagod ka. Gusto mong kumain muna?" Pagaya ko.

"Wag na bes sa condo ko nalang ako kakain. Umuwi ka na rin alam kong pagod ka rin, wag kang papagutom ah?" Bilin niya saka lumabas na ng kotse ko.

Hinintay ko pa siyang makapasok sa may lobby bago ko nilisan ang condo niya.

Hindi ako umuwi sa condo oo bagkus dumirecho ako sa resto. Nagbabakasakali na nandoon sila kim at vic.

At pinagbigyan naman ako ng tadhana kasi nadoon nga ang dalawa kasama ni kim si mela di na ako nagulat dun.

Ang ikinagulat ko ay kung sino yung kasama ni vic, si den. Hmm? Napapadalas na yata ang pagkikita nitong dalawa, yiieh.

Nandoon din sila ate gretch, ate a at marge.

"Oh anong meron? Nagkakasiyahan ata tayo? Hindi naman ako nainform." Bungad ko sa kanila.

"Nagtext kaya kami sa iyo wag mong sabihing di mo nabasa?" Sabi naman ni kimmy.

Kinuha ko naman agad ang cp ko, meron nga.

"Sorry, nakasilent kasi phone ko." Sabi ko.

"Ang sabihin mo nagdate kayong dalawa ng bestfriend mo. Sinabi sa akin ni Rex na lumabas kayo kanina bandang alas dos at di ka na nga bumalik." Natatawang sabi sa akin ni vic.

"Di date yun, may importante lang kaming pinagusapan. Kahit ano talaga napapansin mo no, di ka nga namin sinisita kahit napapadalas na yung labas labas niyo ni denisse." Sabi ko. Nakita ko namang namula silang dalawa, boom.

"Kamatis niyong dalawa wafs." Natatawang sabi ni kim.

"Balik tayo sayo ly anong pinagusapan niyo? Mukhang seryoso yan ah." Tanong sa akin ni ate gretch.

"Malalaman niyo mamaya, kakain na muna ako dahil tomjums na aketch." Sabi ko sa kanila.

Kaya ayun, hinayaan na muna nila akong kumain. Tapos na rin naman sila at naguusap na lang.



>>>



"So ano na dude?" Tanong ni A, kakatapos ko lang kumain kaya nagsisimula na silang magtanong.

"Aalis si mika papuntang America next week." Direchahang sabi ko sa kanila na nagpatahimik sa kanilang lahat.

"ANO?!" sabay nilang sabi kaya yung ibang kumakain napatingin sa amin.

"Kailan ly? Bakit biglaan naman?" Tanong ni den.

"Hindi ko pa alam ang exact date pero sabi niya next week." Sagot ko.

"Next week? Eh di ba birthday mo na sa myerkules?" Sabi naman ni ate A.

"Yep, duda nga ako na ang araw ng flight niya ay sa birthday ko." Malungkot kong sabi sa kanila.

"Bakit mo nasabi yan ly? Sinabi niya ba sayo?" Tanong ni marge.

"Hindi tumawag kasi ang mommy niya kanina mukhang sinabi na yung date ng flight niya. Kaya ayun pumayag siya sa favor na hinihingi ko sa kanya bago siya umalis." Sabi ko.

"Anong pabor yun ly?" Tanong ni ate A.

Bumuntong hininga ako bago magsalita.

"Makipagdate siya sa akin romantically the day before her flight." Sabi ko at natahimik ulit silang lahat.

"ANO?! Baliw ka ba aly? Hindi siya nagalit?" Si vic.

"Hindi naman pumayag nga diba? Duuh." Sabi ko at inirapan siya.

"So guys mukhang kailangan ko ang tulong niyo para next week. Pabirthday niyo na rin" Dagdag ko at ngumiti.

"Ano pa nga ba, so anong plano mo? Saan mo siya dadalhin? Planohin na natin yan." Sabi ni ate gretch.

Nginitian ko lang sila.

Sinabi ko lang sa kanila yung plano ko para sa date namin ni mika. Bukas na bukas dadalhin ko sila doon sa haven namin ni mika.



-J

TAKEN... For Granted (MikaSa FanFic)Where stories live. Discover now