CHAPTER 12

420 10 0
                                    

ALY'S POV

Nakareceive ako ng text galing kay vic na magkita kita raw kami mamaya sa bahay nila ate gretch.

Bigla bigla nalang nag-aaya ang kumag, ano kaya ang nangyari sa kanya? Noong nakaraang araw nasabi kasi niya na di pa sila okay ni bang.

Well, anyways malalaman lang namin yan mamaya. Sa ngayon magfofocus muna ako dito sa resto. Maraming tao ang kumakain ngayon, kaya tumulong na ako sa pagseserve.

Bitbit ko na ang tray patungo sa table na yun. Pero bigla akong natigilan nang makita ko kung sino ang nandoon, si kiefer at bang.

Tang ina! Ang kakapal ng mukha nilang magharutan dito sa loob ng resto namin nila vic.

Ako ang nakatokang magserve ng pagkain sa table number 15. Kinuha ko na yung tray na may laman ng order nila.

Dahil sa galit ko, susugurin ko na sana sila pero hindi na ako nakagalaw pa nang makita ko si Mika na pumasok at galit na galit!

Lagot, world war 3 na this! Kaya sumunod agad ako sa kanya, baka kung ano ang gagawin niya.

"Well, well, well, tingnan mo nga naman nagcecelebrate ba kayo dahil sa nareceive niyong news kanina?" Rinig kong sabi ni mika, yung nga mukha nila kiefer parang di na maipinta sa kaba.

Yung ibang tao na kumakain napapalingon sa direksyon nila.

"M-mika, wag kang manggulo dito, sa labas tayo magusap." Sabi ng gagong si kiefer at pilit na hinihila si mika.

Nasa malapit lang ako at hawak ko pa yung tray na may drinks at food. Kinuha niya yung ice tea at sinaboy kay kiefer.

"Serves you right, manwhore cheater. At ikaw bang naturingan kang bestfriend, pero inahas mo ang boyfriend ko. Ang kapal ng pagmumukha niyo!" Halos magwala na si mika sa loob kaya nilatag ko yung hawak kong tray sa isang table at pilit na inaawat si mika.

"Bes, bitawan mo ako! Ang kapal ng mukha ng babaeng yan makipagdate dito mismo sa resto niyo nila vic. Kahot gusto kitang sabunutan ngayon di ko gagawin dahil ayokong managot kapag may mangyaring masama sa batang dinadala mo. And for you kiefer, break na tayo hiyang hiya naman ako sa relasyon niyong dalawa." Sabi ni mika at sinampal ito sabay walkout.

Ano? Buntis si bang?!

"Mika wait!" Sigaw ni kiefer na hahabulin sana pero pinigilan ko at sinuntok siya sa mukha ng pagkalakaslakas. Wala na akong pake kung ano man ang sabihin ng ibang kumakain sa resto.

"Kulang pa yan sayo gago! Sinabi ko sayong wag na wag mong sasaktan ang bestfriend ko pero anong ginawa mo?! Nagtiwala ako sayo kiefer, mahal na mahal ka ni mika pero nakuha niyo siyang saktan." Sabi ko saka siya sinipa sa ano niya.

"Nga pala, gusto ko lang klarohin sayo na mahal ko si mika noon pa pero nagpaubaya ako sayo. Ngayon, subukan mo pang lumapit sa kanya hindi lang yan ang aabutin mo." Sigaw ko at umalis, susundan ko si mika baka kung saan yun magpunta.

Buti at di pa siya nakakalayo, naabutan ko siyang umiiyak habang naglalakad.

"Bes." Sabi ko at hinablot siya at niyakap ng mahigpit. Iyak lang siya nang iyak sa balikat ko.

"Bes, ang sakit sakit, pinagkatiwalaan ko silang dalawa pero sila rin pala ang tatraydor sa akin." Hagulhol niya.

"Sshh! Alam kong masakit at kung pwede ko lang saluhin lahat ng sakit na nadarama mo gagawin ko. Please tahan, iuuwi muna kita sa condo ko para makapagpahinga ka. Tara na." Sabi ko, mabuti naman at pumayag siya.

Inakay ko siya patungo sa sasakyan ko. Mabuti nalang at naibulsa ko yung cellphone at susi sa kotse ko kaya di ko na kailangan bumalik pa sa loob.

>>>

Nandito na kami sa condo ko, nagluluto ako ng pancakes ngayon. Alam kong paborito ito ni mika, kahit man lang sa maliit na bagay ay maibsan ko ang sakit na kanyang nararamdaman.

Si mika? Nandoon sa sala nakatulala lang. Di pa rin nagsisinkin sa kanya ang mga nangyari kanina.

Kahit ako, hindi ko lubos maisip na magawa yun nila bang sa kanya at kay vic. Hindi ko alam kung may alam na ba si vic sa mga mangyari.

Inihanda ko na ang pancakes sa isang plato at sinerve yun kay mika.

"Bes, kumain ka muna." Sabi ko, lumingon ito sa akin at tinignan ang dala ko.

Ngumiti siya sa akin kahit malungkot siya, "salamat bes, alam na alam mo talaga kung papaano mo pagagaanin ang kalooban ko." Ngumiti lang ako sa kanya pabalik at umupo sa tabi niya.

Tahimik lang kaming dalawa, naubos na nga niya agad yung pancakes na niluto ko. Maya maya pa sinandal niya yung ulo niya sa balikat ko.

"Mahal na mahal ko si kiefer alam mo yan bes. Sobrang sakit para sa akin yung mga nalaman ko kanina. Mabuti nalang at nandyan ka pa rin para sa akin kahit na nasasaktan na kita kasi na papriority ko yung maling tao. Hay, ang swerte ni den sayo." Sabi niya at niyakap yung braso ko.

"Ano? Bakit siya maswerte?" Takang tanong ko sa kanya.

"Eh kasi, maalaga ka at mapagmahal na girlfriend sa kanya. Buti nga at di siya nagseselos dahil mas marami kang time sa akin." Sabi niya kaya di ko napigilang matawa.

"Bes, hindi kami nagkabalikan ni denisse. Magkaibigan nalang kami nun, ikaw talaga. May mahal na akong iba at alam niya yun." Sabi ko at bigla naman siyang bumitaw at hinarap ako.

"May mahal ka na pala? Bakit di ko alam yan bes? Ang daya mo." sabi miya at sumimangot.

Paktay!

"Busy ka kasi sa boyfriend mo." Sabi ko at umismid.

"Excuse me, Ex-boyfriend ko na ang hayop na yun. So sino na yung maswerteng babaeng mahal mo bes?" Ayan na po nagtatanong na siya.

"Bago ko sagutin yan, magbihis ka muna ng damit bes, sumabay ka sa kin pupunta ako kila ate gretch." Sabi ko.

"Tsk, tinatamad ako bes dito nalang tayo." Sabi niya at nagpout.

"Bes, di pwede nakapangako na ako kay vic eh. Sumama ka sa akin di kita hahayaang magmukmok lang sa condo mo." Sabi ko at buti nalang pumayag din.

Tinext ko nalang si vic na mauuna na kami doon kila ate gretch.

Pagkatapos magbihis ni mika, nagbihis na rin ako at umalis na kami agad.

-J

TAKEN... For Granted (MikaSa FanFic)Where stories live. Discover now