CHAPTER 19 - THE DATE

367 10 0
                                    

ALY'S POV

Bumabyahe na kami ni mika ngayon papunta sa safe haven namin. Kinakabahan ako na naeexcite sana mapasaya ko siya ngayong gabi sa inihanda kong dinner.

Yes, ako ang nagluto ng mga pagkain namin. Nagpatulong ako kila ate fille upang maluto yung mga paborito ni mika.

Nagkasugat sugat pa ako dahil sa hindi ako sanay na magluto ng ganto. Mga simpleng pagpiprito lang kasi ang alam kong gawin.

Naalala kong tinawagan ako ni tita bhaby kanina at sinabing mamayang madaling araw yung flight niya. Tama lang na ginawa namin to bago ang birthday ko. Tama nga yung kutob ko noong nakaraan.

Nakarating kami sa doon bandang alas syete imedya na ng gabi. Naabutan kami ng matinding traffic kaya kami natagalan kahit pa sabihin natin na di yun ganun kalayo mula sa condo ni mika.

Ayokong masira ang gabi namin dahil sa lecheng traffic na yun, tsk. Di ko nalang yun iisipin pa.

Pinark ko yung kotse ko, lumabas ako at pinagbuksan si mika sa kabila at inalalayan ko siyang makalabas.

Pagkapasok na pagkapasok palang namin sa gate, kita ko ang pagkatulala niya sa lugar

"Wow, ly ang ganda dito. Maganda na nga noong una mas lalo lang itong gumanda. Paano mo nagawa to?" Tanong niya habang nililibot ang paningin.

"Sa tulong ng barkada miks, pabirthday na rin nila sa akin." Natatawa kong sabi.

"Wala akong masabi ly, just wow." Sabi niya.

Gaya nga ng sinabi ko nilagyan ito ng lights nila ate gretch sa baba ng puno kaya lumiwanag ang paligid nito.

Gaya nga ng sinabi ko nilagyan ito ng lights nila ate gretch sa baba ng puno kaya lumiwanag ang paligid nito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Tara na miks, umakyat na tayo doon sa taas." Pagaya ko sa kanya. Kaya ayun inalalayan ko lang siya hanggang sa maakyat kami doon.

At gaya ng naging reaksyon niya kanina, ganun na rin ang pagkamangha niya sa naging makeover nito sa loob.

At gaya ng naging reaksyon niya kanina, ganun na rin ang pagkamangha niya sa naging makeover nito sa loob

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Kita ko sa mukha niya ang pagkamangha at pati na rin ang kasiyahan nito. Sapat na yun sakin, ito ang pinakamasayang birthday ko kahit na aalis na siya mamaya.

TAKEN... For Granted (MikaSa FanFic)Where stories live. Discover now