CHAPTER 4

442 12 0
                                    

MARGE'S POV

Nandito ako ngayon sa bahay namin ni jirah. Yes, we're happily married already with one kid.

Dalawang taon na rin kaming kasal ni jirah and so far wala pa naman kaming naging problema maliban sa paminsan minsang selos.

Normal lang naman yun para sa akin dahil ibig sabihin noon mahal talaga namin ang isat isa.

Sa aming anim na magbabarkada, ako si ate a at ate gretch ay kasal na sa mga partner namin.

Sila kim at vic naman engaged na rin kina mela at bang. Si aly? Ayun, asa pa rin sa bestfriend niya.

Wish ko nga sa kaibigan naming yun na sana maging masaya na rin at siya at makatagpo ng taong mamahalin siya pabalik.

Nasa kusina si jirah nagluluto ng dinner namin kaya nilapitan ko ito. Tulog na tulog pa naman yung baby namin at nasa nursery room.

Niyakap ko ito bigla kaya naramdam kong nagulat siya.

"Ang bango bango mo baby ji." Sabi ko at inamoy amoy siya.

"Baby marge alam ko yang ginagawa mo, magtigil ka nagluluto pa ako." Sabi niya pero di naman niya inaalis ang kamay ko na nakayakap sa bewang niya.

"Hmm.. babay ji, nagutom ako bigla. Gusto ko ng kumain.. at ikaw ang gusto kong kainin." Sabi ko tapos kinagat yung tenga niya.

"Baby marge! Magtigil ka nga, baka magising si margareth." Suway niya sa akin. "Mamaya na yan." Sabi niya

"Promise?" Sabi ko.

"Promise baby." Sabi niya at kiniss ako sa pisnge.

Kinikilig pa rin talaga ako gaya nang dati parang walang nagbago sa samahan namin ni ji. Mas lalo ko lang siyang minahal ngayon na kasal na kami.

Pagkatapos magluto ni ji, kumain na kami dahil gutom na rin ako mabuti nalang tulog pa ang baby namin.

Kapag nagising yun, naku mahirap yun patulugin ulit, tsk.



>>>



Nandito na kami ngayon sa kwarto namin ni ji.pareha na kaming nakahiga ngayon sa kama namin.

"Babay ji.." bulong ko at niyakap yakap siya

"Hmm?" Ungol niya

"May nakalimutan ka yata." Sabi ko.

"Meron ba baby? Parang wala naman? Tulog na tayo baby marge." Sabi niya.

Mas sumiksik pa ako sa kanya.

"Eeh baby ji naman eh." Pagmamaktol ko.

Humarap naman siya kaagad sa akin.

"Joke lang baby marge." Sabi niya at hinalikan ako.

Hmm, masarap talaga humalik si ji, nakalalasing.

Palalim na ng palalim yung halikan namin. Dahan dahan ko ng inaangat ang nighties niya nang biglang..

*Kring! Kring! Kring!*

"Argh! Bakit ngayon pa? Storbo naman eh." Inis kong sabi. Narinig ko pang natawa si ji sa reaksyon ko

"Sige na sagutin mo na yun baby baka importante yun." Sabi niya kaya wala na akong nagawa.

Nakita ko sa caller id na si laura pala yung tumatawag. Ano kayang problema sa bar?

"Hello lau?" Sagot ko.

"Hello marge, sorry talaga alam kong naistorbo ko ang sexy time niyo ni ji pero kailangan mo pumunta dito sa bar ngayon." Sabi niya, medyo nahiya naman ako dahil sa sinabi niya.

"Oh bakit anong problema lau?" Sabi ko napatingin naman sa akin si ji na halatang nagaalala din.

"Si alyssa kasi kanina pa ito umiinom at nagpapakalango sa alak. Nagwawala na nga buti nalang nasa loob siya ng vip room ngayon, kung hindi baka nagkagulo na talaga dito." Sabi ni lau.

"Ano?! Bakit ngayon mo lang sinabi?" Tanong ko.

"Sorry marge akala ko kasi saglit lang siya at sinabi niyang wag ko raw kayong sabihan." Sagot niya.

"Oh siya sige, pupunta na ako dyan, wag niyo siyang hahayaang makaalis na wala pa ako." Sabi ko.

"Sige marge." Sagot nitmya at naputol na ang tawag.

"Baby anong nangyari?" Tanong sa akin ni ji.

"Kailangan kong pumunta sa bar baby, nagwawala raw si alyssa doon." Sabi ko at nagmadaling magpalit ng damit.

"Ano?! Balitaan mo nalang ako baby ah, magiingat ka sa pagdrive." Sabi ni ji.

"Okay po, alis na ako." Sabi ko at kiniss siya sa lips.

Sayang yung sexy time namin pero mas kailangan ako ng kaibigan namin.

"Bawi ka nalang bukas baby." Pahabol kong sabi at narinig ko pa siyang tumawa bago ako lumabas ng kwarto namin.



>>>



Kadarating ko lang sa bar namin. Marami ng tao na nagkakagulo dahil sa kalasingan.

Nilapitan ko naman kaagad si laura na nasa bar counter.

"Lau nasaan siya? Sinong kasama niya sa loob?" Tanong ko.

"Nasa vip room pa rin marge, kasama naman niya doon si luigi." Sabi niya.

Iniwan ko na si laura at pinuntahan na yung vip room na kinaroroonan niya.

Pagkapasok ko sa room laking gulat ko sa kung ano ang nadatnan ko.

Puro basag na bote ang nagkalat doon. Yung table sa gitna tumilapon na at nabali na yung isang paa nito.

Siraulo talaga ang babaeng to dito pa talaga nagwala, hay

Kung di ko lang mahal ang kaibigan kong to pababayaran ko talaga sa kanya ang nga damages dito.

Nakita kong nakahiga at nakatulog na si aly sa couch dahil sa kalasingan. May mga sugat din siya sa kanang kamay niya. Dahil siguro sa bubog o baka sinuntok niya ito sa pader.

"Luigi, tulungan mo akong buhatin siya sa sasakyan niya." Sabi ko at binuhat na nga namin ito.

>>>

Naisakay na namin si aly sa sasakyan niya. Iiwan ko nalang muna ang sasakyan ko dito.

"Luigi, kayo na muna ang bahala sa sakyan ko ah? Pakilinis nalang din ng mga kalat doon sa vip room." Sabi ko.

"Okay po maam, wala pong problema." Sagot niya.

Pagkatapos ng usapan naming yun nilisan na namin ang bar. Inuwi ko nalang muna siya sa bahay namin ni ji, baka kung ano na naman ang gawin niya sa condo niya pagkagising niya.

Hay nako alyssaaa!




-J

TAKEN... For Granted (MikaSa FanFic)Where stories live. Discover now