CHAPTER 20

388 10 0
                                    

ALY'S POV

Ito na yung oras na kahit habulin at pigilan ko, di ko magagawa. Bumabyahe na kami ngayon ni mika patungong airport.

Kanina muntik ko na talagang masabi sa kanya, nadala ako sa kanta eh. Buti nalang nakapagpigil pa ako.

Gusto ko mang aminin sa kanya na siya yung taong tinutukoy ko, nadala na naman ako sa takot ko. Duwag na kung duwag pero wala eh isa akong dakilang torpe.

Madali lang kaming nakarating sa airport. Well di na gaano ganun katraffic kaya madali kaming nakarating doon. Isang oras lang yung naging byahe namin mula sa safe haven kahit medyo malayo ito.

Tiningnan ko ang relo ko ala una pa. May dalawang oras pa para makasama ko siya.

"Sasamahan muna kita sa loob miks, maaga pa naman." Sabi ko.

"Sigurado ka? Baka inaantok ka na ly, okay lang naman ako dito." Sabi niya.

"No I'm okay, gusto lang talaga kitang makasama nang mas matagal." Sabi ko, ayun pumasok kami sa loob at doon na kami maghihintay dalawa.

"Oo nga pala ly, bago ko makalimutan may ibibigay pala ako sayo." Sabi niya at may kinuha sa pouch niya.

Iniabot naman niya ito sa akin, nasa maliit na box ito binuksan ko ito at nabigla ako nang makita ko ito.

Isang silver heart shaped locket iyon. Binuksan ko ito at nakita ko yung picture niya don.

 Binuksan ko ito at nakita ko yung picture niya don

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Wow, ang ganda nito miks. Thank you, nagabala ka pa yung date natin kanina sapat na yun as gift mo." Sabi ko sa kanya.

"Sus, yaan mo na. Pakiingatan ang puso ko, babalikan ko yan " makahulugan niyang sabi, kumabog naman ang puso ko nang mabilis dahil sa sinabi niya.

"Ikaw lang ba may regalo? Syempre ako rin may ibibigay sayo." Sabi ko at kinuha yun kasama ng isang sulat na nakaenvelope.

"Oops, wag mo muna buksan ang sulat, buksan at basahin mo yan pagdating mo doon miks. Promise me." Sabi ko sa kanya.

"Promise ly, eh tong regalo mo pwede ko na ba itong buksan?" Tanong niya at nagnod lang ako.

"Wow, ang cute nito ly." Isa kasi itong necklace din at padlock ang pendant. Ang susi nito ay nasa akin at di niya alam yun syempre.

 Ang susi nito ay nasa akin at di niya alam yun syempre

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
TAKEN... For Granted (MikaSa FanFic)Where stories live. Discover now