CHAPTER 18

347 10 0
                                    

MIKA'S POV

Nakaimpake na lahat ng gamit ko para sa pagalis ko mamayang madaling araw.

Ngayong araw na rin yung nakatakdang 'date' namin ni alyssa. Kinakabahan ako pero at the same time naeexcite.

Maaga pa naman mamayang hapon pa ang alis namin. Naisipan ko na puntahan si denisse sa ospital na pinagtatrabahuan niya.

Kahit naintroduce na kami sa isa't isa hindi pa rin kami ganoon kaclose. Ewan ko kung bakit siguro dahil siya yung first love ni alyssa? Siya yung nauna sa buhay niya.

Bakit ko nga ba iniisip to? Para akong nate-threaten sa kanya, hindi ko dapat iniisip ang mga bagay na ito.

Ginawa ko na ang dapat kong gawin pagkatapos ay nilisan na yung condo ko.



>>>



Nandito na ako sa hospital, hinahanap ko ang office ni den. Magtatanong na nga lang ako.

"Ahm, excuse me nurse san po ba ang opisina ni dra.lazaro?" Tanong ko sa kanya.

"Yung pedia po ba or yung ob? Dalawa po kasi silang nagtatrabaho dito?" Tanong niya sa akin.

"Yung ob." Sagot ko.

"Uhm.. nasa 3rd floor po hanapin niyo lang ang room 318." Sagot nung nurse kaya agad ko na yung pinuntahan.

Nakita ko naman yun, kinatok ko na muna baka may pasyente pa siya. May sumagot naman kaya binuksan ko ito at pumasok.

Naabutan ko ang assistant niya sa table niya na may tinatrabaho. Tinanong ko nalang ito.

"Ahm miss nandyan ba sa loob si doctora lazaro? May pasyente ba siya?" Tanong ko dito.

"Nandyan po maam at wala naman po siyang pasyente ngayon. Ano pong sadya natin?" Tanong niya.

"Ahm gusto ko lang sana siyang makausap kahit saglit lang." Sagot ko.

"Puntahan niyo lang po siya maam doon po ang office niya." Sagot ng assistant niya at may itinurong pintuan.

At naabutan ko si den at si vic sa loob na..

"Ehem! Ibang pasyente pala ang inaasikaso ngayon ni doctora eh." Sabi ko, aliw na aliw sila sa sariling mundo nila kaya di nila namalayan na pumasok ako sa loob.

"M-mika, kanina ka pa dyan?" Gulat na tanong sa akin ni den at mabilis na umalis sa kandungan ni vic.

Oo, nakakandong siya kay vic habang nakaupo ito sa swivel chair ni den. Ang sweet nila di ba? Parang di broken hearted si vic noong mga nakaraang linggo.

"Bago lang at hindi ko ineexpect na maabutan ko kayo ditong ganyan. Office hours pa denisse nakakaloka kayo." Natatawa kong sabi, namula naman sila pareho.

"Bakit ka ba nandito mika? Panira ka ng moment eh." Reklamo ni vic kaya binatukan ito ni den.

"Kayo ah, pero infairness bagay kayo vic pero mamaya na yan. Pumunta ako dito kasi gusto kong makausap sandali si denisse." Sabi ko.

"Okay vic, iwan mo na muna kami saglit." Utos ni den, mukhang ayaw pa ngang lumabas pero sinamaan niya ito ng tingin kaya walang nagawa si vic kundi iwan kami sa office niya. Under!

"Di na ako magpaligoy ligoy pa, alam kong mas matagal niyong kilala ang isat isa ni alyssa den. Mas kilala mo siya kesa sa akin, gusto ko lang sana malaman kung ano yung mga bagay na gusto niya. Gusto ko sana siyang bigyan ng regalo bago ako umalis mamaya." Sabi ko sa kanya, nginitian muna niya ako bago siya sumagot.

"Alam mo miks, di naman materialistic na tao si aly. Tumatanggap yan ng kahit ano lalo na  kung galing sa espesyal na tao sa buhay niya. Ang pagpayag mo sa date niyo ay sapat na para sa kanya yun. Masayang masaya na siya dun." Sabi niya.

"Pero gusto ko siyang bigyan ng isang bagay na kahit malayo man ako ay maalala pa rin niya ang isang tulad ko." Sabi ko.

"Kahit di mo nga bigyan yun, hinding hindi ka makakalimutan ni alyssa.  Pero kung gusto mo talaga isang bagay lang ang maisusuggest kong ibigay mo sa kanya." Sabi niya at sinabi niya yun sa akin.

Hindi rin ako nagtagal doon dahil baka nainip na yung isa kasi istorbo ako sa moment nila. Isa pa kailangan kong bumili ng regalo para kay aly kaya dumirecho ako sa mall.



>>>



Kakauwi lang galing sa mall, buti nlang nandoon yung hinahanap ko. Sana magustuhan niya ang regalo ko.

It's a silver heart locket necklace. Kinuha ko ito at nilagyan ng picture ko, para kapag malungkot siya kahit papaano maibsan yun.

Nakatanggap ako ng text na susunduin niya ako sa condo quarter to 5. Tiningnan ko ang relo ko, mag aalas tres imedya na ng hapon kaya naghanda na ako.

Naligo, nagbihis at naglagay ng kaunting make up. Ayaw na ayaw niya kasing maglagay ako ng sobra. Simplicity is beauty ika nga.

Sinuot ko na yung pulang off-shoulder above the knee dress ko. Pagkatapos nun sinuot ko na rin yun sandal ko. No heels, hindi ako marunong gumamit nun.

Unang beses kong sumubok, natapilok lang ako kaya di na ako umulit pa. Nakakahiya kaya, buti nalang kasama ko si alyssa nun.

Inihanda ko na ang dapat kong dalhin para sa date namin.

Nilabas ko na rin yung bagahe ko para paguwi ko mamaya hindi na ako mahirapan pa.

Maya maya pa narinig ko na may nagdoorbell sa labas. Si aly na yun.

Binuksan ko ito at si aly nga, natulala naman ako dahil ang gandang-gwapo niya. Bagay sa kanya ang suot niyang checkered na long sleeve at nakatupi yung sleeve hanggang siko. Bumagay naman dito ang suot niyang black skinny jeans with leather shoes.

Aba, sineryoso talaga, di napaghahalataang birthday niya.

"Hi." Bati niya at nginitian ako ng matamis.

Napangiti rin ako ako dahil nakakadala lang naman talaga ang mga ngiti niya na labas dimples.

"Ready ka na miks?" Tanong niya.

"Yes." Sagot.

"Nasaan ang bagahe mo?" Tanong niya na ikinagulat ko, hindi ko pa kasi nasasabi na mamayang madaling araw ang flight niya.

"Nandoon sa loob. Bakit?" Takang tanong ko.

"Dalhin na natin, ako na ang maghahatid sayo sa airport mamaya. Kung nagtataka kung paano ko nalaman, sinabi sa akin ni tita kanina na mamayang alas tres ng umaga ang byahe mo " sabi niya at ngumiti pero may halong lungkot.

"Sorry ly kung di ko kaagad nasabi sayo." Hinging paumanhin ko at yumuko.

"It's okay miks. Wala kanang nakalimutan? Let's go? Ako na ang magdadala ng bagahe mo." Aya niya, kinuha ko yung pouch ko habang si aly ay kinuha yung isang maleta ko tapos lumabas na kami at nilock ito.

"Salamat ly. Tara." Sabi ko sa kanya. Hinawakan ko yung kanang braso niya habang yung isang kamay niya hila hila ang maleta ko papunta sa elevator.

I will cherish this night forever.



-J

TAKEN... For Granted (MikaSa FanFic)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu