CHAPTER 13

399 10 0
                                    

VIC'S POV

Bumabyahe na kami ngayon patungo sa bahay nila ate gretch. Kasama ko si den syempre, hinintay ko matapos yung duty niya kanina.

Siya yung nagpumilit na magmaneho dahil baka raw di kami umabot ng buhay doon. Alam naman niyang may mabigat akong dinadala ngayon kaya ayun pinagbigyan ko na.

Pagkatapos ng mga nangyari kanina, pakiramdam ko pagod na pagod ako. Pagod na pagod ako sa kakaiyak, mabuti nalang di ako iniwan ni denisse kanina.

Kahit ganoon ang nangyari, kailangan ko pa ring kausapin si bang baka bukas o sa susunod na araw nalang.

Nanghihinayang ako sa relasyon namin, mahal na mahal ko siya pero mas pinili niya yung taong kayang ibigay ang lahat sa kanya.

Aaminin kong di ko magagawa yun dahil babae ako lalaki si kiefer pero kahit ganun sana man lang kahit konti ay naappreciate niya yung mga ginawa ko para sa kanya sa loob ng limang taon. Tsk.

"Vic nandito na tayo, bumaba ka na dyan." Sabi ni den, luh? Ang bilis ah, himala at di kami naabutan ng malaimpyernong traffic, tsk.

Kaya ayun, bumaba na kami pareho at sabay na pumasok sa loob ng bahay nila ate gretch.

Naabutan namin sila aly at mika na nagmumokmok sa sala.

"Ly, nasaan yung iba?" Pukaw ko sa atensyon nila.

"Uy, nandyan na pala kayo, nandoon sila ate A sa kusina si marge at jirah naman hindi pa dumadating." Sabi niya.

Tiningnan ko naman si mika, parang may sariling mundo at nakatulala pa rin. Gusto ko sanang tanungin si aly pero di ko nalang ginawa baka badtrip lang talaga.

"Teka, magkasabay kayo ni den pumunta dito?" Biglang sulpot ni kim at ngumiti sa akin ng nakakaloko.

Heto na naman po siya.

"Oo, bakit may problema ka kimmang?" Sagot ko sa kanya.

"Iba na yan! Aly yung chix mo oh pinopormahan ni victonara. Isusumbong kita sa fiancé mo." Tatawa tawang sabi ni kim, alam kong biro lang yun pero dahil sa mga nangyari di ako natawa.

Nagkatinginan naman kami ni den. Si mika at aly ganun din, kaya nagtaka ako.

"Seryoso niyo ah, anong meron?" Hay, mabuti nalang dumating sila marge kundi masasakal ako sa katahimikang namalagi sa amin kanina.

"Mabuti naman at dumating kana, paVIP ka pa rin marge." Pagiiba ni aly, buti nalang.

"Sorry naman, marami kasing tao sa bar eh." Sabi niya.

"Mamaya na yan guys, kumain na muna tayo." Tawag sa amin ni ate fille kaya ayun natapos ang paguusap namin doon.



>>>



Pagkatapos naming kumain, nagkumpulan kami nila marge sa sala. Sila jirah naman ay humiwalay sa amin.

"Vic, bakit ka biglang nagaya? May nangyari ba?" Tanong ni ate gretch.

"Mukhang alam ko na ito." Sabi naman ni aly at halata mo sa aura niya ang galit.

Sinimulan ko nang magkwento sa kung ano yung mga kaganapan kanina. Kung paano nalaman ni den yung tungkol kay kiefer at bang.

Sinegundahan naman yun ni aly, at doon pala talaga sila nagcelebrate sa resto namin ang kapal!

Tadhana na ang gumawa ng paraan para malaman namin ito. Pati si mika napaaway kanina mabuti nalang napigilan ni aly, hay.

"ANO?!" Silang lahat maliban sa amin ni alyssa



MIKA'S POV

"ANO?!" reaksyon nila ate fille maliban sa amin ni denisse.

"Eh gago pala talaga yang boyfriend mo mika. I mean ex pala, ang kapal ng mukhang pagdudahan si aly siya naman pala yung may milagrong ginagawa " galit na galit si ate dzi, sino ba naman ang hindi di ba?

"Hayaan niyo na yun ate, mabuti nalang nang maaga ay nalaman ko na hindi siya yung tamang tao para sa akin. Sayang yung 4 years namin at yung pagkakaibigan namin ni bang pero nangyari na eh, pinili nilang traydorin ako. Wala na akong magagawa dun, di ko kasalanan yun binigay ko ang lahat siya lang ang di nakuntento." Mahabang litanya ko.

"At isa pa, naiganti na naman ako ni alyssa kanina, nasapak na niya yun. Tagapagtanggol ko yun eh." Dagdag ko, at napangiti nalang ako bigla.

"Maswerte ang babaeng minamahal nun." Biglang sabi ni den na kanina pa nananahimik.

"Speaking of minamahal, hindi niya pa sinasabi sa akin kung sino, ang daya." Sabi ko at nagpout.

Nagngitian naman sila, hindi ko alam kung bakit.

"Anong nginingiti ngiti niyo dyan?" Tanong ko.

"Wala lang basta ito lang ang masasabi ko sa iyo ang taong yun ay bulag at manhid." Sabi ni den at ngumiti ulit, bahala nga kayo.

"Ehem!! Hoy lazaro akala mo ligtas ka na ah. Bakit kayo magkasabay ni vic pumunta dito?" Pangingintriga ni ate fille.

"Wow, big deal yun ate? Kasi ganito yun..." At kwinento na niya sa amin ang nangyari kanina.

"Aba, mukhang nangangamoy AraDen itetch." Natatawang sabi ni mela.

"Siraulo, bigyan ba naman ng malisya ang pagkakaibigan namin, tsk." Inis niyang sabi.

"Wag mong sabihin na inlove ka pa rin kay alyssa?" Si ji.

"Yes, mahal ko pa rin pero di na gaya nang dati. Tanggap ko naman kasing may mahal siyang iba na manhid at bulag." Natatawang sabi niya, kaya nagtawanan sila ako? No reaksyon.

"Sino ba kasi yan nang makilatis ko." Sabi ko at mas lalo silang natawa, bakit may nakakatawa ba dun?
Sabihin niyo sa akin. Huhu.



-J

TAKEN... For Granted (MikaSa FanFic)Where stories live. Discover now