CHAPTER 14

407 12 0
                                    

(A/N: balik tayo sa usapan ng mga dudes)

VIC'S POV

"Ganun na nga ang nangyari, ang saya di ba? Ikakasal pa rin naman siya pero sa ibang tao na." Sabi ko at ngumiti ng pilit.

"Sorry wafs di ko alam na ganun ang nangyari ginawa ko pang biro kanina." Malungkot na sabi ni kimmy.

"Sus, okay lang di mo naman kasi alam. Wag ka nang magalala pa." Sabi ko sa kanya.

"Anong plano mo ngayon?" Tanong sa akin ni aly

"Ipapacancel ko na muna ang kasal. Kakausapin ko rin ang mga magulang ko pati na ang parents niya. And lastly kakausapin ko siya, masakit man sa akin pero kailangan ko na siyang hiwalayan." Malungkot kong sagot.

"Alam kong malakas ka vic, kaya mo yan. Kung kailangan mo ng makakausap, wag kang mahihiyang lumapit sa amin nandirito lang kami para sayo." Sabi ni ate A.

"Maraming salamat guys " sabi ko at nginitian sila.

"Cheers!" Sabi ni ate gretch, kanina pa kami nagiinuman, ngayon ko lang namalayan na marami rami na pala ang nainom namin.

"Mukhang close na kayo ni den vic ah." Heto na naman po kami. Si aly yun.

"Heto na naman tayo, di naman mabait lang talaga si den kaya nagclick kami. Kung di dahil sa kanya ay ewan ko nalang kung saang bar ako pupulutin ngayon." Natatawa kong sabi.

Ngumiti lang si aly.

"I want her to be happy also. She deserves to be happy. Malaki yung sinakripisyo niya para sa aming dalawa noon. Minahal ko siya dati ng higit pa sa buhay ko. Sa nakikita ko hindi na ako ang taong nararapat para sa kanya. Sana kung dumating man ang tamang taong yun mahalin mo sana siya at ingatan." Makahulugang sabi ni aly habang nakatitig sa akin.

Hindi man niya direchahang sinabi sa akin pero alam kong ako ang kanyang sinasabihan.

"Masyado ka namang madrama dude baka umiyak na naman si vic nyan." Pagbibiro ni kim, tamang tama ang timing ng isang to.

"Hindi na no, quota na ako ngayong araw naubos na ang luha ko, next time na rin daw." Sabi ko.

"Baliw!" Sabi niya at saka ako binatukan.

Nagkwentuhan pa kami hanggang sa naubos na namin yung ininom namin at napagdesisyonang magpahinga na.

"Akala ko di na kayo matatapos sa pagkwekwentuhan sa baba. Magpahinga na kayo. Marge, nandoon sa isang guest room si jirah katabi ang baby niyo. Nandoon din si mela kim kaya puntahan niyo na sila doon." Si ate fille.

"Aly, vic sila mika at den nasa iisang guest room din tabihan niyo nalang sila. Si dzi nasa kwarto natin gretch tara na doon, disoras na ng gabi." Dagdag niya.

Sabay naman kaming pumunta ni aly sa isang guest room na itinuro ni ate fille kanina.

Pagpasok namin sa loob, nakita kong may dalawang bed na kasya ang dalawang tao. Nandoon si mika at den.

Itinulak naman ako ni aly. "Sige na tabihan mo na ang prinsesa mo doon." Sabi niya at nginitian ako ng nakakaloko.

"Ang sabihin mo gusto mo lang makachansing kay mika." Tukso ko pabalik, at tumawa.

"Ssh, manahimik ka nga vic baka magising ang dalawa bugahan tayo ng apoy." Sabi ni aly at humagikik naman ako dahil doon.

"Valdez! Anong sabi mo?!" Naku po. Paktay, nagising si den.

"Ah.. eh.. wala ang sabi ko matutulog na ako." Sabi niya at tumabi na kay mika at tinalikuran na kami, tsk.

Kay den at mika lang pala takot ang baliw na to.

"Ikaw galang, ano pang tinatayo tayo mo dyan?!" Ang cute niya, para siyang nassleeptalk dahil nakapikit pa ang mga mata niya

"Sabi ko nga, matutulog na rin ako." Takot ko lang kay den, baka mabuhagan na talaga ako ng apoy nito. Kaya ayun humiga na agad ako sa tabi niya.

Yumakap naman siya sa akin na ikinagulat ko. Makakatulog pa kaya ako neto? Hay ewan ko nalang, so pahinga muna ako guys.


MIKA'S POV

Nagising ako may malambot na unan akong niyayakap. Mas niyakap ko pa ito pero bigla itong umungol.

Kaya minulat ko na ang mga mata ko para tignan kung ano yun. Akala ko unan si Alyssa pala yung niyayakap ko.

Ang sarap sarap ng tulog niya, mukhang napadami yung ininom nila kagabi ah.

Bumangon na ako at tinignan ang kabilang kama. Tulog na tulog rin ang dalawa at nagyayakapan pa. Hinayaan ko na lang.

Naghilamos na muna ako bago mubaba sa kusina. Magluluto na ako ng agahan namin nakakahiya kila ate fille.

Kung nagtataka kayo bakit di ako iniiyakan ang nangyari kahapon, tapos na akong umiyak. Hindi siya deserving para sa luha ko no, ang kapal ng mukha niya.

Aaminin kong masakit pa rin, malamang fresh pa sa utak ko yung mga nangyari eh. Pero hindi ko hahayaang na malugmok ako dahil dun, swerte nila ah, di naman ako ganun katanga.

Naabutan ko sa kusina si ate fille na nagluluto kaya nilapitan ko ito para tumulong.

"Ang aga mong nagising ate ah, alam kong napuyat ka kagabi dahil kila ate gretch." Sabi ko.

"Gising ka na pala, hindi naman masyado keri lang. Sandali lang at ipagtitimpla kita ng kape." Sabi niya, swerte ni ate gretch sa kanya full time mom and wife.

"Wag na ate, ako na ang bahala. Ano yang niluluto mo? Gusto mong tulungan kita ate?" Sabi ko.

"Wag na miks, malapit na akong matapos pakigising na lang yung iba sa taas, pagkatapos mo dyan." Sabi niya at tinanguan ko lang siya.

Pagkatapos kong magtimpla ng kape, bumalik ako sa taas para gisingin sila aly pati na sila ate gretch.


-J

TAKEN... For Granted (MikaSa FanFic)Where stories live. Discover now