CHAPTER 11

397 11 0
                                    

DEN'S POV

Papalabas na ako ng hospital nang may mahagilap akong isang taong pamilyar sa akin.

Nilapitan ko ito para maaninag ang mukha niya, tama nga ako kilala ko nga ito. Kaibigan ito ni aly, ano nga ba ang name nito?

Victoria?

Ay, victonara pala.

Anong ginagawa niya dito sa hospital? Mas nagulat ako nang makita ko siyang humahagulhol sa pagiyak.

Agad ko naman itong nilapitan na ikinagulat niya.

"Den?! Tama ba? Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya at pinipilit na punasan ang mga luha niya.

"Yes, dito ako nagtatrabaho vic. Ikaw anong ginagawa mo dito? Bakit ka umiiyak?" Tanong ko dito pero umiwas lang siya ng tingin.

"Tara, usap tayo doon tayo sa park. Wag kang magdrama dito baka mapagkamalan ka nilang baliw." Sabi ko at hinila siya doon sa park na malapit dito sa hosipital.


>>>


Nang makarating kami sa park, umupo kami sa isang bench. Namalagi naman ang isang mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Alam kong di pa kami ganon kaclose pero may part sa akin na gustong icomfort siya. Nararamdaman kong mabuti siyang tao.

"Girlfriend mo ba yung kasama ni kiefer?" Seryoso kong tanong sa kanya. Pareho kaming nakatanaw sa malayo. Mabuti nalang magdadapit hapon na at di na mainit.

Agad naman siyang tumingin sa akin na para bang nagulat.
"T-teka, p-paano m-mo nalaman? Kilala mo si kiefer?" Tanong niya.

"Girl's instinct? Hindi naman totally kilala nakita ko siyang kasama ni Mika sa mall last week so nagconclude akong siya yung boyfriend ng bestfriend ni alyssa. Hindi ko rin inexpect na may iba pa palang babae ang gagong yun." Sagot ko na may halong galit.

"Hindi ko rin nga ineexpect na magagawa sakin ni shiela yun. Ikakasal na dapat kami next month, what a surprise. Habang nagpapakabusy ako sa paghahanda para sa kasal naman busy rin siya sa pakikipaglandian sa iba. Sobra akong nasaktan sa ginawa niya at mas lalo akong nasaktan dahil inahas niya ang boyfriend ng bestfriend niya. Kapag nalaman ito ni alyssa tiyak na magagalit ng sobra yun." Sabi niya at patuloy na umiiyak.

Sobra rin akong nasasaktan para kay vic. "Alam mo vic, mabuti nang maaga ay nalaman mo na kesa kapag kasal na kayong dalawa. Siguro hindi talaga siya ang para sa iyo. Alam kong mahirap at masakit pero kailangan mo na siguro itong tanggapin. Sorry kung pakialamero akong tao." Sabi ko.

"No it's okay den, nagpapasalamat nga ako na nandito ka ngayon. Tama ka naman kailangan ko na sigurong tanggapin ito, tatapusin ko na kung ano mang meron sa amin. Maswerte ang taong mamahalin mo." Sabi pa niya kaya napangiti ako ng pilit.

"Oo noong panahong kami pa, mahal ko pa nga hanggang ngayon. Kaso may mahal namang iba na nagpapakatanga rin sa iba, tsk. Sadyang mapaglaro talaga ang tadhana talaga." Sagot ko sa kanya.

"Si alyssa tama ba?" Tanong niya at tumango ako.

Lumapit naman siya sa akin at nagulat ako nang yakapin niya ako. Napayakap na rin ako sa kanya dahil pakaramdam ko kailangan niya rin yun.

Parang safe na safe ako sa yakap niya. Una ko tong naramdaman noon sa piling ni alyssa, oh my no way.

"Hoy victonara, namumuro ka na ah, chansing na yan." Pagbibiro ko agad naman siyang napabitaw.

"Sorry, salamat talaga den. Hindi na ganun kabigat ang nararamdaman ko dahil sayo." Sabi niya.

"Wala yun, that's what friends are for." Sabi ko at nginitian siya. Nakatitig lang siya sa akin na kinailang ko.

"Grabe ka makatingin vic, matunaw ako niyan. Alam ko namang maganda ako eh." Dinaan ko lang sa biro ang pagkailang ko.

"Wow, parehas kayo ni baldo, mahangin din." Sabi niya na natatawa at inirapan ko lang siya. Mapangasar talaga ang babaeng to.

"So anong plano natin sasabihin ba natin sa kanila?" Tanong niya.

"Syempre may karapatan silang malaman yun. Magalit na kung magalit si alyssa ayokong may tinatago eh." Sabi ko.

"Sige tara na sa resto." Pagaya niya.

"Mamaya nalang siguro may duty pa kasi ako. 6pm pa yung out ko." Sabi ko sa kanya.

"Okay sige, hinhintayin kita. Wala naman akong ibang gagawin kesa magiiyak sa condo ko, tsk. Pwede bang sa office mo nalang ako tatambay?" Sabi niya at natigilan ako, tinitigan ko lang siya.

"Promise behave lang ako, hindi kita kukulitin." Sabi niya at nagpuppy eyes. Oh my, why vic is so cute??

"Oh siya sige na tara na nga." Sabi ko nalang. Kaya ayun bumalik na kami sa loob ng ospital.

Tinanong niya ako kung ilang weeks na ba yung pinagbubuntis ni shiela. Sinagot ko naman yun na 4 weeks na.

"Vic sinabihan mo na ba sila aly na magkikita tayo mamaya?" Tanong ko sa kanya na prenteng nakahiga doon sa couch. Nandito na kami ngayon sa office ko.

"Yes maam, sinabihan ko na sila pati sila marge na sa bahay nalang nila ate gretch nalang tayo magkikita kita." Sagot niya.

"Nagtext si alyssa, mauuna na raw sila doon. Ang aga pa ah, excited naman siya masyado." Sabi pa ni vic.

Bigla naman akong kinabahan, di ko alam pero parang may nangyaring di maganda. Isinawalang bahala ko nalang yun.


Ayokong walang partner si den kaya... Haha. AraDen layag!



-J

TAKEN... For Granted (MikaSa FanFic)Where stories live. Discover now