Happier. Happier?

1.6K 111 51
                                    

Short fiction inspired by the songs Happier by Marshmello ft. Bastille and Happier by Ed Sheeran.

***

"Anak, matulog ka na. Minsan ka na nga lang makakapagpahinga sa trabaho puro puyat ka pa din. Ano bang nilalaro mo na naman?"

"Dad..."

"Hindi Mobile Legends... Feelings mo ang pinaglalaruan mo, anak. Bakit kailangan mo pang tignan?"

"I... Gusto ko lang siguraduhin na tama ako, Dad. Na tama ang naging desisyon ko."

"Anak, she's living her life. You should too."

"I am. I am living my life, Dad. Kayo, ang trabaho ko, yung mga investments sa future namin ni... natin. I'm okay, Dad. Really."

"Haaay... Anak, sigurado ka bang okay ka lang?"

"Tama naman ako di ba? I just wanted her to be he happiest that she can be."

"Sinabi ba niyang hindi siya masaya sa'yo noon?"

"No... Never. She was always patient, always loving. She always understood. Sure. Nagkakatampuhan din kami. Nag-aaway din but she was always the first one to reach out kahit hindi niya kasalanan. Hindi naman niya kasi kasalanan na mainis siya because I had her wait up for me again when I promised to be there on time for once. Madalas pagdating ko, halos hating gabi na, malamig na yung hinanda niyang dinner tapos pagod na ako kaya matutulog na lang kami dahil kailangan kong magpahinga para gumising ng maaga kinabukasan para sa shooting. Halos di na kami makapagusap. Lagi niyang sinasabi na matulog lang kami nang magkayakap at magkasabay sa almusal, kumpleto na ang araw niya. Pero kulang, Dad. Laging kulang ang oras para sa aming dalawa. Matutulog na nga lang yun sa van sa kung saan venue ng show or set ng taping para magka-oras kaming dalawa. Minsan aawayin ko pa dahil pagod na ako at nakukulitan when argue about where to eat or what movie to watch. Mabubulyawan ko siya, sasagot siya kasi napuno na din, sisigaw ako nang mas malakas, mag-aaway kami, iiyak siya, di kami mag-iimikan hanggang kausapin niya ako ulit."

"Anak..."

"She just waits until I was calm enough to talk to again. Naghihintay lang siya palagi. Naghihintay na umuwi ako, naghihintay na hindi na ako pagod, naghihintay na magkaroon ako ng oras. Hindi ko na ng mabilang kung ilang beses kaming nag-plano ng bakasyon pero hindi matuloy-tuloy dahil sa trabaho o dahil mabubuko kami, dahil bawal. Pero naintindihan niya. Naghintay siya. Ilang beses ko ba sinabi sa kaniya na babawi ako pero kahit anong gawin kong bawi, parang hindi sapat sa mga naging pagkukulang ko."

"She was happy. She said she was happy. I know she was happy. She always made sure that I was happy and that made her happy pero... Pero alam kong kulang, Dad. She can be happier. And she can't do that if she spends all her time waiting for me. So... so I let her go. I broke up with her so she can be free."

"And she is now. You are too. Wag kang magpakulong sa nakaraan niyo, anak."

"I know, Dad. Yun din naman ang gusto niya, yun din ang gusto ko pero hindi ko pa kaya. Hanggang hindi ako sigurado na okay na siya, na mas masaya na nga siya na hindi na siya nakatali sa akin. Dad?"

"Ano yun, anak?"

"She seems happy, right?"

"Mukhang masaya naman siya, masaya naman siya sa nakikita ko. Mas marami na din siyang napupuntahan at nagagawa so sa tingin ko, tama ka naman anak. She's happy."

"Happier?"

"Are you?"

"..."

"Hay naku. Pagibig nga naman."

"Sige, Dad. Uhm... Matutulog na po ako."

"Sige. Goodnight, anak."

"Goodnight, Dad. Dad, may nagdo-doorbell po ata."

"Oo nga ano? Sino kaya yun? Magha-hating gabi na ah. Sandali. Ako na ang titingin. Umakyat ka na, anak."

"Okay, Dad."

***

"I'm sorry po. Medyo late na. Thank iaabot ko lang po sana itong..."

"Meng?"

"RJ... Akala ko..."

"Akala ko natulog ka na, anak?"

"Kukuha lang po sana ako ng tubig... Meng, anong ginagawa mo dito?"

"Uhm... Ano... Ihahatid ko lang sana ito."

"Okay. Di na ako pinapansin. Exit frame na, Daddy."

"Ano po yun, Tito?"

"Aaah... Wala. Sabi ko sa kusina muna ako. Maiwan ko na kayo."

"..."

"..."

"Anong dala mo?"

"Uhm... some things that you left in my condo. Here."

"Thank you. Nag-abala ka pa."

"I just thought you might need them for your trip. May jacket diyan, shirts, pants, socks, a couple of shoes, sunglasses..."

"Ang dami ko pa palang naiwan doon."

"Yup. Ayan may pouches ka pa, chargers and..."

"Toothbrush?"

"I know it's an old toothbrush and you may not have any use for it anymore. You... you probably changed that toothbrush already but you may still... you may still want it."

"I do. It's the best toothbrush I've ever had. We've been through so much together. We share so many good memories together and... I would love to have this toothbrush again. Kung pwede pa. Mukhang masaya naman siya nung iniwan ko siya."

"Masaya naman siya kaso hindi naging kasing saya nung magkasama pa kayo. Nasaktan siya. Oo. Iniwan mo eh. Inayawan."

"Hindi ko inayawan. Pinalaya ko."

"Lumaya. Sumaya. Pero hindi naging kasing saya."

"Sa palagay mo? Pwede pang maging akin tong toothbrush?"

"Bakit sa tingin mo nandito yung toothbrush ngayon?"

"Bakit nga ba? Ayaw ko kasing angkinin itong toothbrush na iniwan ko kung hindi na siya pwedeng maging ak... mmm..."

"Nainip na yung toothbrush. Ang daldal mo daw."

"Ah ganoon? Halika. Mmmph..."

"Hmmm... mmm..."

"Hala ka. Nag-toothbrushan na!"

"Dad? Sinong dumating?"

"Rizza! Wala. Wala, anak. Matulog ka na ulit at maaga ka pang magbubukas ng McDo."

"Dad, 24 hours bukas ang McDo natin."

"Kahit na. Maaga ka pa bukas. Umakyat na tayo at matulog na."

"Pero may kukunin pa po ako sa baba."

"Sa umaga na, anak. Bawal sa sala. May nagtu-toothbrush."

"Toothbrush? Sa sala? Dad, hindi ako si Angel. Mukhang alam ko na kung anong nangyayari. Alam ko po kung sinong dumating. Kilala ko yung sasakyan na nag-park sa harap."

***

New Title: Toothbrush 😂
Thank you for reading. ☺️

Short TakesWhere stories live. Discover now