Chapter 2: Sexy Smirk

315 12 20
                                    


Chained By The Old Love

Chapter 2: Sexy smirk

Lorelei Larissa's P.O.V.

"You're crazy." Komento ko nalang at napailing. 

"Wow. Kung alam ko lang ay gusto mo naman ang ginawa ko." Saad niya at tumawa. 

"Yeah. Thanks." I said and laughed too. 

Hinawakan niya ang kamay ko at sabay na kaming pumasok. 

"Mommy, Lorelei is here!" Malakas na sambit niya pagkapasok na pagkapasok palang namin sa kanilang pintuan.

Lorelei ang tawag nilang lahat sa akin, well except Joziah. He wants to call me by my second name. Larissa. Tanging siya lang ang tumawatag sa akin ng ganun. 

Sumilip mula sa bukana ng dining room si Tita Jasmin. Ngumiti siya ng pagkalaki-laki sa akin,"Come here my dear." She said at lumapit sa akin. 

Hinalikan niya ako sa pisngi. Sobrang sweet sa akin ni Tita kaya naman super close kami.

"Hi Tita." I said and kissed her cheeks.

Niyaya na niya kami papasok sa dining nila. Pagkapasok palang doon ay nakita ko na si Joziah na busy sa phone niya. Napaikot nalang ako ng mata. Katext niya siguro ang girlfriend niya.

"Wait." Saad ni Tita at inilapag sa mesa ang ulam. Ngumiti siya sa aming lahat,"Okay let's eat." She said at umupo na rin.

Nakaupo ako sa tabi ni Sophie at kaharapan ko si Joziah.

"Joziah can you bring down your phone." His mom said.

Tumingin lang siya kay Tita at binitawan na ang phone niya. Kumuha na rin siya ng pagkain niya.

"Malusaw si kuya." Bulong sa akin ni Sophie. Pinanlakihan ko lang siya ng mata. Tumawa lang siya sa akin at kumain na rin.

"So hows life?" Baling sa akin ni Tita. Katabi niya si Tito Sebastian na kumakain lang ng tahimik.

Sinagot ko lang siya ng maayos at nagpatuloy na sa pagkain.

Naging masaya naman habang kumakain. Si Tita at Sophie ay lagi akong kinakausap. Si Tito naman at Joziah ay nag-uusap. Lagi rin akong nakatingin sa kanya ngunit hindi man lang siya nag-aksaya ng oras para tumingin sa akin.

Nang matapos kaming kumain ay nakipag-usap muna ako kay Tita. Si Sophie ay pumunta sa kwarto. Bago siya umalis ay sinabi niyang sumunod nalang daw ako sa kanya pagkatapos ko rito. Si Joziah naman ay lumabas dahil may kausap siya sa phone niya. Argh! Ang sweet pa ng boses niya at alam ko kung bakit ganoon ang kanyang tono. Of course kausap niya ang babaeng iyon.

"Tita can I ask?" 

"Sure, what is it?" She answered.

"Pinakilala na po ba ni Joziah 'yung girlfriend niya sa inyo? I'm just curious." Hindi naman siguro halata na nagseselos ako ano.

Tumawa siya ng mahina,"You don't need to hide your feelings. We both know that you still have feelings for my son. Hindi pa niya dinala rito si Tania. Hindi ko pa rin siya nakikita ng personal."

Ngumiti lang ako kay Tita,"Thanks for answering my question, Tita. I think I should go to Sophie now."

Naglakad na ako papunta sa hagdanan nila. Pagka-akyat ko ay dideretso na sana ako sa kwato ng aking bestfriend pero nakita kong nakabukas ng kaunti ang pintuan ng kwarto ni Joziah.

Magkatabi lang kasi ang kwarto nilang magkapatid.

Naglakad ako ng dahan dahan patungo sa harapan ng kanyang pintuan. Sumilip ako at doon ay nakita ko siyang nakaupo sa kama niya. And oh let me tell you this, wala siyang suot na pang itaas at kahit na naka talikod siya ay alam na alam mong masarap, I mean masculado ang kanyang katawan.

Chained By The Old Love (CLSS #1)Where stories live. Discover now