Chapter 13: Prize

120 3 6
                                    

Wahhh baby Jungkook's voice in Dynamite is sooooo.... Sarap i-kiss hihi, char, peace!

Chained By The Old Love

Chapter 13: Prize

Lorelei Larissa's P.O.V.

Walang pasok ngayon at na kina Sophie ako. Nasa kwarto niya kami at nagkukwentuhan.

"So kumusta na kayo ng manliligaw mo?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa laptop niya.

Nasa timeline kasi kami ni Hendrick at tinitignan ang mga post niya.

"Ewan ko ba. Feeling ko ay babaero talaga siya," malungkot niyang sambit.

Pinindot niya ang isang pinost na picture ni Hendrick at ini scan ang mga comments.

"Oops..." napangiwi ako ng makita naming dalawa ang comment ng isang babae.

"At talagang nireplayan pa niya ah," naiinis niyang saad at padarag na umupo.

Umupo na rin ako ng maayos sa tabi niya. "Baka naman friend niya," pampapalubag ko sa loob niya.

She crossed her arms infront of her chest. "Parang hindi naman," then she rolled her eyes.

"Kausapin mo kaya," I suggested.

"Bakit ko naman kakausapin ang lalaking iyan. Nakakainis naman siya," pagmamaktol niya pa rin.

"Oh e'di paano niyan. Papatigilin mo na siya?"

Marahas siyang napaharap sa akin at tumitig. Pagkaraan ng ilang minuto ay bumaling siya sa iba at may binulong.

"Kasalanan mo kung bakit kailangan ko pang patulan ang Hendrick na iyan," bulong niya na hindi ko naintindihan. Tanging 'Hendrick' lang ang narinig ko.

"Ano?" naguguluhan kong tanong.

"Wala," saka siya pilit na ngumiti.

Ano ba kasi iyong sinabi niya?

"Papatigilin mo nga siya?" pagtatanong ko ulit.

"Hindi," matamlay niyang saad.

Napatango ako at hinaplos siya sa likuran. "Mukhang gusto ka naman talaga niya. Nakita ko kayo noong isang araw na magkasama. Kitang kita sa mga mata niya na gusto ka niya," kwento ko.

"Talaga?" then she sighed. Para bang problemado pa siya sa nalaman niya.

"Bakit?"

"Just nothing," tinitigan niya ang laptop niya.

Biglang nag flash ang mukha ng manliligaw niya roon. Tanda na tinatawagan siya nito.

"Hmm... Labas muna ako," tinuro ko ang labas at tumayo na.

Nakakahiya naman na mag uusap sila habang nandoon ako. Isa pa ay kailangan nilang mag usap talaga para naman maayos na ang problema nila. Para hindi na iyon lumaki.

Bagay pa naman sila kaya sayang kung hindi sila magkakatuluyan. Saka gusto ko rin naman na sumaya ang bestfriend ko.

Saan naman kaya ako pupunta nito?

Tumigil muna ako sa labas ng kwarto ni Sohpie at nag isip. Tulungan ko na lang kayang magdilig ng halaman si Yaya Fritz? Nadiligan ko na kasi iyong sa akin kanina bago pa ako makapunta rito.

Napatingin ako sa kabilang kwarto ng bumukas iyon. Lumabas doon si Joziah na naka jersey short lang.

"Hi," masaya kong bati ng mapabaling siya sa akin.

"What are you doing here?" masungit niyang tanong. Nakakunot pa ang kanyang noo.

"Kasama ko si Sophie kanina. May kausap siya ngayon kaya lumabas muna ako," sagot ko at lumapit sa kanya kahit medyo naiilang ako dahil wala siyang pang itaas. "Ayaw mo ba akong makita?" malungkot kong tanong at ngumuso.

Chained By The Old Love (CLSS #1)Where stories live. Discover now