Chapter 10: Enzo

169 10 39
                                    

Chained By The Old Love

Chapter 10: Enzo

Lorelei Larissa's P.O.V.

"What are you doing here?" Joziah asked.

Kakababa niya lang mula sa kanyang kwarto at mukhang kakagising niya pa lang.

"I'm here to cook for you." I said and smiled at him.

Kumunot ang kanyang noo,"Meron naman kaming tagaluto, Larissa." Umupo siya at tinignan ang mga nakahapag na pagkain.

"Oras ka na kasing nagising eh."

Ten o'clock na. Sabado ngayon kaya walang pasok.

"So?"

"Pinapasabi nga pala nina Tita na hindi sila makaka uwi ngayon." I answered.

Kinuha ko ang pagkakataon na ito para mas mapalapit pa sa kanya.

"Oh I remembered." He said and start to get foods.

Umalis kasi silang lahat at si Joziah lamang ang natira rito. Pumunta sila sa isang dagat para magliwaliw roon. Parte pa rin ng regalo nila para kay Sophie. Sinasama nila si Joziah ngunit ayaw talaga nito dahil may gagawin daw siyang iba. Ako rin naman ay sinasama nila. Kaso ng malaman ko na maiiwan siyang mag isa ay nagpa iwan na lang din ako.

"You don't need to do this." He said after he chew the bread.

"What?"

"Hindi mo ako kailangang pagsilbihan." Seryosong saad niya.

Piniling ko ang aking ulo at umupo na rin. Magkatapat kami ngayon.

"Pero gusto kitang pagsilbihan, Joziah." Mariin kong sambit.

Tinaas niya lang ang isa niyang kilay at kumain na ulit. Napatigil siya bigla.

"Bakit?" Tanong ko.

"Why are you not eating? Sabayan mo ako."

Tumango ako at mabilis na kumuha ng pagkain.

Habang sumusubo ako ay nakatingin pa rin ako sa kanya.

"You're better at cooking now." He blurted out.

"Ah?"

"Sabi ko magaling ka ng magluto ngayon."

Nanlaki naman ang mga mata ko,"Anong gusto mong palabasin? Na hindi ako magaling magluto dati?" Tanong ko at napanguso.

Napangisi naman siya sa naging reaksyon ko,"I am not saying anything."

"Pero kinakain mo naman dati ang mga niluluto ko ah." Nakabusangot ko pa ring sambit.

"Nasanay lang ako sa mga sunog na pagkain."

Hinirapan ko siya,"Bakit hindi mo sinabi dati na ayaw mo naman pala sa luto ko?"

He shrugged his shoulder off,"Kasi dati iyon." Sumubo na siya ulit.

Napatango na lamang ako ng mabagal. Dati iyon. Dati noong konektado pa rin kami sa isa't isa. Dati na mahal pa namin ang isa't isa.

Natural na hindi niya iyon sasabihin dahil ayaw niyang masaktan ako dahil doon.

Bahagi ba iyon ng mga dahilan mo kung bakit mo ako nagawang ipagpalit?

Gusto kong itanong iyan sa kanya ngunit ayaw ko naman na masira ang araw namin.

Ngayon pa na may pagkakataon ako.

Nang matapos kaming kumain ay tumayo na ako,"Ako na ang maglilinis dito."

Chained By The Old Love (CLSS #1)Where stories live. Discover now