Chapter 8: So what?

191 12 52
                                    

Chained By The Old Love

Chapter 8: So what??

Lorelei Larissa's P.O.V.

"Let's see." I talk to myself. I put my earings then look at the mirror and scan my self."Wow. You look so pretty, Lorelei Larissa." I said as I send kiss to my reflection.

Pinaghandaan ko talaga ang oufit ko ngayon. Baka magkasalubong kami ni Joziah sa school kaya naman todo paganda ako.

I smiled as I remembered what happened last night. Finally gonna have some chance from him.

"I'll take you back, Baby." I whispered to myself.

Bumaba na ako at sinalubong ng malaking ngiti si Manang pagkatapos ay tuluyan na akong lumabas.

Sa school nalang ako mag-aalmusal dahil baka ma late pa ako.

Pagkalabas ko ay saktong nakasakay na si Manong sa kotse namin. Sumakay na ako at pinaandar na iyon.

"Ingat po, Manong." Bumaba na ako.

Nag-umpisa na akong maglakad papasok at kitang kita ko rin ang pagbaling ng paningin ng iba sa akin. Well, I can't blame them. Sobrang blooming ko kasi ngayon.

"Looking nice there." Saad ng biglang sumulpot na si Yuri sa aking tabi.

Ngumiti ako sa kanya,"Hi." Bati ko.

Sabay na kaming naglakad papasok sa room namin. Magkaklase kami kasi sa subject na ito.

"Siguro may love life ka 'no?" Pag-uusisa niya pagka upo na pagka upo palang namin.

I just shrugged my shoulder and laugh.

Hinampas niya ako ng mahina sa balikat,"Don't tell me boyfriend mo na iyong naghatid sa'yo dati."

Kumunot ang noo ko,"You mean Travis?" I asked.

"Travis pala ang pangalan niya. Lorelei plus Travis. Bagay na bagay." She dreamingly said.

Napapiling nalang ako,"Ewan ko sa'yo."

"Bagay naman talaga kayo. Gwapo at Maganda." Sabi niya at kumindat pa sa akin.

"Eh ikaw sinong boyfriend mo?" Baling ko sa kanya.

Natigilan naman siya at nagseryoso,"I don't have one. But I like someone." She answered.

Napatango naman ako,"Who?" I asked again.

Lumapit siya sa akin at bumulong,"Mapagkakatiwalaan naman kita 'diba?" Tanong niya.

Mabilis akong tumango at itinaas pa ang isang kamay ko.

"I don't know if I love him or I just really really like him. My bestfriend. Yully."

Nanlaki naman ang mata ko,"Bestfriend mo pala iyon."

I know that Yully because I can see him in this school. Kabilang siya sa sikat na basketball team dito na kinabibilangan din ng Joziah ko.

"He doesn't even know about my feelings so please keep your mouth shut."

"Of course I will." I promised.

Umayos na kami ng upo ng pumasok na ang prof namin.

Tahimik lang kaming nakikinig at tumatango kapag may sinasabi ang prof.

Lumipas ang oras at natapos na rin iyon.

"Gutom na ako." Saad ko at hinaplos ang aking tiyan.

"Hindi ka kumain ng almusal 'no?"

Chained By The Old Love (CLSS #1)Where stories live. Discover now