Chapter 14: Rejected

133 5 4
                                    

Chained By The Old Love

Chapter 14: Rejected

Lorelei Larissa's P.O.V.

Pagkatapos mag ppapicture ng mga nakapilang babae sa kanila ay nag form sila as a group. This time sila naman ang nagpapicture gamit ang dslr ng school. Malamang ay ilalagay iyon sa dyaryo ng iskwelahan. Ang "The Reflection".

"Sali natin sila," tinuro kami ni Jaxon kaya naman lumapit na kami sa kanila.

Lumapit na si Jaz sa tabi ni Jiro. Si Yuri naman ay nasa pagitan na ng dalawang lalaki na sina Hiro at Yully. Si Sophie agad na humawak sa braso ng kanyang kuya. Sisiksik na sana ako sa isa pang side ni Joz ng maunahan ako ni Tania.

Napabusangot na lang ako at lalapit nalang sana sa pinsan ko ng hilahin ako ni Marcus. Nilagay niya ako sa gitna nila ni Enzo. Naramdaman ko pa ang pag akbay niya sa akin.

"Okay, one two three," bilang ng lalaking kumukuha ng letrato sa amin.

Ngumiti lamang ako ng maliit at nakadiretso lang ang tingin sa lens ng camera.

"Next pose," abiso ng lalaki.

"Peace sign," bulong ni Marcus sa akin.

Napatingin naman ako sa kanya. Muntikan pa akong makuanan sa ganoong posisyon. Agad lang akong pinaharap ni Marcus sa camera at hinawakan ang kamay ko at niform ang peace sign.

Lutang tuloy ako ng magflash ang camera.

Pagkatapos niyon ay nag aya na ang pinsan ko. "Tara na! Gutom na ako," reklamo nito at humawak pa sa tiyan niya. Ang arte!

"Palagi ka namang gutom," pang aasar ni Tyler.

"Nakakapagod kaya," pagsagot pa ni Brent.

"Sa amin kana sumabay?" tanong ni Enzo.

Napatango naman si Marcus. "Oo nga," nakangiti niyang sambit.

Bumaling ako sa pwesto ni Joziah. Nakita niya iyon at pagkatapos ay nilapit niya ang mukha niya kay Sophie. May ibinulong siya rito.

Tumingin na ulit ako sa dalawang nagtatanong. Sasagot na sana ng biglang sumulpot ang kaibigan ko.

"Sa amin kana sumabay, please," nagpa cute pa ito sa harapan ko.

Natawa ako ng mahina. Hinarap ko muli si Marcus. "Kina Sophie na ako sasabay. Hindi ko siya matiis eh," nangingiti ko pang sagot.

Tumango na lamang ang dalawa.

"See you," paalam ko at humawak na kay Sophie.

Nakarating na kami sa harapan ng sasakyan ni Joz. Pumasok na ang kapatid niya sa likod kaya sumama na ako. Pagkapasok ay bumungad sa akin ang nag-uusap na magsyota.

Pakiramdam ko tuloy ay bigla akong nagsisi sa naging desisyon ko. Dapat pala ay kina Marcus na ako sumabay! Feeling ko anytime ay mawawalan ako ng hininga rito. Gusto kong makasama si Joz pero ayaw ko siyang makasama kapag kasama niya ang nobya niya.

"Uyy bakit ang tahimik mo?" baling sa akin ni Sophie pagkatapos niyang binaba ang cell phone niya.

Napaikot ng kaunti ang mata ko. Alam naman kasi niya na ayaw kong nakikitang magkasama ang mag syota na nasa harapan namin.

Lumapit siya sa akin. "Ang obvious mo," pang aasar pa niya.

"Tigilan mo nga ako," saka ako tumingin sa labas.

May kung ano lang na pinag uusapan ang dalawa sa harapan. Rinig na rinig ko pa ang hagikhik ng babae.

Gusto ko mang umuwi na lang ay hindi ko nagawa. Celebration nila at kaibigan ko na rin sila kaya importante iyon. Isa pa ay magkikita pa kami mamaya ni Joz. Kung susulputan man niya ako. Baka kasi maubos ang oras niya kay Tania.

Chained By The Old Love (CLSS #1)Where stories live. Discover now