Chapter 16: Among the Two

121 5 1
                                    

Chained By The Old Love

Chapter 16: Among the Two

Lorelei Larissa's P.O.V.

I woke up still feeling the pain in my chest. Bumuga ako ng hangin at pinilit na ngumiti.

No. You cannot see me giving you up, My love.

It's only five thirty in the morning. And my class will start at nine. Sinadya ko talagang magising ng maaga.

I placed the excercise mat and warm up before doing my routine. I know that I have the figure pero dapat ay mas lalo pa iyong mag improve.

After thirty minutes ay natapos na ako. Pawis na pawis ang buong katawan ko.

Kinuha ko ang pangpunas ko at pinunasan ang aking katawan. Bumaba ako para kumuha ng tubig.

Pagkatapos ay nagpahinga habang kinakalikot ang cell phone ko.

A smiled plastered on my face ng makita ko ang pagpayag ng dalawa. Marcus and Enzo. The keys to my plan to reveal the secret of that girl.

Sa lalong madaling panahon ay kailangan kong mabunyag ang sikreto ng babaeng iyon.

Naghanda na ako para sa araw na iyon. I wear my best look. This is a sign that I am not giving up. I am not affected to the words he said to me.

I am not a Maniego for nothing. Kilalang palaban ang mga angkan namin. Wether it's business or what, escpecially in love.

Lumabas ako ng may pekeng ngiting nakalagay sa aking mukha. Hindi iyon halata dahil magaling akong magtago ng tunay kong nararamdaman. Sa dalawang Jimenez lang naman ako hindi nakakapagtago ng totoong saloobin.

Pagkarating sa school ay si Sophie na ang sumalubong sa akin. Hindi niya kasama ang kanyang kuya dahil hindi naman sila nagsabay.

"Sa malayo ka palang, amoy na amoy na kita," sambit niya at sininghot pa ako. "Anong meron?" asar niya at sinundot ako sa tagiliran.

I smiled at her. "Feel ko lang," I said and flipped my hair.

Pumiling siya sa akin. "Really? Your smile looks so true but you can't deceive me," hinawakan niya ang bibig ko at binura ang aking ngiti.

"Whatever, Sophie. I need to be possitive in life," inayos ko ang pagkakahawak ko sa bag ko.

"Ewan ko sa'yo. Need ko ng pumunta sa class. Kita tayo mamaya sa house tapos kwentuhan mo ako ah," winagayway na niya ang kamay niya at naglakad na papalayo.

Inayos ko ang posture ko at binalik ulit ang aking ngiti.

Pumasok na ako sa unang klase ko. Katulad noong isang araw ay tahimik na naman si Yuri. Ganoon din ako.

Pagkatapos ay nagpaalam na siya sa akin at umalis na. Ako naman ay nagtungo na sa next class ko.

Maraming sinabi ang prof at may naintindihan naman ako. Kahit na lumilipad na naman ang aking utak sa malayo.

After many classes, break time came. Salamat naman at pwede na kaming magkita nina Marcus at Enzo.

Napapikit ako ng mariin at napatalikod ng mabungaran ang dalawang tao na sobrang sweet. Panira ng araw.

Napasinghap ako at tinignan ulit sila. Again they are still sweet. Tania is clinging to him. And he likes it huh.

Mas nagsiklabo sa aking dibdib ang galit sa babaeng iyon. Kung dati ay nagagandahan pa ako sa kanya, ngayon ay sobrang nasisira na ang araw ko makita ko lang ang kanyang mukha.

Chained By The Old Love (CLSS #1)Where stories live. Discover now