Chapter 11: Talk

177 12 23
                                    

Chained By The Old Love

Chapter 11: Talk

Lorelei Larissa's P.O.V.

Hindi ko pa rin matigilan ang pag-iisip sa dalawa. Kina Tania at Enzo.

Siguro ay kailangan kong malaman talaga kung ano ang relasyon nilang dalawa. Pero paano?

Walang alam si Sophie tungkol sa kanilang dalawa.

Napa isip pa ako ng malalim ng maalala ko ang aking pinsan. Hindi ba't kaibigan niya si Enzo? Siguro naman ay meron siyang maikukwento kahit maliit lang na idea.

Lumabas na ako mula sa classroom. Hahanapin ko ang aking pinsan.

Saan ko kaya siya pwedeng makita?

Naiwan ko pa naman ang phone ko sa bahay kaya hindi ko siya macocontact. Saan naman kaya 'yun nagsususuot.

Ilang minuto na akong naglalakad ay hindi ko pa rin siya nakikita.

Nang marinig ko ang sigawan mula sa gym ay naglakad ako patungo roon.

My gosh, Lorelei. Bakit hindi mo ba naisip na baka nagpapractice sila ng basketball? Basketball player kaya ang pinsan mo.

Umupo ako sa bleacher at pinanood sila. Hihintayin ko na lang silang matapos. Good thing ay mamaya pa ang next subject na papasukan ko.

Seryoso ang pag eensayo nila. Kitang kita rin sa mukha ni Joz kung gaano siya kaseryoso.

Nagpahinga sila saglit at umupo. Napadako ang tingin sa akin ni Jaxon kaya naman nginitian ko siya. Pagkatapos noon ay bumaling siya sa katabi niyang si Marcus at bumulong dito.

Ilang saglit lang tumingin ng daretso sa akin ito at ngumiti ng pagkalakilaki.

Narinig ko pa ang kantyawan nila at nag asaran.

Natigil sila ng biglang tumayo si Joziah at magdeklara na mag uumpisa na sila.

Bago pa ito makapasok sa mismong ring ay bumaling ito sa akin gamit ang kanyang mapanganib na mata.

Napalunok ako dahil doon. Pero di kalaunan ay ngumiti ako ng pagkatamis tamis sa kanya.

Tumitig siya saglit sa akin bago bumaling sa kabila. Ngunit nakita ko ang pagsilay ng maliit na ngiti sa kanyang labi bago pa siya makabaling ng tuluyan.

Pinapanood ko lang sila sa paglalaro. Joziah really got the moves. Lagi siyang nakakashoot. Ganoon din naman ang iba pero para sa akin ay mas magaling siya.

Nang patapos na sila ay tumayo na ako at naglakad papalapit sa kanila.

Kanya kanya silang kumuha ng towel at inumin.

"Why are you here?" Mahinang tanong sa akin ni Joz.

"I came here for Brent. May sasabihin lang ako sa kanya." I answered.

Tumango naman siya at tinawag ang busy kong pinsan sa pakikipagkwentuhan.

"Lorelei my man!" Salubong sa akin ni Brent at itanaas ang kanyang kamay.

I rolled my eyes at him,"I'm not a man."

Natawa naman siya,"I know. You're too beautiful to be a man." Pambobola pa niya.

"Hi, Lorelei." Pagbati ng kakalapit lang na si Marcus.

Humarap sa kanya ang pinsan ko at sinapok siya ng mahina sa braso,"Sobrang ganado ngayon si Marcus sa pagpractice dahil nanonood ka."

"Ah?"

"Energy booster kaniya, cous."

Napatawa naman ng peke sa akin si Marcus,"Madaldal talaga ang pinsan mo 'no?" Pagkatapos ay bumaling siya kay Brent at piningot ang kanyang tenga.

Chained By The Old Love (CLSS #1)Where stories live. Discover now