Chapter 3: Travis Yuan

276 11 27
                                    


Chained By The Old Love

Chapter 3: Travis Yuan

Lorelei Larissa's P.O.V.

Five palang ng umaga at nagising na ako. Ayaw ko kasing mahuli sa first day. Maya-maya lang ay mag-uumpisa na ang pasok.

Tumayo na ako at bumaba. Buti nalang ay nakagising na si Manang kaya naman na-ipagluto niya ako ng almusal.

Mabilis lang akong kumain. Pagkatapos ay umakyat na ulit ako para makaligo na.

Shocks. Ang lamig pa naman buti nalang may heater.

Nagbihis na ako at nag-ayos lang ng kaunti.

Tumingin ako sa wrist watch ko. Six thirty na pala. Mamaya pa naman eight ang klase ko. Gusto ko lang pumasok ng maaga dahil maglilibot pa ako sa school para na rin maging pamilyar ako sa mga lugar doon.

Nagpahatid na ako. Pagkarating roon ay medyo marami rami na rin ang mga pumapasok.

Naglakad na ako patungo roon sa may garden dahil iyon ang unang natanaw ng aking mga mata.

Umupo lang ako saglit doon at naglakad na ulit.

Naglalakad ako ng biglang may makabangga sa akin.

"Sorry." He said. His voice was deep. Inihabot niya ang kamay niya sa akin dahil natumba ako.

Napatingin ako sa kanya. Kaya naman pala natumba ako, dahil makisig siya.

Tinanggap ko ang kamay niya at tumayo na."It's okay." I answered.

Hindi naman ako masyadong nasaktan bukod nalang sa kamay kong may kaunting galos.

Napatingin siya sa kamay ko. Hinawakan niya ito,"Let's go to the clinic." He said.

Mabilis kong piniling ang ulo ko,"Huwag na. Maliit na galos lang naman ito." Saad ko at binawi ang aking kamay.

"Fine." He said. May kinuha siya sa kanyang bag. Band aid. Hinawakan niya ulit ang kamay ko at siya na mismo ang naglagay ng band aid dito.

"Thank you." Pasasalamat ko sa kanya at nginitian siya.

Napatingin siya sa kanyang relo."Damn." He cursed. Tumingin siya sa akin,"I need to go. I'm late. See you around." Saad niya at tumakbo na.

Tumingin lang ako sa kanya hanggang sa maglaho na siya sa aking paningin.

What's his name kaya? He has this strong aura. Gwapo siya at napaka-fierce ng kanyang itsura. He looks like a bad boy but I think mabait naman siya. Base na rin sa ginawa niya sa akin. Kung masama siya, dapat ay pinabayaan niya na lang ako pero tinulungan niya pa rin ako.

Naglakad na ako at umalis doon. Malapit na rin ang time ng first class ko. Buti nalang ay alam ko na ang mga room na kailangan kong puntahan.

Pagkapasok ko palang roon ay nakita ko ang isang babae at ngumiti siya sa akin.

"Hi. I am Yuri." She said."Dito kana umupo." She tapped the chair beside her.

Umupo na ako roon,"I'm Lorelei." Pagpapakilala ko.

Nagtagal pa ng ilang minuto bago pumasok ang iba naming kaklase.

Medyo marami rami na rin kaming napag-usapan ni Yuri. Madaldal siya at masayang kausap.

Nagsimula na ang first subject. At dahil first day palang namin ay puro pagpapakilala lang ang naganap.

Pagkatapos ng first subject ay nagpaalam na si Yuri dahil papasok na siya sa kanyang second subject.

Chained By The Old Love (CLSS #1)Where stories live. Discover now