Chapter 7: Be with you

242 12 8
                                    

Chained By The Old Love

Chapter 7: Be with you

Lorelei Larissa's P.O.V.

"Really?" Nanlalaking matang tanong ni Sophie.

Nandito kami ngayon sa may rooftop ng school. Pareho naming vacant kaya naman na isipan naming magtambay.

"We even kiss earlier." I said and blushed. That was a sweet moment.

Napatango siya,"That's good." She said in a low tone.

I don't know whats happening to her. This past few days ay nagiging mailap ang kanyang reaksyon tuwing pinag-uusapan namin ang kuya niya.

I just shrug it off. Baka naman may konting tampuhan lang sila.

"So anong balak mo ngayon?" She asked.

"Tuloy ang plano kong bawiin siya lalo na ngayon na parang may pag-asa pa ako sa kanya." I said and smiled. Kaya ko 'to. In the name of love!

Hinawakan niya ang kamay ko kaya naman napatingin ako sa kanya,"Don't get me wrong pero hindi ka ba natatakot mag take ng risk? You're not sure if my brother still love you or has a feelings for you. What if mahal na mahal niya pala si Tania?"

Napatingin ako sa malayo at natanaw ang halos kabuuan ng iskwelahan,"I'm not sure about his feelings. I'm not sure if we still have the chance. Pero tutuloy pa rin ako kasi mahal ko siya." Pilit akong ngumiti habang nakatanaw pa rin sa malayo.

Hinaplos niya ako sa likuran,"Natatakot ako na baka masaktan ka ng sobra. Just always remember that I am here for you. I got your back."

Napangiti naman ako ng malaki at napayakap sa kanya. I am so thankful that I have this kind of friend.

Natapos ang oras ng vacant namin kaya naman naghiwalay na kami.

Nagtungo na ako sa room at nakinig sa sinasabi ng prof.

Pagkatapos doon ay lumabas na ako at naglakad papunta ng gate.

Konti lang ang subject na pinasukan ko ngayon kaya naman maaga akong makaka uwi.

Naghihintay ako sa sundo ko sa may gate ng may umupo sa tabi ko.

"Travis." I said and waved at him.

"What are you doing here?" He asked.

"I'm waiting for my driver." I said.

"Uuwi kana?"

"Yup."

"I want to give you a ride but I can't because I still have class." He said while looking intently at me.

Napa iwas naman ako ng tingin sa kanya,"Nako huwag ka ng mag abala. May susundo naman sa akin." Natatarantang saad ko kaya naman nabitawan ko ang bag ko.

Yumuko ako para pulutin iyon at ng kukunin ko na ay na untog ako kay Travis. 'Di sinasadyang nagkahawak ang kamay namin dahil parehas naming kinukuha iyon.

Napapiksi naman ako at mabilis na gumalaw,"Sorry." Saad ko.

He just flashed a smile at me. Napatitig naman ako sa kanya. Grabe. Bakit ang gwapo niya?

"You're drooling, Lorelei." He said. It made a goosebumps on me. First time kong narinig ang pangalan ko mula sa bibig niya at nakakabighani iyon.

What the fvck I am thinking?

Napabalik ako sa wisyo ng may bumisina.

Mabilis akong nag-paalam kay Travis at sumakay na sa kotse namin.

Chained By The Old Love (CLSS #1)Where stories live. Discover now