Chapter 15: End

126 9 4
                                    

Maraming salamat sa lahat ng sumubaybay nito. Paalam~

Chained By The Old Love

Chapter 15: End

Lorelei Larissa's P.O.V.

Dinamdam ko ang panyayaring iyon. Pakiramdam ko ay wala na akong mukhang maihaharap sa taong mahal ko. After being rejected for so many times nawawalan na ako ng self confidence.

"Pang ilang buntong hinga mo na 'yan?" tanong ni Sophie sa akin.

Magkasama kami ngayon sa library. Meron kasi siyang pinag aaralan at nagpasama sa akin. Dalawang oras naman ang vacant ko kaya pumayag na ako. Kaysa naman wala akong gawin.

"I feel like I am losing this battle," walang gana kong sambit.

Napatanga siya at tila ba pinroseso sa kanyang utak ang aking sinabi. Nang makuha niya ay napangiti siya ng maliit ngunit napalitan din agad ng pag aalala.

"Really? The Lorelei I know does not have giving up on her vocabulary."

"Yeah. It just that I feel so down," mahina ko pa ring sambit.

She doesn't know about that plan. Ako lang at si Joziah ang nakakaalam.

"Anyways nakita ko ang pag iiba ng mood ni Kuya," kwento niya.

Napukaw ang atensyon ko at mataman akong nakinig.

"Lagi siyang bad mood?" hindi pa siguradong sambit niya. Kumunot pa ang kanyang noo.

"Talaga?" mas lalo yata akong nanlumo dahil doon. Malamang kaya ganoon siya ay dahil sa akin. Galit ba talaga siya? Nandidiri ba talaga siya sa akin?

"Yup but whenever he's with Tania parang gumagahan ang mood niya," she said while flipping the pages of the book.

Loud breathe escaped my mouth. "She's his happy pill," I stated.

"Parang ganoon na nga," lumungkot ang kanyang boses. "May pinag awayan ba kayo?" she curiously asked.

"Yeah about something," hindi ko na sinabi ang buong detalye.

Bumaling siya sa cell phone niya at ngumiti. Baka nagtext sa kanya si Hendrix.

Nang matapos kami roon ay dumiretso na ako sa susunod kong klase. Buti nalang ay magkikita na kami ni Yuri.

"Yuri," nakangiting tawag ko sa kanya ng makita ko na siya.

Tinapik niya ang upuan sa tabi niya. "Masyado mo naman yata akong namiss," she said and giggled. How cute.

"Kumusta na?" pagtatanong ko. Ilang araw na rin kasi kaming hindi nagkikita.

Napabuntong hininga siya. "I can't say that I'm fine but at least I'm still breathing," she said and shrugged her shoulders off.

Napansin ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Just like the look on my eyes kapag tinititigan ko ang sarili ko sa salamin. Parang pasan ang mundo sa lungkot.

"Why? May nangyari ba?" nag aalalang tanong ko.

Ngumiti lamang siya ng malungkot sa akin at pumiling. Naiintindihan ko kung hindi niya kayang sabihin sa akin iyon. Parehas lang naman kami na walang alam sa totoong nangyayari sa bawat isa.

"Bakit ikaw? Parang malungkot ka rin," pansin niya sa akin. Tumitig siya at tila ba pinag aaralan ako.

"Aaminin ko naman iyan. Feeling ko ay wala kaming pag asa ng taong gusto ko," mahal ko.

Hinawakan niya ako sa kamay at hinaplos iyon. "Same thoughs..." she said.

Parehas pala kami ng pinagdadaanan. Mukhang bigong bigo sa pag ibig.

Chained By The Old Love (CLSS #1)Where stories live. Discover now