Chapter 6: Kiss

212 10 17
                                    

Chained By The Old Love

Chapter 6: Kiss

Lorelei Larissa's P.O.V.

"Sh*t." I cursed as I get my bag.

It's time already. Napasarap ang tulog ko kaya naman ngayon ay nagmamadali ako.

May kailangan pa akong ipasa.

Dali dali akong bumaba at nagpaalam kay Manang.

Buti nalang at pwede na ang sasakyan. Pagkapasok ko sa sasakyan ay binilisan ni Manong ang pagdadrive dahil na rin late na ako.

Pagkarating sa school ay napatingin ako sa aking relo.

Napailing ako,"I will just gonna go to the library." Saad ko dahil wala naman ng pag-asa na makapasok pa ako sa first subject.

Baka mapahiya lang ako pag nagpumilit pa akong pumasok.

Kaunti lang ang tao sa library ng makarating ako roon.

Some students are sleeping while others are reading.

Kumuha ako ng pwedeng basahin at umupo na.

Meron pa akong isang oras bago ang next subject ko.

Although sa next subject pa ako may ipapass ay nagmadali na ako kanina. Ayoko naman malate roon dahil importante iyon. Baka pag nag relax relax pa ako sa bahay ay hindi ko mapansin ang oras.

I started to read the book. It's interesting huh.

Nagbabasa ako ng may umupo sa harapan ko. Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy sa pagbabasa.

Tumikhim ang umupo roon kaya naman napatingin ako sa kanya.

Ngumisi siya sa akin,"Hey." Bati niya.

Napkurap naman ako at bumati rin.

"You don't have class?" He asked.

Napakamot ako sa batok ko,"I'm late." I said.

Tumawa naman siya ng mahina,"I guess we're meant to be."

Napakunot ako ng noo,"What do you mean?"

"Well I'm late too." Travis said and chuckled.

Ako naman ang napatawa ng ma-gets ko ang sinabi niya kanina.

Hindi naman na ako na-aakward sa kanya dahil nakasama ko na rin naman siya dati.

We're just talking some random things at tumatawa ng mahina. Nasa library pa rin naman kasi kami.

He's fun to be with. Kahit na medyo may pagka bad boy ang looks niya ay mabait naman siya. Bolero rin, I may add.

Napatigil kami sa pagtawa ng may magsalita.

"This is why you want to go to school despite of what happened to you." Seryosong saad ni Joziah.

Napakagat ako sa labi ko. Ano ba naman ito?

"It's not what you think." I said.

He just rolled his eyeballs,"Whatever." He said.

Nagtungo siya sa kabilang table. Napasimangot naman ako dahil naroon pala ang girlfriend niya.

Tumikhim si Travis,"Is there something between the both of you?" He asked.

"Bakit mo naman nasabi?" Tanong ko rin.

"If looks can kill patay na siguro ako ngayon."

Natawa nalang ako sa sinabi niya. Minsan gusto kong isipin na nagseselos si Joz kaya naman nagagalit siya.

Chained By The Old Love (CLSS #1)Where stories live. Discover now