Prologue

85 6 0
                                    

"Tama na.. Ayoko ko na. Alam naman nating dalawa na pinipilit mo lang ang sarili mo na magkagusto sa akin dahil inutos ito ni kuya! Pero hindi mo naman ako kayang mahalin diba?"

"J-jena.."

"Tim, alam ko na ang lahat. Hindi mo naman talaga ako gusto diba? Sabihin mo na sa akin! Wag mo nang patagalin 'tong relasyon natin- Sandali, meron nga ba tayong relasyon? Ako lang naman ang nagmahal sa ating dalawa, diba?"

"Oo! Sige! Tama ka. Humingi ng pabor sa akin si Sage. Matagal na kaming magkaibigan ng kuya mo kaya pumayag ako dito. Ang sabi niya, gusto mo daw ako at dahil mahal niya ang kapatid niya, pinakiusapan niya ako na ligawan ka."

"Bakit ka pumayag?....Niloko niyo lang ako."

"Sa tingin mo ba gusto ko 'tong ginagawa ko? Sa tingin mo ba gusto kong makasama ka araw araw? Ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin ni Sage."

"Kaya pumayag ka na pagmukhain akong tanga?! Ano ang mapapala mo sa pagpapanggap mo, ha?! Pwede ko namang kausapin si kuya pero bakit humantong pa dito?"

"Tama ka, wala akong napala dito. Nakapila ang mga manliligaw ng gusto kong babae at ako, nagpapanggap na mahal ka. Dapat siya ang girlfriend ko at hindi ikaw."

"Edi umalis ka! Kung never naman pala tayo nagkaroon ng relasyon, puntahan mo yung babaeng gusto mo! Ligawan mo! Pakasalan mo na!"

"Talagang gagawin ko yan... Ngayong hindi ko na kailangang magpanggap pa sa harap mo."

"Sige! Umalis ka na dito! Wala akong pakialam kung umalis ka na ngayon. Puntahan mo na siya at sabihin mo na pinaglaruan mo lang ang damdamin ko at pwede ka nang manligaw sa kanya dahil wala naman talagang 'tayo'!"

"Buti pa nga." Malakas niyang sinara ang pinto at tuluyang umalis.

"Wag ka nang bumalik dito at wag na wag ka nang magpapakita sa akin!" Hindi ako desperadang babae pero nagmukha akong desperate dahil sa ginawa ni kuya. "Bakit ka pa kasi namatay, kuya? You should be the one comforting me right now. Pero hindi ko padin maintindihan kung bakit kailangan pa niyang gawin ang walang kwentang bagay na iyon. Hindi sana ako nasasaktan at umiiyak ngayon."

-end-

Author's Note:

Helloooo!! Thanks for reading Help Me. Short chapter, hehe.. Binuhos ko na ang emotions ko dito dahil may napanood akong video at nalungkot ako sa story kaya naisipan kong gumawa ng story, somewhat related doon.

I hope you guys enjoy reading and I hope you will read this story until the end. I'll try not to make it boring, hehe..

xoxo

Help MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon