Chapter 5

30 3 0
                                    


"Ma'am Jena? May photoshoot po kayo mamayang 4 PM and dinner with the new investors mamayang 8 PM. Sinabihan ko na din ang driver na pumunta na dito mamayang 3 PM."

"Okay. Thank you Gracie. Anyway, tumawag na ba si mom, or dad sayo? They said they're gonna call me or you today. Babalik na sila dito next next week. I'm planning to have a party to welcome them. Can you find me the best event planner?"

"Of course."

"That's all. You may go." Lumabas siya at nagpatuloy ako sa sketching ko. I decided to do this again since I'm done with all my work. Wala naman akong ibang inaatupag and sketching also helps me calm myself down.

I still have four hours until my photoshoot. Long hours with me and my pencil again. 

"Ma'am?" Pumasok ulit si Gracie sa office. "Someone wants to talk to you."

"I don't remember any appointments. Sino?"

"You don't want to know." Okay, I know who's she talking about. "Papayagan ko ba o kakaldkarin nalang ng security palabas?"

"What does he want? Sinabihan ko na siya na hindi na ako mag-aabot ng kahit na anong tulong sa kanila, I'm pretty sure about that."

"I don't know. Sabi niya gusto ka lang daw niyang makausap."

"Tsk, I have no time for this. Sabihin mo sa guards na palabasin siya at kung ayaw, kaladkarin siya palabas. I want him out of here."

"Yes. Immediately."

"Gosh, they are giving me a headache. Last week ang girlfriend niya tapos ngayon siya naman ang manggugulo? Wala na nga akong pakialam sa kanya tapos ngayon babalik siya at hihingi ng tulong? The nerve."

"Hindi ka pwede jan!" Biglang bumukas ang pinto revealing him. "Hoy!" Sigaw ng guards sa labas.

"The heck are you doing here?!" Tumayo ako. "Guards!" Narinig kong nilock niya ang pinto. "What?" Bubuksan ko sana ang pinto at ipakaladkad siya palabas.

"Sandali." Hinila niya ako paharap sa kanya.

"What is wrong with you?! Guards!" Sinubukan kong abutin ang lock pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. "Bitawan mo ako! Kakasuhan kita ng trespassing!"

"Makinig ka muna sa akin."

"Bakit naman ako makikinig isang katulad mo? Kung nandito ka para humingi ulit ng tulong, pasensiyahan tayo, hindi na ako willing na tulungan kayo. I told you, I will not give anything, not a single cent."

"Nasa ospital si Tess."

"The hell I care?! Buti nga sa kanya."

"Malala ang lagay niya at kailangan niyang maoperahan agad. May brain tumor siya, malignant."

Naalala ko si kuya... Brain tumor din ang cause of death niya. Tinago niya iyon sa amin at huli na ang lahat nung tinakbo namin siya sa ospital.

"Alam kong maiintindihan mo ako dahil ganito din ang nangyari kay Sage noon."

"How dare you? This doesn't mean na tutulungan kita dahil nangyari ito noon kay kuya. At ang kapal mo para icompare ang babaeng yan sa kuya ko."

"Namatayan ka ng mahal sa buhay at ako malapit na, kung hindi mo ako tutulungan."

"Pakialam ko? Ano ngayon? I'm not related to her, I'm not related to you. So why would I help you? You insulted me after I helped you before. SHE, insulted me. Now you expect me to help her? I'm not dumb at hindi ko pinapalampas ang mga ginawa niya."

"Ako na ang humihingi ng tawad. Jen- ma'am tulungan niyo po siya."

"Give me at least one good reason for me to help such horrible creature."

...

"Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung mawala siya."

"Tch, I don't care! That's not good enough reason for me to help her. I don't care kung magwala ka o kung magpakamatay ka. Hindi ako banko na pupuntahan mo kapag wala kang pera. Pinutol mo na ang ugnayan natin noon, diba? So, kindly get out."

"Gagawin ko lahat tulungan mo lang siya. Kahit ano."

"Hindi mo ako madadala jan, Tim. Wala akong gustong ipagawa sayo. Marami akong pwedeng utusan jan, for free. This is your problem, hindi ako ang dapat mong lapitan dahil basura lang kayo sa paningin ko. Nothing but worthless trash."

"Please."

"Umalis ka na. Wala akong planong tulungan kayo. Nagsasayang ka lang ng oras. I helped you once and that's enough. Tama na. Wag ka nang umasang tutulungan kita. Now will you leave me alone? Ayokong nakikita ang pagmumukha mo."

Nabigla nalang ako nang hinalikan niya ako sa labi ko.

"Jen, kahit ano." Now I get it.

"You won't go down to that level, will you? Hindi ako manggagamit. Not like you. Desperado ka na nga talaga. Nakakadiri ka."

"Gagawin ko lahat para maligtas siya."

"Alis. Wag kang babalik dito. I feel sorry for you, Tim. Years ago, you are always the hot topic of the school. Ngayon, you're just a nobody."

"Mas nalulungkot ako para sayo. Noon may-awa ka pa sa mga kapwa mo. Pero ngayon na sikat at successful ka na, sobrang nagbago ka. Hindi ko alam kung bato ba yang puso mo pero sa totoo lang naaawa ako sayo. Hindi ko alam kung bakit ka naging ganyan."

"Tama. Wala kang ngang alam. Now leave." Binuksan niya ang pinto at umalis.

Sinara ko ang mga mata ko para hindi tumulo ang mga luha ko pero hindi ko na napigilan ang sarili ko. I remembered what happened to me the night he left. The pain. Gulong gulo ako noon. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin. Naisipan kong magpakamatay nalang para makasama ko si kuya. Gusto kong itigil na ang lahat. Hinanda ko na ang lubid pero naisip ko din. Wala nang matitirang anak sina mom at dad kapag nawala pa ako. At kapag tinuloy ko ang plano kong wakasan na ang buhay ko, wala din namang magbabago. Magiging masaya lang sina Tim at ang gusto niyang babae. I wanted to improve. Gusto kong makita niya kung anong ginawa niya sa akin. Hindi ako maghihiganti, pero ipapaalam ko sa kanya na hinayaan niyang mawala ang isang diamante na sana ay nasa kanya na.

-end-

Help MeWhere stories live. Discover now