Chapter 11

26 2 0
                                    


Jena's POV

"Dalhin mo na 'to. Ginawan kita ng sandwich para kapag nagutom ka, may pagkain ka na agad." Inabot niya sa akin ang isang lunchbox.

"Thanks. Pero, may malapit lang na restaurant sa office. I can control my hunger so," Tinulak ko pabalik ang kamay niya. "Sayo nalang yan."

"Ah.. Peace offering ko din 'to dahil sa nangyari kagabi. Hindi ko dapat ginawa yun. Tama ka."

Pinaalala pa talaga niya? "Ano ba nangyari kagabi? Sa pagkakaalam ko, dumiretso na ako sa kwarto at natulog." Pagpapanggap ko pa. Alangan naman sabihin kong naaalala ko pa? Ako na ang nagsabi na kalimutan na namin ang nangyari kagabi kaya dapat nakalimutan ko na yun.

"Hindi... Mo naaalala? Wala ka bang naalalang nangyari kagabi?" Naaalala ko lahat. Pero hindi ko pwedeng panatilihin iyon sa memorya ko.

"Obviously, wala." Pumasok ako sa sasakyan. "Ah, isa pa pala. Pupunta ang parents ko mamaya dito. Be in character. Wag mong kalimutan ang dahilan kung bakit kita binabayaran."

"S-sige." Pinaandar ko ang sasakyan. "Um, pwede ba akong dumalaw kay Tess mamaya?"

"Bakit hindi? Sige. Dalawin mo siya. But make sure na makakabalik ka agad before dumating ang parents ko." Nagmaneho ako paalis. "Dalawin mo kung gusto mo. Wala akong pakialam."

Pagdating ko sa office, sinimulan ko na kaagad ang pagtapos ng mga designs ko. Naisipan kong ipagawa ang mga 'to and maybe, plan a fashion show.

"Ma'am?" Pumasok si Gracie. "Gusto ko lang po kayong iremind. Mamayang 3 PM po, may meeting ka with Mr. and Mr. Lopez. About sa mga designs na gusto niyong ipresent sa board? They want to share their thoughts about your designs. May dinner naman kayo with our new investors, mamayang 6 PM."

"Okay. Thanks for reminding me, Gracie. Anyway, may schedule ba ako ngayong umaga?"

"Meron po, dalawa."

"Please cancel. I'm busy with my designs so just move them tomorrow. It's not that important, right?"

"Sige po."

"Thanks."
--

It was 10:30 in the morning nang may kumatok sa pinto. I know it's not Gracie. May tune ang katok niya at iba naman ang tunog nito. "Sino yan?" Binuksan niya ang pinto at bakit siya nandito? "I thought you're going to visit Tess?"

"Kanina pa. Nakausap ko na din ang parents mo. Nandoon na sila sa bahay niyo ngayon."

"Okay, so what are you doing here? Wala kang magawa?"

"Ang totoo niyan, aayain sana kitang kumain sa labas mamaya. Kung hindi ka busy.."

"I'm obviously busy right now. And... I can't go even if I'm not busy. Bakit? Ano bang meron ngayon? May event ba, or any birthday party?"

"W-wala naman. Akala ko.... naaalala mo pa. Sige, babalik na ako sa bahay niyo." Naglakad siya paalis.

"Ano bang meron ngayon?" Tinignan ko ang calendar ko. "Birthday ba niya? Hindi naman.. Sigurado akong somewhere in December ang kaarawan niya. Birthday ko? Psh, alam ko kung kelan ang kaarawan ko. Tess's birthday? Pero bakit naman niya ako iimbitahin? Maybe... Sage's birth-" At naalala ko nga. "Anniversary namin." That jerk. "Pagkatapos ng nangyayari, aayain niya akong kumain dahil anniversary namin ngayon? Baliw."

Tinapos ko na ang mga designs ko at nagpadeliever ng Jollibee kay Gracie. Konti lang ang kailangan kong kainin dahil bawal akong tumaba.

Time skip. (Hehe sorry)

Nagdrive ako pabalik sa bahay. I just had a good dinner with my new investors. Mayaman naman sila kaya hindi na sila nagdalawang isip na magdinner sa isang yayamaning restaurant.

Madilim ang bahay pagpasok at may kandila sa mesa. "Sandali, brown out ba? Gumagana naman ang street lights sa labas. What kind of prank is this again?"

"Surprise?" Lumapit siya sa akin hawak hawak ang isang bouquet ng roses. "Naisipan kong gawin 'to, para makabawi sayo." May isang pinggan ng fried chicken, soup at kanin na nakahanda sa mesa. He really did this shit? "Sana magustuhan mo."

"This is stupid." Pinaandar ko ang ilaw. "Busog ako ngayon. Galing lang ako sa isang mamahaling restaurant with my new investors.  I already had dinner with them. Pagod na rin ako. Kayo nalang nila yaya ang kumain niyan."

"Pero, para talaga 'to sa'yo."

"Hindi nga ako gutom. Hayaan mo na nga ako. I'm tired and I need to rest."

"P-pero-"

"Hindi mo ba ako naintindihan? Kayo na ang kumain niyan. Just respect my decision, will you?" Umakyat ako sa kwarto at nilock ang pinto. "Does he really think, I'd eat those shit with him. Ang kapal ng mukha niya. Ako nga noon, effort ako ng effort, hindi naman siya pumupunta."

Flashback.

"Tim, since monthsary natin ngayon, naghanda ako ng pagkain sa bahay. Meron doong cake, ice cream, pasta, fried chicken-"

Pinutol niya ang sasabihin ko. "Hindi ako makakapunta."

"B-bakit? Minsan nga lang tayo kumakain sa labas eh. Pagbigyan mo na ako? Please?"

"Hindi nga pwede. Ano bang hindi mo maintindihan dun? Ayokong kumain sa inyo." Umalis siya at lumabas sa gate ng school namin.

"Those days... Me and my chicken... I'd never forget those times. I thought he was just busy pero annoyed na pala siya. I should've known. Hindi na sana ako effort ng effort every monthsary namin, palagi namang nasasayang dahil ni minsan, hindi siya pumunta. At ngayon, ang kapal ng mukha niyang gawin ang bagay na 'to."

Palihim kong binuksan ang pinto at sinilip siya. Nakaupo siya sa harap ng mesa at nakatingin lang sa kandila. "Ipaparamdam ko sa kanya ang pinaramdam niya sa'kin noon."

-end-




Help MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon