Epilogue

51 3 0
                                    


A month passed, at hindi nga siya nagpakita sa akin... Which is a good thing. At least hindi nga bumalik ang feelings ko para sa kanya.

"Kamusta?" Natigilan ako sa malalim niyang boses na biglang nagsalita malapit sa tenga ko.

"A-anong-? Bakit ka nandito? Diba sinabi ko sayo na wag ka nang magpapakita sa akin? Samahan mo na si Tess. Baka kailangan ka niya." Ngumiti siya pero halata namang nababalot iyon ng lungkot. "Bakit? Anong nangyari?"

"Marami siyang komplikasyon sa katawan. Pinagamot nga namin siya, pero.."

"Pero ano?! Anong nangyari sa kanya?! Hindi ko gusto ang tono ng pagsasalita mo. Bakit parang sinasabi mo sa akin na-"

"Hindi na siya nakasurvive." (Sorry)

"A-ano?! Binigyan kita ng pera diba?! Anong nangyayari dun?! Napunta lang sa wala?! Bakit hindi niyo ginawa lahat?! Bakit hinayaan mo siyang.. mamatay?"

"Bakit nag-aalala ka sa kanya?"

"Kasi feeling ko ako may kasalanan! Hindi ko kaagad binigay sayo ang perang kakailanganin mo. Isa pa, hiniram kita sa kanya. You aren't with her but with me."

"Alam mo, may sinabi siya sa akin bago siya bumitaw. Napaopera nga namin siya pero hindi kaya ng katawan niya lahat ng mga sakit at komplikasyon. Ayaw na daw niyang mahirapan pa kami at hindi na din daw niya kaya. Nagpapasalamat siya sa lahat ng tulong mo sa amin, at sa kanya."

"S-sinabi niya yun? Kahit, magkagalit pa kami the last time we saw each other?"

"Oo. Masungit nga siya pero maintindihin naman kung minsan." I feel guilty. Inaway away ko pa siya noon. Hindi ko naman alam na may sakit siya. Ininsulto ko pa siya dahil siya ang babaeng gusto ni Tim. How immature of me.

"Condolences."

"Salamat. Kamusta na pala ang kompanya niyo?"

"Ah.. About that.. Mapipilitan akong maenggaged sa American guy na nakilala nila mom. He's coming here next week at nireready na nila ang kasal."

"Papayag kang magpakasal sa lalaking hindi mo kilala? Hindi mo mahal?"

"Ginawa mo nga yan diba? Pumayag kang ligawan ako kahit hindi mo ako gusto para lang maligtas ang friendship ninyo ni kuya? I'm also doing this to save our company. I've been thinking about this for a couple of times at nakapagdecide na ako. It's fine with me, as long as our company will have a better future."

"Required bang mayaman at may business ang mapapangasawa mo?"

"Hindi naman. Pero mas mabuti daw kung merong business para mas lalong mapaunlad ang business namin. Makapangyarihan daw ang pamilya niya kaya gusto siya ng parents ko."

"Gusto din naman ako ng parents mo diba?"

"Sandali nga. Saan ba patungo 'tong pag-uusap natin? Can you be direct already?"

"Paano kung hindi mo na kailangang magpakasal sa lalaking yun? Paano kung sabihin mo sa parents mo na ako ang boyfriend mo diba?"

"Are you nuts? Baliw ka ba, Tim? Papunta na dito ang tao sa Pilipinas. Sayang naman ang pera at effort niya. Isa pa, I'm tired of all the pretending. I don't like faking things like this anymore."

"Sinabi ko bang magpapanggap ako?"

"Anong ibig mong sabihin?" Hinila niya ako palapit sa kanya. "Uy! Anong ginagawa mo?! Kapag may nakapansin nito, malaking issue 'to."

"Ano naman ngayon? Kung totoo naman..."

"Anong pinagsasasabi mo?"

"Kung ligawan kita, simula ngayong araw, may chance bang sasagutin mo ako?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 18, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Help MeWhere stories live. Discover now