Chapter 6

29 2 0
                                    


"Is everything ready? They'll be here in an hour. Everything must be perfect."

"All set, ma'am. Nadito na din ang mga kaibigan ng parents mo. Sila nalang ang kailangan para maging successful 'tong party."

"Good. I really hope they'll like my surprise." It's been also three years. I miss them so much. Kanina ko lang sila nakausap pero gustong gusto kong marinig ang boses nila in person.

"Ma'am, sabi ng driver malapit na daw sila dito." May tumigil na sasakyan sa labas ng hotel. "Oh, dito na pala sila."

Lumapit ako sa kanila at inalalayan sa pagbaba sa sasakyan. "Hi mom." Niyakap niya ako at hinalikan sa noo. "I missed you guys."

"My little girl. Aww, such a very pretty lady." Niyakap ko din si dad. "George. Tignan mo yang anak mo. Malaki na siya oh."

"Tsk, wala na ba kaming baby ng mom mo? You look so mature. Like a soon to be CEO of our company."

"Not that mature. Grabe naman po kayo sa akin."

"Just kidding. Wow, did you plan all this? You even put white roses, my favorite."

"Oh! May lechon pa! My favorite."

"Ang high blood pressure mo! Nako. Ang dad mo talaga."

After a lot of welcoming remarks, dinala na ng waiters ang food namin sa bawat table. Nagkwentuhan kami tungkol sa mga business namin and also about sa pagiging model ko.

"Anyways, kamusta na pala yung boyfriend mong si, Timothy ba yun? You know what? I really liked that guy. He's also friends with Sage noon diba? He's a hardworking kid." Kung alam mo lang dad..

"Nasaan na pala siya anak? Where does he work? I hope he's doing well. Alam mo, botong boto talaga kami ng dad mo sa kanya."

Hindi ko pala nakwento sa kanila na niloko lang niya ako. Ang ganda ganda ng image niya sa parents ko ah. Paano nalang kaya 'to kung sabihin ko sa kanila na niloko ako ng walang hiyang yun?

"Kayo parin ba anak? Dahil kung hindi, may nahanap na kaming lalaki doon sa LA. He is also a nice guy. The only thing is his parents want him to be engaged as soon as possible."

"Nakwento ka kasi ng mom mo sa sa kanya. He wants to meet you. I mean, if wala na kayo ni Timothy."

"Sandali lang po. Hindi po ako handang maengaged. Bakit kailangan may kasintahan ako? It's a requirement for what?"

"Jena, I must admit. Tumatanda na kami ng mom mo and we need someone younger to manage the company. And it is really a requirement to have a partner. Lalong lalo na't babae ka. It's a part of our family tradition."

"Tama ang dad mo. The next CEO must have a partner before he or she can manage the company. Or else, mapupunta sa step-sister ng dad mo na si Lydia ang company. And you know how evil she is."

"Kapag nakuha niya ang kompanya, I'm sure mawawala talaga ang pinaghirapan ng lolo ng lolo ko. You don't want that to happen."

"Pero kaya ko naman pong mamahala ng ako lang."

"Bakit anak? Wala na ba kayo ni Timothy?"

Kung sasabihin kong, wala na kami at walang 'kami', maeengaged naman ako sa lalaking hindi ko kilala. I have no choice for Pete's sake! "Um... Busy lang po siya."

"Oh, good, you're still together."

What am I gonna do?

Naalala ko ang nangyari two weeks ago. 'Kahit ano' daw eh. I guess I'd have to accept his offer. Kahit ayaw kong tumulong, tutulong nalang ako for the sake of our company. He used me before to save his friendship with kuya. Now it's time for me to use him.

-end-




Help MeWhere stories live. Discover now